Breaking Boundaries 2 [15]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Ngayong papaalis na sila at nagawa na nila ang pakay nila sa pagpunta doon sa bahay nila Conching ay hindi maiwasang balik-balikan ng tingin ni Dale ang magandang tanawin sa likod ng bahay at hindi ito nakaligtas kay Andy. Hindi mapigilan ni Andy ang mapangiti nang maisip niyang parang bata si Dale na ayaw pang iwanan ang pasyalan at ang ngiti namang ito ay hindi nakaligtas kay Conching.


Naglalakad na ang tatlo palabas muli ng bahay ni Conching at papalapit sa kotse ni Dale. Nahuhuli si Dale sa paglalakad habang si Conching at Andy naman ay sapat lang ang layo kay Dale upang magkaroon ng isang pribadong paguusap.

Can you keep him?” tila isang batang nagre-request sa kaniyang ama na alagaan na lang nila ang aso na nakita sa isang pet shop na saad ni Conching.


Huh?” ang tanging nasabi ni Andy, nagtataka sa kung anong ibig sabihin ng request na iyon ng kaniyang tita.


I see the way you look at him. I can literally see your eyes sparkle---” saad ni Conching.


Tita---” simulang pananaway ni Andy kay Conching at itutuloy na sana ang pagkukuwento kung bakit sa tingin niya ay mali ang iniisip ng mas nakakatanda pero hindi na siya nakapagsalita sa mga sunod na sinabi ni Conching.


He's good for you. You guys are good for each other.” pagtatapos ni Conching sabay kindat kay Andy at itinuon ang tingin kay Dale na malungkot na nakatingin sa dalampasigan.


Just trust me on this, OK?” saad muli ni Conching sabay yakap sa kaniyang pamangkin nang makita niya ang pagaalangan sa mukha nito.


Saglit na tinignan ni Andy si Dale at pinagisipan maigi ang sinabi ng kaniyang tita Conching. Tila ba kinalabit si Dale nang maramdaman niyang nasa kaniya ang tingin ni Andy at agad niyang sinalubong ang tingin nito at nagbigay ng isang matipid na ngiti.


Hindi maintindihan ni Andy kung bakit pero tila may nagtulak din sa kaniya na ngumiti din. Nagtataka kung ito ba ang ibig sabihin ng kaniyang tita. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi niya napansin ang pagbitiw ng yakap ni Conching sa kaniya at ang paglalakad nito papalapit kay Dale, nagbibigay ng sapat na layo sa kaniya upang hindi niya marinig ang pinaguusapan ng mga ito.

You really like the ocean, do you?” nakangiting saad ni Conching kay Dale na walang nagawa kundi ang tumango bilang sagot sa tanong ng matanda sabay ibinalik muli ang tingin sa dagat.


You are always welcome to come---” nakangiting saad ni Conching na siyang nagtulak dito na ibalik ang tingin sa matanda at nagtulak din kay Dale upang mapangiti pa lalo.


---and bring Andy with you.” makahulugang saad ni Conching na muling nagtulak kay Dale na salubungin ang tingin ni Conching na kumindat lang sa kaniya at hinila siya upang yakapin din.


Go get him.” bulong ni Conching habang nakayakap pa kay Dale.


Malaki ang pagkakangiti ni Dale nang sumakay na siya ng sasakyan at tumabi kay Andy na nakaupo na sa may passenger seat. Hindi parin niya magawang alisin ang ngiti na iyon kahit pa nagmamaneho na siya papalayo ng bahay ni Conching na talaga namang ikinataka ni Andy. Pabalik-balik mang alisin at ituon ang kaniyang pansin ay hindi parin naaalis sa mukha ni Dale ang matatamis na ngiting iyon.


What did she tell you kaya ganyan kalaki ang ngiti mo?” naniningkit matang tanong ni Andy nang hindi na niya mapigilan ang sarili na magtanong lalo pa't nakakalayo na sila sa bahay ng kaniyang tita at nakaplaster parin sa mukha ni Dale ang ngiti.


Wala naman.” lalong napangiting sagot ni Dale na lalong ikinakati ni Andy na malaman ang sinabi ng kaniyang tita dito.


Ano nga?!” nangingiti na ding tanong ulit ni Andy.


It's a secret.” sagot ni Dale sabay kindat kay Andy na ikinairita ng huli sabay nagbibirong sinuntok ang malaking braso ni Dale.


Ano nga sabi kasi?” nangungulit na sabi ni Andy.


Sabi niya lang na dapat daw pagbalik natin dun tayo na ulit.” binibirong saad ni Dale na ikinatameme saglit ni Andy.


Tinapunan ni Dale ng tingin saglit si Andy at nang makita niya ang namumulang pisngi na reaksyon ng huli ay wala siyang nagawa kundi ang mapatawa ng malakas.


Sira ulo ka talaga.” umaarteng naiinis na saad ni Andy sabay iwas ng tingin kay Dale at tumingin sa labas ng bintana at dun pinigilan ang pagngiti.


000ooo000


Why did you stop?” inaantok paring tanong ni Andy kay Dale nang magising siya nang maramdamang bumagal ang kanilang sinasakyan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at lumingon lingon.


Parang may aksidente.” saad ni Dale sabay ihinahaba ang leeg upang makasilip ng konti.


Nang mapatapat na ang kanilang sasakyan sa lugar kung saan nangyari ang banggaan ng dalawang mamahaling sasakyan ay nagulat sila nang makita nila ang dalawang nagkakagulong grupo ng mga lalaki. Wala pang mga awtoridad sa paligid at di malayong may seryosong masaktan bago pa makarating ang mga ito.


Isang puting fortuner ang tila ba sadyang bumangga sa tagiliran ng isang itim na Montero sport, isang tingin pa lang, alam na na ang mga nakasakay sa puting fortuner ang mali sa dalawang grupo pero sa kabila noon ay tila pinili parin ng mga ito na magkagulo kesa pag-usapan ng maayos na lang ang nangyaring banggaan. Imbis na maayos na mga salita ang ibigay ng bawat isa ay palitan pa ng suntok ang sipa ang pinagsaluhan ng mga ito.


Shit.” saad ni Dale nang makita ang mga nangyayari.


We have to do something!” saad naman ni Andy sabay mabilis na kinalas ang kaniyang seat belt at binuksan ang pinto ng sasakyan.


Andy, wait!” sigaw ni Dale habang akmang pipigilan si Andy sa paglabas ng sasakyan pero masyado itong mabilis.


Mabilis na ipinarada ni Dale ang kaniyang sasakyan sa gilid ng daan, sa sobrang bilis ay ilang sasakyan pa nga sa likod niya ang bumusina ng malakas dahil sa pagaakalang ikakanal pa ni Dale ang sasakyan. Nang maiparada na ang sasakyan at nang masigurong naka-lock ito ay agad na niyang tinungo ang kinaroroonan ni Andy na siyang sinusubukang paghiwalayin ang dalawang grupo.


Stop!” sigaw ni Andy pero hindi siya pinapansin ng mga ito sa halip ay lalo pang naging madalas ang pagbabatuhan ng suntok at sipa sa pagitan ng mga ito.


Eh mga gago pala kayo eh! Nakita niyong umo-over-take na kami dahil sa sobrang bagal niyo tapos bigla niyong bibilisan tapos kinabig niyo pa papunta samin yung sasakyan niyo!”


Merong tricycle sa unahan namin kaya hindi kami makapagpatakbo ng mabilis tapos nung mag-o-overtake na ako saka kayo sumabay! Nag-signal naman ako ah!” sagot naman ng kabilang kampo habang nakikipagrambulan.


Pinilit ni Andy na pumagitna pero dahil may kalakihan din ang dalawang grupo na nagkakagulo, sa tuwing may hihilahin siya papalayo sa kasuntukan nito mula sa kabilang grupo ay mabilis lang itong bumabalik sa pakikipagsuntukan. Dalawa lang si Andy at Dale na umaawat at hindi nila kaya ang tig pito na dalawang grupo ng mga lalaki.


Kahit pa abala si Dale sa paga-awat sa mga nagsasapakang mga lalaki ay hindi niya parin inaalis ang tingin kay Andy. Nagaalala na baka matamaan ito ng isa sa mga mabibigat na suntok at malalakas na sipa mula sa dalawang grupo at kasabay nun ay alisto din siya sa mga maaaring tumama sa kaniyang suntok o kaya naman ay sipa.


Umuulan ng suntok, tadyak, siko at sipa. Kung ano-anong parte na ng katawan ang nahahawakan nila Andy at Dale sa kalituhan dulot ng pagkakagulo. Nakaikot lang sila at hindi naman ganun kadamihan pero pakiramdam nila ay nasa isa silang digmaan. Maliban sa mga suntok, tadyak, paniniko at sipa ay maingay din ang paligid dahil sa pagbabatuhan ng mura at sigawan mula sa magkabilang grupo.


Abala si Dale sa paghila sa isang lalaking na nagpapaulan ng suntok habang nakapangibabaw sa isa pang lalaki nang marinig niya ang kaniyang kinatatakutan. Agad na nag tense ang mga kalamnan ni Dale, nabingi sa bawat ingay at tanging boses lang ni Andy ang kaniyang naririnig, bumagal ang oras sa kaniyang paligid, biglang namigat ang kaniyang dibdib at bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa sobrang takot at pagaalala.


Wag ka ngang pakielamero!” sigaw ng isang lalaki kay Andy pero hindi nagpakita ng takot si Andy. Pinanindigan niya ang kaniyang pag-a-awat sa mga nagkakagulong kalalakihan kahit pa ang iba dito ay mas malaki sa kaniya.


Nagkakasakitan na kayo, sususnod nito baka magkapatayan na kayo!” balik ni Andy na wala man lang bahid ng takot o kaba sa kaniyang mga sinabi.


Saglit pang natahimik ang lalaking kasagutan ni Andy. Tila ba parang nahimasmasan sa katangahang kanilang ginagawa pero nang marinig niya ang pagsigaw dahil sa isang masakit na suntok na natamo ng kaniyang kasamahan ay muling binalot ng galit ang mga mata ng lalaki.


Look! Sila naman ang nauna eh!” sigaw ng lalaki habang ipinapamukha kay Andy na maski ang kabilang grupo naman ay walang balak na tumigil sa pakikipagbasag-ulo.


Hindi naman rason yun eh! Wag kayong magpakababa tulad nila. Nagkakasakitan na kayo!” sigaw ulit ni Andy, ipinaglalaban ang kaniyang gustong mangyari.


Eh ano naman sayo kung nagkakasakitan na kami?! Hindi sila makausap ng maayos eh edi makipagsuntukan na lang! Gusto mo, idamay ka pa namin eh, masyado kang pakielamero!” sigaw ng lalaki na nauubos na ang pasensya sa pakikipagusap kay Andy kaya naman hinablot na nito ang kwelyo ni Andy at aaktong umaamba na dito.


Lahat ng ito ay hindi nakaligtas kay Dale. Agad niyang binitiwan ang lalaking kaniyang pinipigilan sa pagdagan sa lalaking kasuntukan nito at mabilis na lumapit sa kinatatayuan ni Andy. Tinadyakan niya mula sa likod ang lalaking naka-hawak sa kwelyo ni Andy, sa sobrang lakas ng pagkakatadyak ni Dale ay agad na nabitawan ng lalaki si Andy at napaupo pa ito sa sahig kasabay ng lalaking kanina lang ay mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng huli.


Humarap si Dale kay Andy at lumapit dito saka inabot ang kamay upang tulungang tumayo ang huli pero tinignan lang ni Andy si Dale ng masama saka tumayo ng sarili, hindi tinatanggap ang alok ni Dale. Napangiwi si Dale sa ginawang ito ni Andy at kakausapin na sana ito na huwag ng makigulo pa doon at sumakay na muli sila sa sasakyan kaya't hindi niya napansin ang lalaking kanina lamang ay nagtatangkang manakit kay Andy sa kaniyang likuran.


Gago ka ah!” sigaw ng lalaki na nagdulot kay Dale na mapaharap ng mabilis.


Dale!” sigaw ni Andy nang makita niyang lumapat ang kamao ng lalaki sa panga ni Dale tatakbo na sana si Andy nang makita niyang ni hindi manlang napaupo sa lakas ng suntok si Dale sa halip nga na mapaupo ay agad itong bumawi at binato ng santok ang lalaki.


Dale tama na!” sigaw nanaman ni Andy. Natatakot na baka makasakit pa si Dale nang dahil sa kaniyang kagagawan.


Nakita ni Andy kung panong bumagsak ang lalaking ngayon ay kasuntukan na ni Dale at kung pano pa lapitan ulit ito ni Dale at suntukin habang nakaupo na ito sa kalsada sabay harap kay Andy. Natigilan si Andy dahil ngayon niya lang nakita ang side na iyon ni Dale, maski siya ay natakot kaya naman hindi niya napigilang mapa-atras nang makita niyang papalapit ito sa kaniya.



000ooo000


Wala siyang maramdaman kundi galit.


Hinablot ni Dale ang braso ni Andy at sapilitan itong kinaladkad papalayo sa mga nagkakagulong lalaki. Ngayon, meron naring ibang mga tao na naglabasan mula sa kanilang mga sasakyan upang maki-awat kaya naman kampante na si Dale na huhupa na ang gulo dahil naririnig narin niya ang sirena ng mobile ng pulis na papalapit.


Dale! Let go of me!” sigaw ni Andy pero hindi ito pinakinggan ni Dale nabibingi parin siya sa sobrang galit, patuloy lang ito sa pangangaladkad sa nauna at nang makalapit na sila sa sasakyan ay itinulak ni Dale si Andy pasandal sa kaniyang sasakyan at konorner ito gamit ang kaniyang malalaking braso.


Inangat ni Dale ang kaniyang kanang kamay na nagtulak kay Andy na ipikit ang kaniyang mga mata sa pagaakalang pagbubuhatan siya ni Dale ng kamay. Pero imbis na malakas na suntok ay marahang hinawakan ni Dale ang makinis na pisngi ni Andy na tila ba tinitignan kung may nagawa bang damage ang lalaking iyon sa kaniyang paburitong laruan.


Nagdilat ng mga mata si Andy at nakita niya na malapit na sa kaniyang mukha ang mukha ni Dale at natitigan niya ito ng maigi. Wala na ang galit sa mukha nito at muli na itong kumalma, ngayon hindi na galit ang bumabalot sa mukha nito kundi pagaalala. Kitang kita niya din ang pamumula ng pisngi nito na dulot ng malakas na suntok ng lalaking kanina lang ay kasuntukan nito.


Tila may kumurot sa puso ni Andy.


Oh God—No!” saad ni Andy sa sarili nang maisip na iyon ang tingin na ibinibigay sa kaniya noon ni Dale.


Ang tingin na siyang nakapagpaibig sa kaniya.


Nasa ganitong pagiisip si Andy nang biglang suntukin ni Dale ang sariling kotse malapit sa mukha niya, umusod lamang siya ng ilang pulgada na lang sa kaniyang kanan ay baka wala na siyang ngipin ngayon. Nakukulong tuloy siya sa magkabilang malalaking braso ni Dale, katawan nito at ng kotse.


Ang tigas tigas ng ulo mo! Pano kung napuruhan ka dun? Di mo manlang inisip na may nagaalala sayo ha?!” sigaw ni Dale na biglang humangos na miya mo ang sinabing iyon ay katumbas ng pagtakbo ng ilang kilometro.


Di mo naisip na ako ang mananagot sa mga kapatid mo kung may nangyari sayo? Hindi mo na lang pinabayaan na magsapakan yung mga gago na iyon at kailangan mo pang makigulo? Parang hindi ka na nagisip?!” tuloy tuloy na sigaw ni Dale habang kinukulong parin si Andy sa kaniyang mga braso at habang humahangos sa pagitan ng mga salitang sinabi.


Di mo manlang naisip na nagaalala ako sayo?!” sumbat pa ulit ni Dale na lalong nakapagpatameme kay Andy.


Ano? Anong napala natin sa pagaawat dun sa mga hunghang na yun?!” sigaw ulit ni Dale habang itinuturo kay Andy ang dalawang grupo ng kalalakihan na inaawat ng mga pulis habang ang iba ay isinasakay na ng patrol upang dalhin sa prisinto.


I-I was j-just trying to help!” nagmamatapang na saad ni Andy habang kinakabahang nakatingin sa mga kalalakihang kanina lamang ay sinubukan niyang tulungan.


May naitulong ka ba---?” sarkastikong tanong ni Dale na ikinainis ni Andy ngunit hindi ito pinansin ng nauna na nagpatuloy lang sa pagsasalita.


---saka sana inintay na lang natin yung mga pulis!”


At intaying may masaktan?!” balik ni Andy.


Meron parin namang nasaktan diba?”


At least hindi ganun ka grabe!”


Arrggghhhh! Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?! Nangyayari naman talaga ang ganiyang pakikipagsapakan, Andy at hindi mo kailangan laging mangielam! Di mo ba naisip na baka nadamay pa tayo?” sigaw parin ni Dale habang kinukulong parin ang katawan ni Andy gamit ang sarili niyang katawan. Napatingin si Andy sa namumulang pisngi ni Dale at hindi mapigilang makonsensya pero nagmatigas parin siya.


Hindi matigas ang ulo ko, ayaw ko lang may nakikitang nasasaktan! Saka ano bang problema mo edi sana hindi ka bumaba ng sasakyan!” balik ni Andy na ikinatameme ni Dale.


Nagtama ang tingin ng dalawa. Tila isinampal at isiniksik muli sa mga mata ni Dale ang pagaalala kay Andy at hindi ito nakaligtas sa huli. Ilang beses pang bumukas at sumara ang bibig ni Dale na tila may gusto pang sabihin at ilang emosyon pa ang rumehistro sa mukha nito bago pa maramdaman ni Andy ang malalambot nitong mga labi sa kaniyang mga labi.


Hindi niya magawang itulak papalayo si Dale sa kaniya upang putulin ang halikan na iyon dahil nababalot parin siya ng gulat at dahil narin tila ba nanghina siya matapos makipagrambulan at makipagtalo kay Dale at pilit iwinawaglit sa kaniyang isip na kaya hindi niya rin pinipigilan si Dale ay dahil gusto niya rin ang nangyayari.


Wala sa sariling napasandal si Andy sa katawan ni Dale. Nagtama ang kanilang mga dibdib at tila ba ginawang pundasyon ni Andy ang malaking katawan ni Dale.


Mainit din ang halikan na iyon. Puno ng pananabik. Puno ng emosyon.


Da--” simula ni Andy sabay tulak ng marahan kay Dale upang pigilan sana ito pero iyon ang kinuwang oportunidad ni Dale upang ipasok ang kaniyang dila sa mga labi ni Andy at lalong naging mapusok ang halikan na iyon.


Hindi nagtagal at nadala nadin ng iba't ibang emosyon na hatid ng halikan na iyon si Andy. Dahan-dahang ipinikit ni Andy ang kaniyang mga mata pero hindi pa man nagtatagal sa pagkakapikit ang mga iyon ay agad nang naramdaman ni Andy ang paghiwalay ng mga labi ni Dale mula sa kaniyang mga labi. Kung anong nakakagulat at bilis ng pagdampi ng mga labi kanina ni Dale sa kaniyang mga labi ay siya ring nakakagulat at bilis na pagbawi nito mula sa kaniyang mga labi na para bang nakakakuryente ang kaniyang mga labi.


Mabilis na binuksan ni Andy ang kaniyang mga mata upang malaman kung bakit naputol ang halikan na iyon at ang tensyonado paring likod ni Dale na nagsisimula ng maglakad paikot ng sasakyan at papasok sa may driver's seat na may binubulong na tanging mga salitang “selfish” at “asshole” ang naintindihan ni Andy.


Naguluhan tuloy si Andy kung totoo bang nangyari ang halikan sa pagitan nila ni Dale o nananaginip lang siya. Narinig ni Andy ang pagsara ng pinto sa side ng driver na siyang gumising sa kaniyang malalim na pagiisip.


Are you just going to stand there or are we going?” mainit paring saad ni Dale na siyang ikinailing na lang ni Andy.


Sumakay si Andy at naramdaman niya ang lalong pagtetense ng katawan ni Dale nang tumabi na siya dito na ikinairap na lang niya at itinuon na lang ang pansin malayo kay Dale. Nagtataka parin sa ikinikilos nito.


Sa labas ng kaniyang bintana ay kitang kita niya ang mga pinaghuhuhuling mga lalaki na may ilang namumulang pisngi at mata at ilan din mga basag na labi.



Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 15]

by: Migs

Comments

  1. It's my rest day so as usual ngayon ako nagka oras. Haha! Kainis! Sensya na po sa sobrang late nanaman na update. :-(

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts



    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    Nais ko rin pong magpasalamat sa mga nagiiwan ng comment sa facebook dummy account ko. Sagutin ko lang din po ang isa sa mga kumento doon. :-) Unang-una po, iba po ako sa iba pang mga author sa genre na ito, may kaniya kaniya kaming style. ;-)


    Hindi ko po iniiwan ang mga story ko na “walang ending” tulad ng sinasabi mo, may ending po ang mga stories ko, iniiwan ko na lang sa mga imahinasyon niyo ang mga pwede pang mangyari matapos ang epilogue. Sa epilogue ng stories ko alam niyo na kung HAPPY ENDING ba ito o hindi and that very much concludes the story and for good na iyon kahit ano pang maisip niyong maaaring pwedeng mangyari, kasi dear readers kung itutuloy ko pa matapos kong gawing happy ending ang epilogue, aba eh hindi na matatapos pa ang story. Gets niyo ba? Yan ang kagandahan ng open ending.

    At yung mga may open ending ang dahilan kung pano ko napagko-connect-connect ang mga story ko.

    Against All Odds Series. Madaming may problema sa insatllment ko na iyan. Hindi binasa dahil masyadong mahaba, masyadong kumplikdo at kung ano pa... paalala ko lang po ang Against All Odds po ay isang eksperimento, isang pagsubok sa aking sarili kung makakagawa ba ako ng isang storya na hindi lang puro “pa-cute” yung may “mature content” at hindi lang wa-walong chapters tulad ng nakasanayan ko noon.

    Marami pa naman po kayong mababasa sa blog ko na ibang stories kung hindi niyo po talaga type ang AAO.

    ReplyDelete
  2. Matagal na update. Opo aminado ako dito at lubos po akong nagso-sorry. Pero gusto ko po sana maintindihan niyo na writing is just a hobby for me. An outlet. A therapy. This is not a job. Meron po akong trabaho, may pamilya at higit sa lahat may buhay, hindi ko po magagawang kalimutan ang trabaho ko, ang pamilya at lalong lalo na ang buhay ko para po makapag-update araw araw and nagso-sorry po ako dahil dito.

    Chasing pavements. Sinadya kong huwag ng tapusin ito. “EH MIGS, KUNG HINDI MO TATAPUSIN EDI SANA HINDI MO NA LANG PINOST IN THE FIRST PLACE.” again, tama ka diyan pero sisihin niyo po ang mga walang habas na kumokopya ng gawa ko kung bakit hindi ko ito magawang burahin.

    Anong point pa ng pagtatanggal ko ng chasing pavements installment kung marami narin namang makakakabasa nito sa ibang site? Tandaan niyo, ang blog ko ay online diary ko nadin, hindi ko ito nagawang ipaalam noon sa mga taong ilalagay ko doon kasi ine-expect ko na hindi ito lalabas sa blog ko pero hindi, may kumopya at kumalat pa ito. Nakasakit ako ng tao kasi wala itong consent sa mga taong inilagay at ikinuwento ko doon kahit pa hindi personal na pangalan nila ang ginamit ko sa kwento. STILL it's unfair sa side nila. Hindi lang buhay ko ang nakalagay doon. Buhay din nila. THIS is the reason why ayokong i-post ang kasunod na chapters ng Chasing pavements, hindi na lang siya outlet for me, naging putahe narin siya for plagiarizers.

    Yung mga dati ng nakakabasa ng mga stories ko, alam na nila ang dahilan kung bakit ko hindi itinutuloy pa ang chasing pavements and I'm going to repeat this every time na may kumwestyon ng reasons ko kung bakit di ko pa pinopost ang chasing pavements.

    Why not take it down para tapos na lang lahat? Kasi hindi lang naman ang mga balasubas na nangongopya ang bumabasa ng chasing pavements eh para ito sa iba na naghahanap parin ng sarili nila, para sa ilan na nasasaktan, isa pang reason kung bakit ko ginawa ang chasing pavements ay para maipa-realize sa iba na Oo, hindi man naging maganda ang katapusan ng mga stories doon ay meron paring magandang mangyayari matapos ang lahat ng iyon.

    Jhayar- thanks for reading and sa first time mong pagco-comment. Sana po i-follow mo nadin ang blog ko at ipakalat sa iba mong friends.

    Kerry Von Chan: yup wala silang connection. Stand alone story ito. ;-) Sus! Bolero! Haha!

    Dilos: isa ka pa! Bolero! Haha! Salamat though!

    Anonymous March 28, 2014 at 8:22 AM: Salamat po! Sana po next time put your name sa comment mo para mapasalamatan kita ng maayos! ;-)

    Anonymous March 28, 2014 at 9:03 AM: Salamat din! Pero sana next time put your name sa comment mo para mapasalamatan kita ng maayos! ;-)

    Migil: Salamat! :-) Sana yung iba ko pang susunod na stories tumatak din sa isip mo. :-)

    racs: Good to know that I can still make you guys smile.

    Timber: hihi! Light na nga ito compared sa ibang stories ko eh. ;-)

    ReplyDelete
  3. Anonymous March 28, 2014 at 11:26 AM: Saludo kami sainyo, Sir! Good to know na kahit papano po ay nakakatulong ako sainyo dyan sa ibang bansa. Sir, kung OK lang po, sana next time may name niyo yung comment para makapagpasalamat ako ng maayos. :-)

    Anonymous March 28, 2014 at 4:14 PM: Salamat po! Pakilala po kayo next time para po makapag thank you ako ng maayos! :-)

    Jasper Paulito: Salamat po sa pagaabang. Sensya na at hindi ako nakakapag post agad. :-(

    randzmesia: Salamat pero mukhang lalong nag-away ang dalawa. Hihi! Abangan ang susunod na kabanata.

    Pink 5ive: salamat sa patuloy na pagbabasa! ;-)

    Anonymous March 29, 2014 at 2:37 AM: Congrats new graduate! About sa request mong intimate sex, if nakapagbasa ka na ng iba kong stories you would know na ako yung writer na may pinipili lang na kwento when it comes to putting up intimate scenes and I'm sorry to tell you na this is not one of those stories. Para po kasi sakin ay may binabagayan kasi ang ganyan. If you have the time you could read AAO 1 and 2 if you want to know kung pano ako mag narrate ng sex scene and the moment where Andy's wall was broken? I think you already missed it. ;-) Thanks!
    Please do write you name after you comment next time. :-)

    Anonymous March 29, 2014 at 7:47 AM: Thank you din po. Sulat mo name mo next time ah and please follow my blog po. ;-)

    jemyro: Salamat! Award ka din sakin! ;-)

    Anonymous March 29, 2014 at 1:35 PM: thank you! Please do put your name on your next comment and if you have the time please click the follow button and follow my blog. Thanks!

    Chants: Tenksyu din sa comment! ;-)

    Anonymous March 29, 2014 at 2:37 PM: lagay mo po ang name mo next time para makapag thank you ako ng maayos! Salamat po!

    Allen: thanks po! You're the best reader ever! ;-)

    marc: thanks the best reader. :-)

    WaydeeJanYokio: Salamat! Bolero ka parin. ;-)

    Migz: pain and misery is my middle name. Joke lang! Try ko. hihi! ;-) Thanks!

    Alcohol: Thanks! ;-)

    Anonymous March 30, 2014 at 11:46 PM: Salamat po! Sana po next paki lagay po ang name niyo para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. :-)

    Christian: Thank you! :-)

    Anonymous March 31, 2014 at 1:08 PM: Salamat po. Pero sana kahit nasa ibang mundo ka na habang nagbabasa ng stories ko lagay mo parin ang name mo para mapasalamatan kita ng maayos. :-) Salamat!

    Anonymous March 31, 2014 at 2:35 PM: Salamat po. Sana po sa next comment niyo paki lagay na po ang name niyo ha? :-) par makapag thank you ako ng maayos sayo.

    Chet Capua: andami mong binak-read ah! Salamat din po. :-)

    Anonymous April 3, 2014 at 8:31PM: salamat. Leave your name next time po ah para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous April 5, 2014 at 1:28 AM: Thanks! Pampa good vibes din po ang comment mo. Sana po next time lagyan niyo ng name para mapasalamatan ko kay ng maayos.

    Chan: Thanks po! :-)

    Anonymous April 6, 2014 at 5:17 PM: Salamat kahit mali mali ang grammar. Sulat niyo po ang name niyo next time sa comment para mapasalamatan ko kayo. :-)

    Julio: Thanks for the five stars! :-)

    Anonymous April 7, 2014 at 1:38 PM: Salamat po. Pakilagay na lang po ang name sa susunod na comment para mapasalamatan ko kayo ng maayos. Salamat po ulit.


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  4. Hahaha hindi ako nambobola noh....hahaha minsan pag matagal update...binabasa ko uli ung iba mong gawa hahahaha fave ko taking chances mo hehehe

    Grabe nga gawa mo sa against all odds....i have to admit sakit sa dibdib hahaha

    ReplyDelete
  5. Haizt sayang di ako nakapag comment last week busy kasi di tuloy ako nabati ng pinakamamahal kong pinoy writer :(

    Wow so protective naman ni dale talagang knight in shinning armor ang peg..bat kasi napaka heroic ni andy yan tuloy super worried si dale..and I think dale is referring to himself when he said "selfish" and "asshole" cause his emotion got the better of him within close proximity ky andy and he thinks that andy felt that he is being harassed when he kissed him..I love it when dale says that di ba naisip ni andy my nagaalala sa kanya..lalo na yung last chap sa beach so sweet ever..hahaha

    Then about sa writings mo..lalo tuloy ako naainis sa mga walang hiyang mangongopya kasi isa sila sa rason kung at di madugtungan ang CP..and I keep on praying na madgtungan ang CP kahit na mas malabo pa tong mangyari kesa sa manalo ako sa lotto dahil nga sa mga complications....migs siguro pag tinanggal mo ung na post na CP parang mawawala kalahati ng buhay ko...kasi halos araw2 ko yun basahin eh..at halos araw2 din ako naiiyak kinikilig nagagalit natatawa...well as for AAO I think those two books are well written you can more specifically feel the characters emotion and I love both of them they are my top picks together with breakeven3 and laib1 and 2 (xempre excluding CP un hahaha)..I think u have improved a lot and you love making parallels with sick twists among the characters and stories...I love the narrative style of writing that use right now but I miss the single pov (sana every once in a while mg single pov ka..hehehe) cguro kasi pag pov I have a nostalgic feeling like I am reading a CP installent or is it just me?? But wat I love about you is that you can manage to make fictional stories so realistic it is so tangible that I have made your stories as a standard when reading stories and you mostly make the end properly and not make those over the top conflict...and you make those over used clichés lovely (gun scenes. Terminal illness ect) without going bananas..hahaha..

    Enjoy your rest day. Lovelots
    -theresellama

    ReplyDelete
  6. Already following you...2 years na. Hehe
    -jhayar

    ReplyDelete
  7. galing tlg sir migz..


    marc

    ReplyDelete
  8. Hahaha hindi ah! Di ako bolero no! Totoo yun! :))

    Kaya nga kuya! walangya talaga! di na kasi aK nag eexplore ng ibang blog. yung sayo lang at kay kuya zild lang yung vi-ni-visit ko. yaan mo pagnabasa ko yung mga stories mo, kahit ibaibahin panila yung mga name ng characters, kilala ko ang mga gawa mo! may mura sila sa akin! haha. kaw pa! idol kita no! at ang mga nagmamahal sayo at followers at readers mo naiintindihan kong bakit medyo mabagal yung updates mo. pero sulit naman!

    back to the story:
    ~hahaha ayun! may halikan na! nakita kaya sila ng mga ibang tao na nag-awat din duon? haha.anlandee ni andy nung tinanong niya si dale kung bakit ito nakangiti. ansarap kurutin sa singit haha. at namula pa talaga. sabihin mo na kasi andy! halata kana eh! haha.

    ps- connected ba sa next mong story yung "bugbugan" at mga karakter dito? wala lang natanong ko lang. hihi!


    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  9. kapag ikaw kuya migs ang may update, nangangatal pa ako sa pagkaexcite. haha thanks a lot.

    --ANDY

    ReplyDelete
  10. Hi Migz. Kakabalik ko lang sa blog mo. Naging busy maxado eh at madaming problemang kelangan harapin. Read the stories i've missed and isa lang masasabi ko. Wala kang kupas Migz. God bless po and ingatz lagi....

    ReplyDelete
  11. Awwww! Medyo na tense ako sa kissing scene e! Hihi. :) Di ako bolero! Magaling ka naman talaga. Love nga kita e! Hahaha
    -dilos

    ReplyDelete
  12. Yes! may update ulit! sa totoo lng nga po di nmn matagal yung mga updates nyu hehehe :D laking pasasalamat namin na kahit busy po kayu you still have time pra iupdate ang story...2-3 updates a month is more than enough pa nga po eh.. :D kaya po thank you talaga kuya migs :)

    About naman dun sa Chasing Pavements, i understand kung di na madugtungan yun...kainis nmn talaga pag kinokopya ng iba ung own story mo and taking it as their own :(

    About sa AAO sana may book 3 po! Gusto ko young AAO kahit andami2 kong niluha dun >_<


    yun lng po hehe take care lagi idol :]

    ReplyDelete
  13. Tama nga naman si MigiL di naman masyadong matagal mga updates mo haha kaya isa na ako dun sa mga nagpapasalamat..Thank You Migs :]

    Chasing Pavements - i understand kuya migs pero hihintayin ko talaga update nun kahit malabo mangyari hahaha. baka someday may super private blog ka at dun na karugtong ng CP, sali ako ha hahaha... lecheng mga mangongopya yan kakarmahin din ang mga yan ~_~

    AAO - dun sa mga nag reklamo sa AAO series siguro di lng nakayanan ng dibdib nila yung heavy drama XD kahit ako nanghihina at nagiiyak ako sa mga parts na grabe na ang drama. AAO series is by far the best heavy drama na nabasa ko pramis! Only a person with a brilliant mind can come up with that kind of story. Pag ginawang movie to tignan lng ntin anu kaya mukha ng mga tao paglabas ng sinehan hahahaha

    ingatz idol! God Bless! ^_^ v

    ReplyDelete
  14. nice chapter migs. I hope this is the start of a new day for Andy and Dale. Its nice to hear na that your doing good and you still find time to take a rest despite your busy schedule.

    Sorry fi I can't keep watch sa mga update mo because as I have told you sometime medyo naging busy na rin ako sa bago kong career kaya whenever I find time dun land din ako nagbabasa. But don't worry I will still be you avid reader...

    Have a great day Migs and keep it up.

    ReplyDelete
  15. Ayan na ang kiss! hehehe at nilagay ko nrin pangalan ko hahaha nice chapter migs excited na ako sa mga susunod na mangyayari q(^_^)p thumbs up!

    ReplyDelete
  16. Kakakilig yung kiss!! ty migs sa update

    -gab

    ReplyDelete
  17. Grabe tlga si Conching! hahaha nice chapter! :] thnx

    ReplyDelete
  18. excited na ako sa nxt chapter! ty for the update migs

    ReplyDelete
  19. Yey! Sa wakas nakapag-internet na uli ako! hayyy hirap ng ilang buwan walang signel T_T... anyways excited na ako sa pupuntahan nang kuwento mo! kahit aabutin nang ilang buwan bago ako makapag-online uli....

    and nga pala, don't mind your haters, we're thankful na nagpopost ka ng stories kahit gaano katagal ang update. Do what you do and just have some fun. After all tuwing restday mo lang naman nagagawa ito... more power!

    ReplyDelete
  20. Yeah! Now i know na kung ano yung reason kung bakit nastop yung Chasing Pavements. Favorite ko kasi sa lahat yun Migs eh. Hehe :)

    Gusto kon malaman yung inutter ni Dale nung pagkatapos niyang mahalikan si Andy. Yung mga guys na nagsapakan .. Migs, knowing you(I have been a reader since BOL and nung lumipat ka dito sa blogspot).. Thats the preview of a new story is that correct? :) -Allen

    ReplyDelete
  21. thank you sa update migs..nakakatouch naman na kahit sobrang busy ka naalala mo prin kmi <3 lab na lab ka naming mga supporters/readers mo mwah! mwah! mwah! tc God bless :]

    ReplyDelete
  22. yun oh! may halikan portion! kakilig hahahaha ty migs

    ReplyDelete
  23. ayyyy! kakilig yung kaladkaran! <3 tenksyu sa update!

    ReplyDelete
  24. gusto ko talaga ang mga ganitong parts mga nakakakilig!

    ReplyDelete
  25. tnx po sa update! mgaling ka pdin po hehe

    -tomi

    ReplyDelete
  26. ive been an avid fan simula plang nung una, npakamysterious ng author na to sobrang minahal ko lahat ng stories mo na parang part dn ako ng bawat akda mo thank you sa mga stories mo it gives alot of emotions :) ill always be a fan of yours - echo

    ReplyDelete
  27. thnx migs sa update kahit busy ka :)

    -tim

    ReplyDelete
  28. Author Migs!

    Author migs dont worrry from the start naman na point out mo na tsome stories are part of your life,

    Ibig sabihin ba nito last na rin itong breaking boundaries, nakakalungkot kasi wala tyong magwa para mapigilan yung kumokopya ng stories mo. :(

    What if kung iprivate mo itong blog mo yung pass code something para kami - kami na lang na readers mo makabasa di ko lang alam kung may bayad yung ganun. but anyway if mag decide ka na itigil yung pag post ng stories, pwedeng mag lagay ka ng notice, message message na lng kung meron kang gustong gawing story. hehehe :D

    -aR

    ReplyDelete
  29. na curious ako sa end ng chapter na to hahaha bakit kaya tumigil si dale at naging tensyonado o_o hahaha exciting! ty migs sa update!

    ReplyDelete
  30. oh my..nabitin ako hahaha xcited sa nxt chapter haha

    ReplyDelete
  31. hala excited na akong malaman bkit gnun ngyari hahahaha ty migs

    ReplyDelete
  32. thanks migs sa update, happy easter sunday :)

    ReplyDelete
  33. first time ko mag comment dito. hehehe tagal na akong nagbabasa ng mga stories mo migs.. ngayun ko pa lang narating ang latest..ang masasabi ko lng ay sobrang galing nyo po ^_^

    ReplyDelete
  34. HUWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTT!
    U MENTIONED ME IN ONE OF UR ACKNOWLEDGMENTS...
    YOUR WELCOME. HONESTO - BINASA KO PO LAHAT NG SERIES SA BLOG NYO... FROM AAO1&2, CHASING PAVEMENTS, BREAKING BOUNDARIES, ETC...
    GRABE, KAYA NGA NA-INSPIRE PO AKO TALAGA SA INYO SIR MIGGY.

    -JULIO

    YOU DESERVE THOSE FIVE STARS.
    AS FOR THOSE WHO PLAGIARIZE UR WORK, THE HELL WITH THEM!
    MAKA-KARMA DIN SILA PROMISE.
    ^_^

    ReplyDelete
  35. nice chapter kuya migs kaabang abang ung next chapter

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]