Breaking Boundaries 2[8]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Ayaw
na niyang lokohin pa si Andy kaya naman napagpasyahan niyang sabihin
na lang ang totoo dito at balewalain ang gustong mangyari ng kaniyang
pinsan, ang tangi lamang bumabagabag sa kaniya ngayon ay ang takot na
mawala si Andy sa kaniya, ang pakikipagkaibigan dito o ang mas higit
pa sa pagkakaibigan na unti-unti ng nabubuo sa pagitan nilang dalawa.
“Going
out on a date with him again?” tanong ni Jay sa may pinto ng kwarto
ni Dale.
“Yes.”
matipid na sagot ni Dale, ayaw ng makipag-usap pa sa kaniyang pinsan.
“Oh---
you're going to dump him tonight?” excited na saad ni Jay sabay
tapik sa likod ng kaniyang pinsan bilang sabi na magaling ang naisip
nito.
Tila
binuhusan ng malamig na tubig si Dale at nasagad ang kaniyang
pasensya at napuno na siya sa pagiging tuso ng kaniyang pinsan sa
kanilang pustahan na iyon.
“No.”
buong paninindigan niyang sagot na ikinabura ng ngiti sa mukha ni
Jay.
“What?”
kunot noong tanong ni Jay kay Dale.
“I'm
going to tell him the truth and apologize.”
“What?!”
naeskandalong tanong ni Jay.
“I'm
not going to continue---” simula ni Dale pero agad ulit siyang
pinutol sa pagsasalita ng kaniyang pinsan.
“Is
that it?!” tila na-offend na saad ni Jay na nakapagpatigil kay Dale
sa pagsasalita.
“What---?”
balik naman ni Dale sapagkat hindi niya naintindihan kung ano ang
ibig sabihin ni Jay.
“You
have the balls to grow a heart right now when it is your turn to do
the consequence of your loss in our yearly bet? Nung ako yung
pinapagawan mo ng mga nakakahiyang bagay, humindi ba ako sayo?!
Umurong ba ako?! Hindi diba---?” umiinit na simula ni Jay pero agad
din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dale.
“Iba
yun, Jay!” singit ni Dale.
“Pano
yun naiba?!” naghahamon na balik ni Jay.
“Wala
kang sinasaktan na tao sa mga parusa ko sayo noon!” wala sa
sariling balik ni Dale na ikinatameme ni Jay at ikinakunot ng noo
nito nang tuluyan ng mag-sink-in sa kaniyang isip ang sinabi ng
pinsan.
“Ako,
hindi ba ako nasaktan non? Hindi ba ako nasasaktan, Dale?!” mahina
pero rinig na rinig ni Dale ang mga emosyon sa sinabing iyon ng
kaniyang pinsan. Hindi ito ni minsan sumagi sa kaniyang isip, hindi
sumagi sa isip niya na nasasaktan na niya noon ang kaniyang pinsan sa
mga bagay na pinapagawa niya dito noon na para sa kaniya ay katuwaan
lamang.
“I-I'm
sorry---” simula ni Dale pero hindi siya pinatapos ni Jay.
“In-love
ka na din sa kaniya no?” pabulong pero mariin na saad ni Jay na
tila naman isang malakas na bell sa pandinig ni Dale.
Malakas
at nakakainis ang pahayag na iyon ni Jay para kay Dale dahil alam
niyang iyon ang dahilan kaya siya naguguluhan at alam niyang dahil
hindi man niya aminin sa sarili ay hindi niya ito maitatanggi at
kahit itago niya ito ay nahalata parin ito ng kaniyang pinsan. Kitang
kita ni Jay ang pagaalangan at pagiisip ni Dale ng malalim,
nagsasabing natumbok niya ang nangyayari sa kasalukuyan.
“Mas
maganda pa pala yung kinahinatnan ng consequence ko---” nakangising
saad ni Jay na lubusan ng ikinainis ni Dale.
“Shut
up---” puno ng galit na saad ni Dale.
“Now
you know how it feels---” seryoso pero malungkot na saad ni Jay
saka naglakad palabas ng kwarto ni Dale.
“---pero
bago ako umalis, Dale. Gusto ko lang malaman mo na kahit ano pang
mangyari hindi magbabago ang tingin ko sayo. Gusto ko lang talaga na
maramdaman mo ang mga naramdaman ko noon, hindi ko rin gusto manakit
ng tao, tinignan ko lang kung gano ka kawalang puso at maaatim mong
manakit ng ibang tao---at least ngayon alam ko na meron ka parin
nito---” saad ni Jay sabay turo sa kaniyang dibdib kung san nandon
ang kaniyng puso. “---I wish everything would go OK with you and
Andy and please ihingi mo nadin ako ng sorry.”
Nang
sumara ang pinto sa likod ni Dale ay lalo siyang nanghina. Ang lahat
pala ng ito ay para turuan lamang siya ng leksyon, para ibaba siya sa
kaniyang pedestal, para ilagay siya sa kaniyang dapat kalagyan.
000ooo000
“Hey.”
Hindi
nakilala ni Dale ang boses na iyon kaya naman hindi niya ito agad
pinagtuunan ng pansin pero nang mapagtanto niyang wala namang ibang
pwedeng kuwanin ang pansin maliban sa kaniya sa lugar na iyon kung
saan niya napiling i-date muli si Andy ay dahan-dahan siyang humarap
sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nanlaki
ang kanyang mga mata, hindi dahil sa gulat. Nawala lahat ng inis ni
Dale dahil sa kaniyang pagiintay kay Andy ng halos isang oras na.
Hindi na kagulat-gulat na maging kahanga-hanga si Andy, lahat ng mga
kapatid nito lalong lalo na siya ay hindi papahuli sa porma at
hitsura pero iba ngayon. Hindi mapigilan ni Dale ang mapangiti. Naka
long sleeves ito na itinupi hanggang sa may siko at naka jeans na
tila ba ginawa para talaga sa kaniya.
Pero
may kakaiba sa Andy na kaniya ngayong kaharap.
Hindi
maisip ni Dale kung ano ang kakaiba na ito kay Andy kaya naman
isinangtabi niya muna ito at kinausap muna si Andy na inaamin niya sa
kaniyang sarili na kaniyang na-miss. Ngayon mas naiintindihan na niya
ang tila ba kinakabag na pakiramdam sa tuwing magkikita sila ni Andy
sa kaniyang tiyan, ngayon mas naiintindihan na niya kung bakit tila
ba pipiliin niyang mangawit ang kaniyang mga pisngi sa kakangiti at
tawa sa tuwing kasama niya si Andy, ngayon mas naiintindihan na niya
kung bakit mas ninais niyang ibaba ang kaniyang sarili sa tingin ng
kaniyang pinsan na si Jay kesa ang saktan ito.
“Hey!”
masayang saad ni Dale kay Andy na matipid lang na ngumiti.
Nag
makaupo si Andy at matapos abutan ng waiter ng pagkain at umorder ay
hindi mapigilan ni Dale na mapansin ang pag-lingon-lingon ni Andy na
tila ba may hinahanap o kaya naman ay may iniintay na mangyari pero
inisip na lang ni Dale na namamangha lamang ito sa magandang paligid
ng restaurant na iyon na napapaligiran ng puno at magagandang
halaman.
“Nagustuhan
mo ba yung lugar?” tanong ni Dale kay Andy na tila naman nagising
sa kaniyang wala sa sariling paglingon-lingon.
“Yes.”
sinserong saad ni Andy sabay lingon-lingon ulit.
Kakaiba
ang interior ng restaurant, iba sa mga restaurant na napuntahan na
niya noon. Walang aircon na nagbubuga ng malamig na hangin sa bawat
poste bagkus ay bukas na bukas ang buong restaurant na madalas
nakikita sa mga restaurant sa Tagaytay o kaya sa Baguio na may
malamig na klima. Imbis din na magagarang mga ilaw na nakasabit sa
kesame ang nagbibigay sa kanila ng ilaw, mga Christmas lights na
nakasabit sa mga nagtataasang puno sa paligid ang nagsisilbing ilaw
nila kasama na ang magagarang kandila sa mismo nilang lamesa, walang
duda na ito na ang pinaka- romantic na lugar para kay Andy at
malamang para rin sa iba dahil kahit saan man niya igawi ang kaniyang
tingin ay may mga magsing-irog na masuyong nagngi-ngitian at naguusap
ng tahimik.
Masaya
sa piling ng isa't-isa.
Bagay
na nakapagpakaba kay Dale. Iniisip na kung tama bang sa lugar pang
iyon niya aminin kay Andy ang tungkol sa pustahan nilang magpinsan.
“I'm
sure every year may dinadala kayo dito ni Jay na iba't-ibang
ka-date.” seryosong saad ni Andy na nakapagpagising kay Dale sa
kaniyang malalim na pag-iisip.
Napakunot
ang kaniyang noo sa itinuran na iyon ni Andy.
“Every
year---?” nagsisimula ng pabulaanan na saad ni Dale iniisip na
patungkol sa kanilang pustahan ni Jay ang tinutumbok ni Andy pero
agad siyang pinutol sa pagsasalita ng huli..
“Every
year---” saad muli ni Andy bilang simulang pagpapaintindi kay Dale
nang kaniyang unang tinuran.
“---Kasi
taon taon kang umuuwi dito sa Pinas galing US diba? Edi malamang taon
taon din kayong may dinadala dito ni Jay na mga ka-date.”
pagtatapos ni Andy na sa hindi malamang dahilan ay nakapagpabigat ng
dibdib ni Dale.
“Actually---
this is my first time na pumunta dito with a date. Usually sila Mommy
or yung mga kapatid ko ang kasama kong kumain dito. I don't know
about Jay though.” sinserong saad ni Dale na siya namang agad
pinaniwalaan ni Andy. Kitang kita ni Dale ang tila ba paglambot ng
reaksyon sa mukha ni Andy, ang pagbagsak ng balikat nito mula sa
pagkaka-tense at ang pagbuntong hininga nito.
Ngayon
alam na ni Dale kung ano ang kakaiba kay Andy ngayon. Gwardyado ang
mga reaksyon nito na miya mo may iniintay mangayring masama, sa
sobrang gwardyado ay tensionado ang buo nitong katawan na siya lamang
nagtatago sa mga matipid na pagngiti ng huli at maganda nitong ayos.
“Is
there something wrong, Andy?” tanong ni Dale na siyang nagtulak kay
Andy na tignan ang nauna sa mga mata nito ng mariin at magpakawala ng
isang matipid na ngiti.
“I-I'm
just hungry--- and I'm ready to eat all they have to offer!” simula
ni Andy pero hindi ito kinagat ni Dale. Pipilitin pa sana ni Dale na
magsabi na ng totoo si Andy nang biglang sumulpot ang waiter at
inihain ang kanilang mga pagkain.
000ooo000
Sa
sobrang sarap ng pagkain ay nakalimutan na ni Dale ang kaniya sanang
planong gisahin si Andy tungkol sa pagiging tahimik nito at gayun din
si Andy na nakinig lang sa bawat masasayang kwento ni Dale,
sinasalubong ang mga maliliit na impormasyon na siyang nagpapakilala
sa kaniya sa kaniyang ka-date ngayon.
“Wow.
I'm so full right now.” saad ni Dale na tanging ngiti lang ang
nakuwang sagot kay Andy.
“Sarap
din ng cordon bleu nila dito.” nakangiti nading saad ni Andy na
siyang ikinatango-tango na lang ni Dale habang may ngiti sa mga labi.
Nagtama
ang tingin nilang dalawa. May kakaiba sa ngiti ni Andy, Oo ramdam
niyang sinsero ito pero tila ba may kulang sa kinang na madalas niya
noong makita sa mga mata nito sa tuwing ngumingiti ito na siyang
nagbibigay ng impresyon na malungkot ito sa likod ng pagngiti-ngiti
nito.
“I
have something to tell you.” wala sa sariling saad ni Dale. Alam
niyang hindi iyon ang magandang oras pero meron sa mga ngiti at
tingin na iyon ni Andy ang nagsabi na dapat na niyang sabihin dito
ang tungkol sa pustahan nila ni Jay.
Nagpakawala
ulit ng isang ngiti si Andy.
“This
sounds serious.” nagbibirong saad ni Andy.
Akala
ni Dale ay namamalik mata lang siya sa kanina niya pang nakikitang
lungkot sa mga mata ni Andy matapos ang pabirong usal na iyon ni Andy
at mapapanatag na sana ang kaniyang loob kung hindi niya lang nakita
ang nagsisimulang pangingilid ng luha sa mga magaganda nitong mata.
“Andy---”
simula ni Dale pero agad itong pinigilan ni Andy sa pagsasalita sa
pamamagitan ng paglapat ng hintuturo nito sa mga labi ng nauna.
Muling
nagtama ang kanilang mga tingin. Ngayon, hindi na maikakaila ni Dale
ang lungkot sa mga mata ni Andy bago pa man ito itago ng huli sa
likod ng matipid na ngiti na pinakawalan nito pagkatapos.
“Let's
have desserts first. I heard their Banoffee pie here is the best!”
excited na saad ni Andy sabay tawag sa waiter na magiliw namang
nagpunta sa kanilang lamesa at inahinan muli sila ng menu.
000ooo000
Nangalahati
na sila sa kanilang dessert at wala na ni isa pang nasabi ang dalawa.
Ang tanging nasa isip ngayon ni Andy ay inis. Hindi niya kasi
mapigilang ilabas ang kaniyang tunay na nararamdaman. Hindi niya
mapigilan ang lungkot gayong ang pilit niyang gustong maramdaman ay
galit. Pilit pumapasok sa kaniyang dibdib at isipan ang sakit at
magtititiklop sa isang tabi imbis na ang kagustuhan niyang maghiganti
at iparamdam ang sakit sa taong nagdulot ng sakit na iyon.
Sa
tuwing natatalo ng lungkot at sakit ang galit ay pilit binabalikan ni
Andy ang kaniyang narinig sa may basketball court nung umagang iyon.
“I
told you I'm not doing it anymore!” ang medyo may kalakasang saad
ni Dale na kumuwa ng pansin ni Andy sa hindi kalayuan habang
nagja-jogging.
Nakangiti
siyang lumapit sa may basketball court at lalagpas na siya sa
malaking puno at malagong mga halaman sa paanan nito na siyang
naghihiwalay sa kaniya at kila Dale nang bigla siyang matigilan sa
paglalakad. Meron sa tono ng dalawa ang siyang nakapagpapako sa
kaniyang kinatatayuan.
“You're
giving up now? Naumpisahan mo na ah?”
Sa
sinabing ito ni Jay ay bumilis bigla ang kabog sa dibdib ni Andy at
sa hindi maintindihang dahilan ay tila ba naninkip ang kaniyang
paghinga.
“I---”
“Na-inlove
na siya sayo no? Na-inlove na si Andy sayo?”
Tila
may dumagok kay Andy nang marinig niya ang kaniyang pangalan na may
halong malisya. Wala sa sariling inangat ni Andy ang kaniyang kamay
sa kaniyang pisngi upang pahiran ang butil ng pawis sa kaniyang
pisngi. Huli na nang maisip ni Andy na nanlalamig siya sa kaniyang
mga naririnig at imposibleng pagpawisan siya ng ganun. Nang igawi
niya lang ang kaniyang isa pang kamay sa kaniya namang kabilang
pisngi sa kaniya napagtantong hindi pawis ang tubig na iyon na siyang
umaagos sa kaniyang mga pisngi kundi luha.
“Y-yes.”
saway ni Dale.
“Then
that's good! All you have to do now is ignore him. He doesn't have to
know about our bet--- Naks, I didn't think you'd actually make Andy
fall in love with you. Now, bilib na talaga ako sayo, dude.”
Hindi
na nakayanan pa ni Andy ang makinig sa mga susunod na nasabi at
nagmamadali na siyang umuwi habang marahas na pinapahiran ang mga
luha sa kaniyang mga mata.
Pagkabukas
na pagkabukas niya ng kanilang front door ay sabay sabay siyang
binato ng tingin ng kaniyang mga kapatid at ama at tila ba bumagal
ang oras, dali daling lumapit sa kaniya ang mga ito at niyakap siya
ng mahigpit at doon na siya humagulgol. Hindi na kailangang itanong
ng mga ito kung ano ang nangyari at hindi na mahalaga iyon dahil para
sa kanila ay mas importanteng maramdaman ni Andy ang kanilang
suporta.
Maski
si Allen ay hindi napigilan ang sarili na yakapin ang kapatid.
“I'm
sorry. I should've told you sooner.” bulong ni Allen na siyang
kinulit ng buong pamilya sa kung ano ang nangyari habang salitan sila
sa pagyakap kay Andy habang tulala lang ito at nagpapanggap na
nanonood ng TV.
000ooo000
Ang
muling makita ang halatang pag-pigil ni Andy sa pangingilid ng luha
habang kumakain ay wala sa sariling nagtulak kay Dale na sabihin na
ang totoo dito. Alam niyang hindi iyon ang tamang panahon at walang
tamang panahon pero ang pangongonsensya sa sarili at pagkapraning sa
tuwing matatahimik si Andy ay sobra na at hindi na niya matagalan pa.
“Andy---I---”
simula ni Dale at muling nagplaster ng matipid na ngiti si Andy.
“Wait.
I know kanina ka pa dapat may sasabihin sakin---” nakangiting
simula ni Andy at inintay kung papayag si Dale na muling ipagpaliban
ang gusto nitong sabihin at nang hindi ito pumalag ay itinuloy na
niya ang kaniyang sasabihin.
“I
have a letter for you.” nakangiting saad ni Andy na nagpako sa
tingin ni Dale sa isang sobre na inilabas ni Andy mula sa kaniyang
jacket.
Sinubukan
itong abutin ni Dale sa pagaakalang ibibigay na iyon ni Andy sa
kaniya agad kaya naman muli niyang iginawi ang kaniyang tingin sa
maamo at tila ba palungkot ng palungkot na mukha ni Andy.
“I
need you to close your eyes first---” simula ulit ni Andy na sa
hindi maipaliwanag na dahilan ni Dale ay tila ba nakapagpabilis sa
tibok ng kaniyang puso.
Hindi
alam kung dahil ba na-e-excite siyang basahin ang nakalagay sa sulat
na iyon o dahil napra-praning parin siya sa biglaang pagbabago ni
Andy. Muling umiling si Dale upang maialis ang ideyang iyon sa
kaniyang ulo at nakangiti na lang na pumikit, pilit kinukumbinsi ang
sarili na wala siyang dapat ipagalala ngayon at ang pagtibok ng
kaniyang puso sa ganoong paraan ay dahil sa excited siyang malaman
ang surpresa sa kaniya ni Andy.
“--go
on---close your eyes and I want you to count to twenty five.”
marahang saad ni Andy, hindi napansin ni Dale ang malungkot na tono
sa boses nito.
“One.”
“Two.”
Bawat
bilang ay lalong nagtutulak sa kaniyang puso na tumibok ng mabilis.
“Eight.”
Naramdaman
niya ang pag singit ni Andy ng sobre sa kaniyang kanang palad.
Nangangati na siyang malaman ang nakasulat doon pero mas ninais
niyang tapusin ang pagbibilang.
“Twenty
four.” sa wakas narating na niya ang pinakahuling bilang.
“Twenty
Five.” bulalas ni Dale at dahan dahan niyang binuksan ang kaniyang
mga mata. Noong una ay sinanay niya pa ang kaniyang mga mata sa
madilaw na ilaw na hatid ng mga kandila at Christmas lights sa
pinakamalapit na puno at nang luminaw na ang kaniyang tingin ay
tinignan niya si Andy pero wala na ito sa kaniyang harapan.
Lumingon-lingon siya, umaasa na nasa paligid ito at nang hindi ito
makita ay mabilis siyang tumayo at mabilis na naglakad papuntang
labasan ngunit wala ng Andy maski ang sasakyan nito.
Naiinis
na bumalik si Dale sa kanilang lamesa, hindi maintindihan kung bakit
siya nakakaramdam ng takot at bakit mabilis parin ang pagtibok ng
kaniyang puso. Muli siyang umupo at nakita niya ang sulat na kanina
lang ay aabutin na sana niya mula sa mga kamay ni Andy. Mabilis niya
itong binuksan.
I Know
about the bet.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 8] by: Migs
demotivated. I don't know why.
ReplyDeleteThanks for the continuos support.
Thanks to Zekie for fixing my mobile blog.
I love you all! ;-(
migs. why so sad?naku may problema ba?si mjre ba?si rick ba?sa work?sa bahay? o ba ka naman yung mga fans mo na nagmamadali sa next chapte kasi nman sobrang ka abang2 talga lalo na tong huling cliffhanger na to? kung ano man yan nagpapademotivated sayo migs sana maibsan yan ng pagmamahal naming mga readers para sayo. :)
ReplyDeletebasta ako migs naiintindihan ko matagal mong updates kasi kakatapos lang nga naman ng holiday season na malamang ginugol mo sa family mo at alam ko din na sobrang busy mo sa work kaya laking pasasalamat ko na you still find time for us and it is always worth the wait
anyways highways hehe si allen nga yung unang nakarinig sa pustahan nila dale at jay kaya galit na talga siya ky dale timano, alam mo migs umpisa pa lang nang chapter na iiyak na ako kasi alam ko na alam na ni andy about sa pustahanan one way or another grabe. aalis na nga si andy kasama nang kapatid niya. pano kaya sila magkaka ayos ni dale. how can dale start breaking boundaries na gagawin ni andy para lang di na masaktan ulit??hay grabe
-therese llama
PS. nung holiday season pumunta ako ng enchanted kingdom at nung nakita ko yung ferris wheel si chris at chino ang unang pumasok sa isipan ko. hehe. love you migs ingat lagi
kalungkot namn...kuya migs please make this story a happy ending.....sayang namn ang ANDALE love team na nabubuo na sana..konting push na lang ehh
ReplyDeleteOh please have the Body Text as white. Ang hirap magbasa kung dark yung backgroubd tapos dark din yung text color..
ReplyDelete-johnny frost
Dito n cguro papasok sina jepoy at maki.. To the rescue sa kanila,haha.. Thanks sa update migs.. Kung ano man yan pinagdadaanan mo, e we're here for you..
ReplyDeleteLee
mukhanh yung nararamdaman mo sir migs ee sumasalamin sa narramdaman ni andy. Kakasad naman. Pero thanks pa din sa update sir. Minsan asa huli ang regrets pag wala dun natin marerealize sayang lang talaga na nasa edge kana na do or die ang pagpipilian. Nakakapaglaro minsan ang tadhana.
ReplyDeleteRegards sa nararamdaman mo sir if you need a break take things easy sana ull be fine soon at thank you sa tuloy tulot na update beyond ur busy schedule. Sana sir kahit ano man nararamdaman mo ee parang asa gibat ka na matinik at matalaib pero sir mahahanap mo din yung daan pabalik sa bagay na nagpapasaya sayo.:-) :-)
Ingay lagi and thank you so much. God Bless you. Take care. :-) :-)
~why kuya? Why sad? Magiging sad din kmi pagsad ka. :( inaway ka ni boyfie? Sabi nya di kanya sasaktan?
ReplyDelete~It's really hard to tel someone sa natuklasan mo, lalo na't napamahal na sya sayo. Parang dinurog yung puso mo. At yung katotohanang alam mo na ung totoo, ngunit hindi mo lang masabi oh magawa syang iconfront. :(
~ngayon baka may reason na si andy na umales.
PS~Naduling ako sa new theme oh blog background mo kuya itim din kasi ung font nya. Though maganda sya pagbinabsa sa bahay at nakakagaan sa mata. Pero pag outdoor nakakaduling. Hehe maganda din yung unang change kuya ung parang old version ng twitter kaso isda. Hehe pero maganda din to. Change lang ung font ng white.
~WaydeeJanYokio
Waaaa!! Bakit hindi pumasok ang comment ko? Ang haba-haba pa naman ng sinabi ko doon.
ReplyDeleteYou're welcome sa Table of contents. Sunod kong gagawin is ayusin ang theme ng blog mo at lagyan ng copy-lock ang blog mo para di na siya ma-copy ng iba.. May in-edit akong codes na gagana rin sa mobile users para matigil na ang pangungupya nila sa kwento mo. Hihihi lngats miggy boy!!
Zeke/Zildjian
Heart breaking ang putol mo dito mr. Author! And even if you are demotivated! Maganda pa din naman ang kinalabasan... Take your time..
ReplyDeleteKeep writing Migs! You're a one great writer! :) <3
ReplyDelete-James
boommmm!! bat ba ramdam ko ang sadness ni dale..huhayssssssss keep it up migs..
ReplyDeleteHi migz why sad? Don't be kung anu man yang nagpapalungkot sayo isipin mo nalang things go that way masaktan man tayo ngayon magiging masaya naman tayo sa susunod. All things happen with a reason un nga lang ang pinakmahirap na part ay yung alamin kung anu ung reason na yon. For now, smile because Life is so beautiful, we may be down today but tomorrow we will climb high.
ReplyDeleteHave a great day migz and don't forget to smile. Hindi ko irerecommend and Laughter kasi hindi naman un ang best medicine, why? tignan mo ung mga baliw kahit anung halakhak at tawa nila baliw pa rin.
Shocks!!! one more chance!!! lakas maka-maja salvador ni andy.. :p
ReplyDeleteTake time to embrace whatever demotivates you, Migs. Weigh things. Think of the things kung bakit di ka dapat mademotivate. For sure, you'll surpass it. After nun, true happiness will come in. Thank you for another wonderful chapter.
ReplyDelete-icy-
What's the matter author? Sorry if we are too demanding on updates, ang ganda kasi ng story. anyways, walang problema ang di mo malalagpasan. KAYA mo po yan. We are always here supporting you. Maiintindihan po namin if your next post will take a while but we will be waiting. Sana po wag masyado magtagal (hihi, sorry)
ReplyDeleteIn connection to your latest post, masakit sa part nilang dalawa. Kay Andy, kasi nalaman niya na pinagpustahan lang siya. Guys, correct me if Im wrong, kung may naririnig tayo na masakit, sinasara natin ang isip at puso natin sa explanations. I feel for Andy kasi first time niya mafall. With Dale naman, napaglaruan lang sya ng tadhana. Hindi sya nabigyan ng chance to explain the situation. This chapter is very heartbreaking indeed. Pero sana may mabuting kakalabasan and I still believe in Happy Endings. :)
Ivan D.
I Know about the bet. Aww this is very heart breaking. Naawawa ako kay Andy and Dale. Tsk, I think Andy will go with his brother without talking to Dale and Dale will be back to his home. Years nalang after bago sila magkita? Just assuming, ano kaya kakalabasan ng story na to? hmm
ReplyDeleteBakit po sad author? Tandaan niyo nalang po na walang problemang di nasusulusyunan. We will be supporting you if you need help.
Nakakalungkot ung story at nakakalungkot na may pinagdadaanan ka author. KAYA mo po yan :) Just trust in HIM :) We will be waiting for your next post :)
ReplyDeleteXian'
We love you too author. Nalungkot ako sa last part ng chapter na to pero po mas na sad ako kasi parang may problema ka po? :( Kung ano man yan Kuya, may dahilan yan. Don't be bothered and just do what you think is right and everything will fall into place. :)
ReplyDeleteDrei
This is the most heart breaking episode ever. Dale deserves to be heard and ANDY just need to ... arghhh. I dunno, di ko naman kasi masisi si ANDY that he felt that way. Who wouldn't? Sana happy ending? but i think marami pa sila dadaanan. kaya niyo yan Andale :)
ReplyDeleteKuya Migs, Whats Worng? Cheer up ka na. Alam niyo po ba na pag sad ang author affected din kaming readers so be happy na okay? Suportahan taka'
> Mickey Mouse
Ang sakit sa puso. Di ko ma explain :( Sad :(
ReplyDeleteArdie
Bakit sad po ikaw auhtor? What happened po? Sana po ituloy niyo pa din ung story. Ang ganda po kasi. Ito na yung climax. I cant wait for the next chapter. :(
ReplyDeleteKawawa sila PAREHO. Biktima ng pagkakataon. TSK. sana hayaan ni ANDY na makapag explain si DALE :( waaaa marerealize na ni DALE na talagng inlove siya kay ANDY pag nawala na ung taong napamahal sa kanya. Ang sakit naman sa puso. :(
ReplyDeleteNice chapter but very heartbreaking :(
ReplyDeleteParang ung sakit na na feel ko kay chichay sa G2B. Di man sila parehas ng story pero ung sakit mo para sa bida andun, haiii. love nga naman. wala talagang perfect relationship eh.
ReplyDeleteWhats wrong kuya migs? If you have problem, dito lang kami na fans mo :) Cheer up.
Sad chapter. waiting for the next chapter ... Thanks author.
ReplyDeleteAwww. tsk tsk. Sakit sa puso :(
ReplyDeleteOkay lang ba ikaw author? Keep writing, you are a great writer and your ideas are great :)
vince
why author? Okay ka lang po? :(
ReplyDeleteKuya Migs, take your time po to update. dito lang kami patiently waiting. chin up lang, stay happy. we love you kuya Migs.
ReplyDelete