Breaking Boundaries 2[4]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
alam ni Andy kung ano ba ang kaniyang naisagot kasi hanggang ngayon
ay abala parin siya sa pagtitig sa magandang ngiti ni Dale.
Naguguluhan siya a biglaang pag-iiba ng usapan nilang dalawa, una
kasi ay nasa pagtatalo pa nila ang kaniyang isip tapos bigla na lang
nagaya ang huli ng date na talaga namang ikinalito niya. Biglang
nawala lahat ng inis at galit sa pagbato ni Dale ng bola sa kaniyang
sasakyan na ikinataka niya sa kaniyang sarili, hindi niya basta basta
pinapalagpas ang pananakit sa kaniyang sasakyan kaya naman ang
mabilisang pagkalma niya sa ginawa ni Dale ay katakataka na para sa
kaniya.
“Of
course not! Bakit ako makikipag-date sayo?!” balik ni Andy nang
mapagtanto niya ang nangyaring agad niyang pagpapatawad sa huli sa
ginawa nito. Akala niya ay mabubura na ang ngiti sa mukha ni Dale
nang hindi niya sakyan ang pantri-trip nito sa kaniya pero imbis na
mawala ang ngiting iyon ay lalo pa itong lumaki.
“Edi
idaan na lang natin sa pustahan---” mayabang na simula ni Dale
sabay bato kay Andy ng bola ng basketball. “If you win, sasagutin
ko ang gastos sa baby
mo
for one month---” simula ulit ni Dale sabay turo sa sasakyan ni
Andy. “---but if I win. You'll go on a date with me---”
pagtatapos ni Dale at dahil narin sa angking yabang ni Andy ay agad
itong pumayag.
“Sure!
Yun lang pala eh!” pagpayag ni Andy, nasilaw sa kaniyang makukuwa
sa oras na manalo siya.
“---all
in my
terms.”
taas kilay na pagtatapos ni Dale sabay ngisi kay Andy matapos niya
itong makitang mapalunok sa kaba dahil sa kaniyang huling kundisyon
na mukhang hindi inaasahan ni Andy bago ito pumayag.
At
hindi napigilan ni Dale ang mapahagikgik nang makita niya muling
mapalunok sa kaba si Andy, mamula ang pisngi nito, manlaki ang mga
mata at bumabaw ang paghinga matapos niyang hubarin ang kaniyang
t-shirt at dahan-dahang lumapit sa isang bench at kinuwa ang tumbler
at binuksan ito.
“Y-you
don't need to take off your shirt. We d-don't need to do the “shirts
vs. skin” kasi dalawa lang naman tayo dito, di bale ba kung sampu
tayong naglalaro dito at nakakalito kung sino ang kakampi mo sa
hindi.” sinubukang pagtataray ni Andy kay Dale na lalo lang
napahagikgik.
“Naiinitan
kasi ako eh. You see, kanina pa ako naglalaro sa ilalim ng initan.”
mabagal na saad ni Dale sabay ibinuhos ang natitirang tubig sa
tumbler sa kaniyang sarili.
Par
kay Andy ay bumagal ang oras. Kitang kita niya ang unti-unting
pagdaloy ng tubig sa maamong mukha ni Dale hanggang sa matipuno
nitong katawan, mula sa magagandang pecs nito papunta sa abs na
walang dudang pinaghirapan ni Dale at ang talagang ikinatigil ng puso
ni Andy ay kung pano bumakat ang briefs ni Dale na nagkataong itim sa
puting manipis na basketball shorts nito.
Dahil
abala parin si Andy sa pag-iisip sa kaniya lamang nasaksihan ay hindi
niya napansin na papalapit na pala sa kaniya si Dale at pumuwesto na
ito sa kaniyang likuran. Napagtanto na lamang niya ito nang
maramdaman niya ang init na nanggagaling sa katawan ni Dale sa
kaniyang likuran at nang bumulong ito sa kaniyang tenga na miya mo
kalahating pulgada na lang ang layo ng mga labi nito sa kaniyang
tenga na lalong nakapagpatayo sa kaniyang mga balahibo.
“Simulan
na natin.” saad ni Dale sabay mabilis na inagaw ang bola sa kamay
ni Andy na nakapagpagising sa diwa ng huli.
“Race
to twenty?” tanong ni Dale kay Andy na tumango na lang.
“Three
points!” sigaw ni Dale nang ma-i-shoot niya ang bola ilang pulgada
lang ang layo sa kinatatayuan ni Andy.
“Mukhang
kailangan ko ng isipin kung sang restaurant kita dadalhin ah.”
nakangising saad ni Dale sabay kindat kay Andy na nagtulak sa huli na
makaramdam na miya mo kumukulo ang tiyan.
“Tangina!
Kinikilig ba ako?!” naiiritang
tanong ni Andy sa sarili sabay habol kay Dale na tinatangkang i-shoot
nanaman ang bola, idine-deny parin sa sarili na kinikilig nga siya.
000ooo000
“Alam
mo ba kung gano ka ka-cute kapag nagco-concentrate ka?” bulong ulit
ni Dale sa likod ni Andy habang abala ito sa pagpro-protekta sa bola
mula kay Dale bago siya makalapit ng maayos bago i-shoot ang bola.
“Shit!”gulat
na saad ni Andy matapos niyang mabitiwan ang bola dahil sa biglaang
pagbulong ni Dale. Sinubukan niyang kumilos agad para habulin ang
bola pero huli na siya dahil nakita niyang pumorma na si Dale para sa
panibagong three point shot kung saan hindi naman nabigo ang huli.
“Pano
ba yan, 6-0 na ang score?” mayabang na saad ni Dale sa sarili
habang pinupunasan ang ilang butil ng pawis sa kaniyang noo na
kinakabahang ikinalunok nanaman ni Andy ng kaniyang sariling laway
dahil nakita niya ang makapal na buhok ni Dale sa kilikili.
“Madaya
ka!” naiinis na saad ni Andy habang hindi parin iniaalis ang tingin
sa exposed na kilikili ni Dale.
“What?!
Pano ako naging madaya?” umaarteng naeeskandalong tanong ni Dale an
ikinamula ng pisngi ni Andy nang makita ito ni Dale ay hindi niya
napigilang mapangisi dahil iniisip niya na epektibo ang kaniyang
ginagawang pangaakit sa huli.
“Basta!”
balik na lang ni Andy na patuloy lang sa pamumula ang pisngi.
“Fine!
If it disturbs you that much---” saad ni Dale sabay punta sa bench
kung saan nakasampay ang kaniyang t-shirt at isinuot ito.
Nagpakawala
ng isang buntong hininga si Andy, hindi dahil sa wakas ay hindi na
siya madi-distract sa magandang katawan ni Dale habang naglalaro sila
kungdi dahil nadidismaya siya at nagsuot na ng t-shirt si Andy.
“Happy?”
taas kilay na tanong ni Dale kay Andy.
“Yes.”
pagtataray ni Andy na nahalatang umaarte lang ni Dale.
000ooo000
Pero
kahit na nakat-shirt na si Dale ay hindi parin makuwa ni Andy
maka-score. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang ba ang
napapadalas na pagdikit ng katawan ni Dale sa kaniyang katawan at ang
tila ba napapadalas din na pagpapadaan ng malalaking palad ni Dale sa
kaniyang makinis na braso, muli tulad ng inaasahan ay dumulas nanaman
ang bola sa kamay ni Andy at nakuwa ito ni Dale na nagmadaling
i-shoot ang bola bago pa man makabawi si Andy.
“Pano
ba yan. Panalo ako?” nakangising saad ni Dale na hindi manlang
hiningal tulad ni Andy.
“Wala.
Hindi patas yung laban.” humihingal na depensa ni Andy.
“In
what way hindi siya patas?” nangingiting saad ni Dale, desperado
kasi ang tono ni Andy, iniisip na nakaganti na siya sa pagpapahiya
dito nung naglalaro sila ni Jay nung isang araw.
“Unang
una, I'm not dressed properly for the game. Pangalawa---uhmmm---
pagod ako at pangatlo---errr---ummm--- idinidikit mo ng idinidikit
yang---uhmmm--- katawan mo sakin.” pahina ng panina na saad ni Andy
na ikinahagikgik ni Dale, hindi mapigilang macute-an kay Andy.
“It's
fun toying with this guy after all.” bulong
ni Dale sa sarili.
“What?
You can't blame me for keeping my hands off from a cute guy like
you.” naglalanding saad ni Dale kay Andy sabay kindat na muling
ikinakulo ng tiyan ni Andy at lalong ikinamula ng pisngi nito.
“And
besides. It's twenty two to zero. Ni hindi ka manlang naka-score ng
two points, that clearly shows na wala talaga sa laro ang isip mo.
Wala ka sa kundisyon and yet you agreed with our little bet. So wag
mong sabihin ngayon na hindi patas ang laban.” nakangising
pagpupunto ni Dale kay Andy na nakuwa ang gustong sabihin ng huli.
“Fine!”
singhal ni Andy.
“I'll
pick you up at seven?” nangingiting tanong ni Dale kay Andy na
hindi parin mapigilang mainis sa sarili habang iniisip kung ano ba
ang kaniyang napasukan na iyon.
000ooo000
“Mukhang
masaya ka ata ngayon?” taas kilay na tanong ni Jay sa kaniyang
pinsan matapos niyang mapansin ang pasipol-sipol at pabalik balik na
si Dale mula sa aparador nito papunta sa whole body na salamin,
tinitignan ang mga damit na kaniyang ipinaglalalabas sa aparador kung
babagay ba ito sa kaniya sa repleksyon niya sa salamin.
“Kasi
success ang plano ko eh.” nakangising saad ni Dale kay Jay na
itinigil muna ang paglalaro ng PSP.
“What
do you mean success ang plans mo?” tanong ulit ni Andy habang
tinititigan ang makakalokong ngiti ni Dale sa repleksyon nito sa
salamin.
“Your
dare isn't that hard to do after all.” makahulugang sagot ni Dale
sabay kindat sa pinsan at saka sinuot ang napiling damit.
“We'll
see about that.” nakangisi naring balik ni Jay. Kabisado na kasi
niya ang mga nangyayari sa mga dare na katulad ng ginagawa ngayon ng
kaniyang pinsan dahil sa loob ng ilang nakalipas na taon ay siya ang
gumagawa ng mga iyon sa tuwing matatalo siya at base sa kaniyang
experience ay may papalpak at papalpak sa plano niya at alam niyang
ganito din ang mangyayari sa plano ng kaniyang pinsan pero hindi niya
ito sasabihan, hahayaan niyang matuto ito at madala upang tigilan na
ang kanilang pagpapataasan ng ihi kada taon sa basketball.
000ooo000
Habang
nagmamaneho si Dale papunta sa kalapit na bahay nila Andy ay wala sa
sarili siyang napapangiti. Napapangiti dahil naaalala niya ang mga
reaksyon sa mukha ni Andy kanina, kitang-kita niya sa tuwing
naguguluhan ito, kitang-kita niya sa tuwing kinikilig ito, nahihiya,
natatawa, naiinis at nagagalit at aminin niya man sa sarili o hindi
lahat ng iyon ay nakakapag lagay ng ngiti sa kaniyang mukha, aminin
niya man o hindi ay nawiwili siya dito.
At
ngayon habang nagmamaneho siya ay nag-iisip pa siya ng ilang mga
plano upang makita niya ulit ang mga reaksyon na iyon sa mukha ni
Andy.
At
aminin man niya sa sarili o hindi ay na-e-excite siya sa mga
mangyayari sa gabing iyon.
000ooo000
“Anthony,
I said stop staring at me!” singhal ni Andy nang maramdaman niyang
may nakatitig nanaman sa kaniya.
Kanina
pa siya pinapanood ng kaniyang nakababatang kapatid na si Anthony na
magpalit ng libo libo na atang damit bilang paghahanda para sa lakad
nila ni Dale at hindi ito pumalya sa kakahagikgik kaya naman
pinalabas niya ito sa kaniyang kwarto habang sinasabi na kung hindi
naman ito makakatulong ay lumabas na lang.
Hindi
alam ni Andy kung bakit pero tila ba excited siya sa paglabas nilang
iyon ni Dale gayong biglaan lamang siyang inaya nito lumabas at base
ang kanilang paglabas na iyon sa isang pustahan lamang na alam naman
niyang walang magandang maidudulot o kalalabasan.
“Don't
go out with him.” malamig na saad ng kapatid ni Andy.
Agad
na napaharap si Andy sa gawi ng pinto. Malamig ang boses na iyon.
Walang halong pangiinis at walang buhay di katulad nung si Anthony
ang nagsasalita. Ngayon kasi tila ba ito nananakot, nagbabanta o kaya
naman ay may hindi magandang binabalak. Nang makita ni Andy kung sino
ang nagsalita ay dahan-dahan na lang siyang tumalikod mula dito at
hindi na lang pinansin ang kaniyang kuya Allen.
“I'm
serious, Andrew. Don't go out with him--- he's---” simula ulit ni
Allen, ngayon desedido na pigilan si Andy sa paglabas nito na
ikinasagad na ni Andy.
“What?!---”
singal na simula ni Andy na gumulat kay Allen mula sa kinatatayuan
nito. Ngayon niya lang nakita ang kapatid na ganito. Madalas tahimik
lang ito at nakayuko sa tuwing magkakasalubong sila.
“---Nahihiya
ka na makita ng friends mo na may kapatid kang bakla?!” pagtatapos
ni Andy na talaga namang nakapagpatameme kay Allen.
“You
really want me to stay miserable until I grow old no? You really
don't want me to be happy even just for a minute?! Parehong pareho
kayo ni Nolan, you only think of yourselves and what others might say
about you! You don't consider na baka tao din ako kahit ganito ako,
nasasaktan, nalulungkot---nakakaramdam! Gusto ko ding sumaya!”
singhal ni Andy sabay hinablot ang kaniyang wallet at telepono at
tuloy tuloy na naglakad palabas ng kaniyang kwarto at anng mapatapat
sa kaniyang kapatid ay binangga niya ang balikat nito.
Nang
makalagpas kay allen ay nakita niya ang kaniyang iba pang mga kapatid
na malungkot na nakatingin sa kaniya at tila ba gustong-gusto siyang
aluhin pero masyado nang naging madrama ang gabing iyon para sa
kaniya kaya pati ang mga ito ay nilagpasan na lang niya at tuloy
tuloy nang lumabas ng kanilang bahay.
Alam
niyang susunduin siya dapat ni Dale sa bahay nila pero ayaw niyang
makaharap ni Dale ang kaniyang mga kapatid lalong lalo na ng kaniyang
kuya Allen kaya naman naglakad na lang siya palayo sa kanilang bahay,
sa direksyon na alam niyang panggagalingan ng sasakyan ni Dale.
000ooo000
Malapit
lang ang bahay nila Dale sa bahay nila Andy at iisang daan lang ang
tatahakin niya papunta sa bahay ng huli, kaya naman hindi na siya
nagdalawang isip na tigilan ang isang lalaking nakayuko, nanlalambot
at tila ba bagsak balikat na naglalakad sa may bangketa. Hindi siya
nagkamali si Andy nga iyon.
“Andy?”
tawag pansin ni Dale kay Andy.
Wala
na ang kanina lang ay matapang na tingin na pinapakawalan nito noong
naglalaro sila ng basketball. Tila kumawala lahat ng hangin nito sa
katawan at mukha na ito ngayong bata na kinawawa ng mga kalaro at ang
huli sa lahat ay ang ibayong lungkot na nakita ni Dale sa mukha ni
Andy. Lungkot na nagtulak kay Dale na makaramdam ng paninikip ng
kaniyang dibdib.
“Hey.”
nahihiyang balik ni Andy kay Dale saka nag-alangan kung papasok ba
siya sa kotse o hindi.
Hindi
na nagdalawang isip pa si Dale at binuksan na niya ang pinto ng kotse
sa may passenger's side na kinuwa naman ni Andy bilang paanyaya na
pinapapasok siya ni Dale sa sasakyan nito.
“What
happened?”
Tanong
ulit ni Dale na kumuwa muli ng pansin ni Andy. Tinignan niya ng
mariin si Dale. Kitang kita niya ang pagaalala sa mukha nito at
sinsero ito, totoong nagaalala ito sa kaniya at hindi iyon nababase
sa kanilang pustahan, hindi mapigilan ni Andy ang matuwa dahil sa
unang pagkakataon matapos ipagkalat ni Nolan ang tungkol sa kaniya ay
may tunay na nagaalala sa kaniya maliban sa kaniyang mga kapatid at
ama.
“Wag
mo ng isipin yun---” nakangiti nang saad ni Andy, ayaw niyang
masira ang umpisa ng magandang gabi na iyon para sa kaniya sa
pamamagitan ng pagkukuwento ng pagtatalo nila ng kuya niyang si
Allen.
“---ang
isipin mo ay kung pano mo ako mapapabilib sa una nating date.”
humahagikgik na saad ni Andy na nakapagpamutla kay Dale. Naging
conscious tuloy siya sa kaniyang plano para sa gabing iyon, biglang
nagkaroon ng duda sa sarili kung sapat na ba ang kaniyang plinano at
kung mapapabilib ba nun si Andy na mukhang kahit hindi pa nagkakaroon
ng seryosong relasyon ay mukhang mataas ang standard.
“---oh
wag kang masyadong kabahan. Ginusto mo 'to diba? Panindigan mo.”
mahangin at nakangising saad ni Andy kay Dale na siya namang
napalunok ng sariling laway dahil sa kaba.
Kinakabahan
siya na baka nga hindi niya mapabilib si Andy at masira ang kaniyang
plano at mapatunayan nanaman ni Jay na hindi niya kaya ang pustahan
nila di kagaya niya na kinaya lahat ng parusa sa bawat pustahan nila
nitong mga nakaraang taon.
“Seriously,
Dale. I was just joking.” nakangiting pahabol ni Andy kay Dale nang
mapansin niyang matagal tagal na din itong hindi kumikibo matapos ang
kaniyang huling sinabi dito.
Muntik
nang biglaang apakan ni Dale ang preno ng sasakyan. Ngayon niya lang
nakitang ngumiti ng ganon si Andy, para sa kaniya ay mala-anghel ito.
Wala ang karaniwang yabang, ngisi o nakakalokong ngiti sa mukha nito.
Ang ngiting iyon ay sinsero, totoo at walang bahid na kahit ano.
Ngiti
na nagsasabing wala siyang dapat ipangamba.
Ngiting
nakakahawa.
Hindi
pa man sila nakakarating sa kanilang pupuntahan para sa gabing iyon
ay nagmamaneho naring nakangiti si Dale.
“Bowling
alley?!” halos pasigaw nang saad ni Andy nang makita niya kung saan
sila magde-date ni Dale.
000ooo000
“You've
been staring at that ball for ten minutes now.” nangaalaskang saad
ni Dale nang maabutan niya parin si Andy na hawak hawak ang isang
kulay blue na bola sabay lapag ng in-order nilang pagkain.
Nangunot
lang ang noo ni Andy sa sinabing ito ni Dale at magsasalita na sana
nang maunahan siya ng huli.
“Ah---
you don't know how to bowl.” nakangising saad ni Dale jabang
lumalapit kay Andy.
Muli
sanag magsasalita si Andy nang magsalita nanaman si Dale.
“It's
OK. Hindi mo naman kailangan malaman ang lahat eh.” saad muli ni
Dale sabay pumuwesto sa likod ni Andy at inalalayan ito papalapit sa
dulo ng laruan nito. Aalma na sana si Andy nang manlambot na lang
siya bigla sa matipunong katawan ni Dale.
Hindi
niya mapigilang amuyin ang pabango ni Dale. Hindi niya mapigilang
isandal pa lalo ang kaniyang likuran sa tila ba malabatong katawan ng
huli at hindi niya mapigilang pakinggan ang tila ba nangaakit na
boses nito sa kaniyang tenga.
Nagising
na lang si Andy nang marinig niyang tumalbog ang bola sa strip at
mabilis na itong gumugulong sa mga pin sa bandang dulo.
“There,
you got all the pins. Here, try it again.” saad ni Dale. Walang
alam sa na-idulot niyang pakiramdam kay Andy sabay abot ng mabigat na
bola kay Andy.
Pumuporma
na si Andy sa dulo ng strip nang magsalita ulit si Dale.
“I
bet makakanal lang yang tira mo.” humahagikgik na pangaalaska ni
Dale kay Andy pero agad din itong natigilan nang makita niya kung
pano gumalaw si Andy. Miya mo ito mananayaw, buong katawan ay may
kuordinasyon at swabe nitong pinakawalan ang mabigat na bola at hindi
nagtagal ay narinig niya ang pagsasalubong ng mga pins at ng mabigat
na bola. Walang natirang pins.
“Alam
mo dapat magingat ka na dyan sa pakikipagpustahan mo eh.”
natatawang saad ni Andy sa nakangangang si Dale.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2 [chapter 4] by: Migs
guys sensya na hindi ko na kayo maiisa-isa. sobrang pagod lang po.
ReplyDeleteSalamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta
awesome! haha... si kuya allen nya nga kaya ang nakarinig ng pustahn ni dale at pinsan nya? haha..
ReplyDeleteMukhang magba-backfire ang lahat kay Dale...
ReplyDeleteHi Migs! I hope you still remember me! I know have commented in FOREVER. Sorry! Been very busy, but I can't wait to read all of this in one sitting! Also I was hoping I could e-mail you, I'm just waiting for a go signal from you. Don't worry it's nothing rash hahaha. Let's just say I need some spiritual guidance hahahaha
ReplyDeleteOkay lang yun sir salamat sa update na kahit pagod ka at busy sa maraming bagay nahahanapan mo pa rin kami ng puwang sa pag susulat mo spmaraming maraming salamat. Can't wait sa susunod ee haist sana lang talaga wag masaktan si andy thou binigyan na sia ng kuya nia kaso walapey pa din yun ang mahirao pag may gap kayo di nio mahihintidihan isat isa at di nio alam paano mag uumpisa ng sasabihin been there and done that kaso sadyang mahirao talaga. Basta sir thanks sa magagandang kwento sana bago man ako mamatay matapis ko mga kwento mo baka di kuna mabasa sa kabilang buhay. Haha ingat lagi air and keep it up God Blessed you sir and your family. :-)
ReplyDeleteAt mukhang alam din lahat ni andy amg sports.. Alam dn kya nya na pustahan lang xa? Ummmmm wait tau guys.. Tnx migs
ReplyDeleteSna mbasa ku pa d2 pangalan nila jepoy at maki miz ku na cla eh pti c cha
ReplyDeleted kaya may nakaraan c allen at dale.......hheheheehehe
ReplyDeletenice
ReplyDeletemarc
Sa tingin ko si allen nga nakarinig sa paguusap ni jay at dale. Grabe naman kasi tong si akitin ba naman si andy habang maglalaro malamang di makakapagconcentrate yung isa. Haha. I also think na mahilig mag bowling si andy tsaka nolab dati kaya parang maysasabihin siya bago pa man siya turuan kuno ni dale
ReplyDeleteAnyway highway salamat sa update migs super kilig. Pahinga din pag may time tapos labing2 din kau mrje pag may time pa. Haha ge migs ingat lagi
-therese llama
Kakaenjoy this chapter, actually it tickles a lot.. Hehehe.. Nice flow, fluid storytelling, stress free reading and lovable characters.. I so love the way you thread everything into one cohesive story line.. Great job Migs.. I just hope Dale falls madly in love kay Andy.. Same way goes with Andy too.. Thanks for this story Migs.. :-)
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeletePahinga kana muna, baka ma over fatigue ka pa:)
Aantayni namin mga stories mo :)
-aR
Ok lng un kuya migs :D Thanks for the update kahit pagod kna... rest well :)
ReplyDeletebasa mode muna XD
si allen nga ang nakarinig sa pustahan siguro.
ReplyDeletethank you kuya migs. pahinga na ikaw.
magingat ka na talaga Dale sa pustahan, malaki balik nyan sayo. maiinlove ka ng tuluyan saken, este kay Andy jan sa story. haha.
yun ang ibig siguro sabihin ng panaginip ni Andy. masasaktan sya sobra pag nalaman nya na pustahan lang ang lahat.
thanks for the update....its ok...don't push yourself too much. Rest and be healthy
ReplyDeleteNice the best ka talaga migs, but it really makes me sad what will Andy feel on the day na malaman niya ang totoo about Dale. tsk tsk icipin ko palang sobrang affected na ko lalo naq siguro pagnabasa ko pa yun. hehehe. Si allen talaga yun naka rinig sa usapan nila Dale and I strongly believe na nahihirapan sabihin ni Allen ang totoo kay Andy kasi natatakot siyang masaktan si Andy after all kapatid pa rin niya ung tao. Blood is thicker than water pa rin. Baket ba si Robin Padilla natanggap si Bibi hindi ba? Kasi at the end of the day sila pa rin ang magkadugo. At kung masaktan man si Andy ng dahil kay Dale nandun namn ung pamilya to support him.
ReplyDeleteHave a great day migz can't wait to read the next chapter.....
gusto ko rin makipagdate sa bowling alley..!!!!!
ReplyDeleteGood day to everyone. I'm JP, ahm pwede po ba akong humingi ng advice? May problema po kasi ako, about sa friend ko. Kindly post your replies here if you have any reactions about this problem. But honestly, I want to know kuya Migs' reaction. Advance thanks! :)
ReplyDeleteStill, I'm JP, and this is the problem of my dearest friend:
ReplyDeleteIt started about 4 months ago. Before I continue, let me note some information. Ahm, kami po ay Fourth Year students, studying at one of the high schools here in Pampanga. My friend is a boy, at least. So, we continue. Nag-uusap po kasi kami about one of our boy classmates in our section. Nag-open po sya sa'kin by September, and his story goes like this: "Eto si _____ (itago na lang po natin sya sa pangalang "Boom Boom, or Popeye. Ganito po kasi ang tawag namin sa classmate naming ito.), hindi ko alam, pero nagpapakita ng motibo sa'kin. Napapansin kong parati syang nakatingin sa'kin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya. Tas kapag nag-uusap kami, ang saya-saya nya. Minsan, hindi makatingin ng deretso sa'kin. Tas habang lumilipas ang panahon, by August, mas lalo pang dumalas ang kinikilos nyang ganun. Binabati nya ako ng goodbye bigla-bigla. Sabi ng mga kaklase natin na kaklase nya dati, hindi sya bumabati ng goodbye sa'yo, unless babati ka sa kanya ng goodbye. Mga 5 times siguro yun. Tas yun, nagpatuloy pa sya, yung pagtitig nya. Nung nagtext sya na tumatanggap na sya ang advance gifts (birthday nya po kasi ay nasa month of September), tinanong ko sya kung kelan birthday nya, tas sabi nya malapit na. Sinabi kong sige, pag-iisipan ko. Tas nagreply sya na 'Sige po, aasahan ko yan. iloveyou'. Na-shock ako dito. Di ko ineexpect na sasabihin nya ito." The story ends here. Pina-observe nya sa'min itong cmate naming ito, and he's right. May something talaga. Then by October, nag-open ulit sya sa'kin, sinabi nyang parang nagseselos daw si Boom Boom sa bestfriend nyang babae. Nung nagdecorate daw sila for our party in our school, napansin nyang very distant si Boom Boom sa kanila. Mabagsik daw kung tumingin, tas nung magkatabi daw yung BFF nya tsaka si Boom Boom, nagwalk-out daw si Boom Boom at umalis. Tas nag-GM daw, at ganito ang message na pinabasa nya sa'kin: "Ang pananahimik ay may dalawang dahilan: Una, kung wala kang pakialam, o pangalawa, nasasaktan ka na pero tinatago mo lang". Nanahimik daw si Boom Boom during that day. So, let's forward, last November 26, nangyari ang 'di inaasahan. Secrets will be revealed. Nalaman namin na alam na ni Boom Boom ang nangyari, tas ang sabi nya sa friend ko: "Pare, 'di tayo talo". Nag-GM pa sya ng ganito at nagpost sa FB. Until now, my friend is greatly affected by this. He don't want to talk with us, unless someone's patient enough to push through. I feel sorry for him, and I badly want to help him. One day, we're discussing about what happened last Nov. 26. One of my friends said: "Alam nyo, may meaning yung sinabi nya. Yung di tayo talo, ibig sabihin di tayo pwede, kasi same sex tayo. Feeling ko, may tinatago sya. Yung sinasabi nyang hindi sya bakla, hindi ako kumbinsido. Base sa mga nakikita natin, it explains everything." I asked him what do he mean by this. "Sigurado ka? Sa palagay mo may gusto sya, talaga kay S? (friend ko/namin, yung friend ko na problema ngayon to)". He answered me: "Sa palagay ko, oo. In-denial mode sya ngayon. Dinedeny nya sa sarili nya na ganun sya pero hindi nya mapigilan ang kumilos ng ganun". THE END.
Now, I'm here to ask your POV's, comment, reactions and the like about the problem about my friend. If you're interested, just reply this post. Thanks and God bless us all.
PS: I truly love your stories kuya Migs. I'm looking forward to read more your new book entitled "Breaking Boundaries 2". I want Maki at Jepoy back, though. But the new plot and new set of characters are good. Keep it up kuya Migs, although you're so tired at work. God bless! :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete