Breaking Boundaries 2[3]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Sisiw lang kay Dale ang kuwanin ang loob ng isang tao, ng isang babae pero ang kuwanin ang loob ng isang lalaki na katulad ni Andy ay hindi niya pa kailanman nagawa kaya naman hindi niya alam kung saan magsisimula at kung ano ang gagawin sa parusa at pustahan na iyon nila ng kaniyang pinsan. Iniisip kung ano marahil ang magiging daan upang magkalapit sila ng loob ni Andy, kung gaya ba ng mga babae na kaniyang naka-date noon ay makukuwa niya ito sa pakikipag-date sa mamahaling restaurant, pagbibigay ng isang malaking bungkos ng magagandang bulaklak o kaya naman isang kahon ng tsokolate.

Hindi naman siguro siya mas mahirap lapitan kesa sa mga babae?” mahanging saad ni Dale sa sarili habang inaayos ang sarili sa harapan ng salamin, naghahanda ng sarili bago lumabas at simulan ang parusa't pustahan nila ni Jay.


Saka sino ba namang makaka-hindi sa gandang lalaki at macho kong ito?” mahangin ulit na pagpapakain ni Dale sa kaniyang sariling ego habang nagfle-flex ng kaniyang mga biceps sa harapan ng salamin.

000ooo000


Nakatatlong daan na si Dale sa harapan ni Andy habang nagbabasa ito sa isang kilalang book store sa mall na iyon pero hindi parin siya nito pinapansin. Andyan ang umarte siyang tila ba nagtatanggal siya ng bara sa kaniyang lalamunan o kaya naman ay kunwari nakipag-usap na siya ng malakas sa kaniyang telepono sa tapat ng kinauupuan ni Andy ay hindi parin ito magtaas manlang ng tingin.


Madalas yun sa may bookstore na may cafe sa loob dun sa may mall. Nagbabasa ng mga libro na libre lang basahin basta't nasa loob ka at bumili ng kape.”


Ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Dale na sinabi sa kaniya ni Jay habang nagiisip siya noon ng kaniyang mga plano para sa pustahan nilang magpinsan. Iniisip na madali niya lang makukuwa ang pansin nito pero ang hindi niya inaasahan na may sarili na palang mundo si Andy kapag napaharap na sa mga libro.


TSSS!” naiinis na saad ni Dale saka tinignan si Andy ng mariin.


Sa hindi malamang kadahilanan ay wala sa sariling naging pagtitig ang tingin na iyon ni Dale kay Andy. Wala sa sariling kinilatis ang lalaking kaniya ngayong binabantayan. Wala sa sariling tinignan ang maamo nitong mukha, ang mga mapupungay na mata, matangos na ilong, mapupulang labi at maputi at makinis na balat. Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing makikita niyang mangunot ang noo nito na miya mo batang may salitang hindi maintindihan sa kaniyang binabasa.


Naputol lamang ang kaniyang pagtitig dito nang bigla itong gumalaw at tila ba naiinis na isinara ang libro na miya mo may hindi ito magandang nabasa. Dinampot nito ang mug sa tabi at tila lalong nainis nang idikit nito ang mapupulang labi sa mug at walang mainom na kape mula dito. Wala sa sariling napangiti ulit si Dale nang makita niyang umiling si Andy, imbis na bumili na lang ng isa pang mug ng kape at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng kanina lang ay kinaiinisan niyang libro.


Weird guy.” bulong ni Dale sa sarili at napahagikgik.


Dahil dito may isang ideya na pumasok sa isip ni Dale.


000ooo000

Naiinis siya dahil para sa kaniya ay napaka-tanga ng bidang babae sa kaniyang binabasang libro pero hindi parin niya mapigilan ang sarili na muling buksan ang libro para ipagpatuloy ang pagbabasa. Ito lang ang kaniyang bisyo maliban sa pagkain ng marami, sa tuwing nagbabasa siya ng libro ay hindi na niya napapansin pa ang nangyayari sa kaniyang paligid kaya naman hindi niya napansin ang paglalagay ng barista ng panibagong timplang kape sa kaniyang lamesa.


Napansin na lamang niya ito nang wala sa sarili na naman niyang dinampot ang kaniyang mug na kanina lang ay wala ng laman.


What the---” saad ni Andy sa sarili nang mapagtanto niyang may mali. Naalala niyang wala na siyang iniinom na kape kanina pa at ang biglaang pagkakaroon muli ng laman ng kaniyang mug ay nangangahulugang may naglagay dito ng panibagong timpla kaya naman agad siyang lumingon lingon at hinanap ang barista na siyang naka assign sa pagre-refill ng mga mug sa tuwing may magre-request dito pero imbis na barista ang dapuan ng kaniyang tingin isang pamilyar na lalaki ang nakakuwa ng kaniyang pansin.


Doon niya unang napansin si Dale na masugid na nakangiti sa kaniya. Saglit na nangunot ang noo ni Andy at itinuon ulit ang tingin sa mug, kasama ng bagong timplang kape ang isang tissue na noon niya lang din napansin. Binasa niya ang note dito.


Figured you need some more.
Enjoy reading. :-)

D.

Matapos niyang basahin ang note na iyon sa tissue ay muling itinuon ni Andy ang kaniyang pansin kay Dale na nakangiti parin sa kaniya at masugid na itinaas ang mug na miya mo nagsasabing “cheers!” o kaya “you're welcome” simpleng gesture na ikinamula ng pisngi ni Andy. Hindi niya inaasahan na muling magku-krus ang landas nila ni Dale at lalong hindi niya inaasahan na pagaaksayahan siya nito ng panahon.


Thanks!” saad ni Andy sabay taas din sa bagong mug atsaka tinangkang magbasa ulit pero hindi siya nagtagumpay, hindi na naalis ang kaniyang isip sa kakaisip sa magandang ngiti ni Dale.


000ooo000


Hindi alam ni Dale kung bakit pero tila ba may kakaiba siyang nararamdaman matapos siyang pagtuunan ng pansin ni Andy. Dahan dahan niyang inilapat ang kaniyang kamay sa sariling mga pisngi at naramdaman na nag-iinit ito. Iniisip na may kakaiba sa kaniyang mukha ay wala siya sa sariling tumayo mula sa kinauupuan at nagpunta sa CR.


Nang makapasok sa CR ay agad niyang tinignan ang sarili sa salamin at doon niya nakita ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Muling kumunot ang kaniyang noo. Iniisip na dahil iyon sa nagbabadyang pag-sama ng kaniyang pakiramdam, naghilamos na lamang siya upang pansamantalang mawala ang pammumula at init sa mga pisngi.


000ooo000


Arrrrrgggghhh!” saad ni Andy sa sarili saka muling isinara ang librong binabasa, iniisip na hindi na siya muli pang makakapag concentrate sa binabasa ay nagpasiya na lang siyang ipagpaliban ang pagtapos sa librong iyon.


Hindi siya makapag-concentrate dahil iniisip niya na sa kaniya parin naka tingin ang magagandang kulay brown na mga mata ni Dale, na nakangiti parin ito sa kaniya at magiliw parin siya nitong pinapanood na miya mo siya isang nakakaaliw na palabas.


Bago siya tumayo upang ibalik ang libro sa lagayan nito ay pasimple pa siyang tumingin sa kinauupuan ni Dale kanina at laking pagkadismaya niya nang hindi na niya ito nakita.


Dang, Andy. What are you expecting? Dale falling in love with you like some effin' fairy tale story?!” singhal ni Andy sa sarili at mabigat loob na tinungo ang kinalalagyan kanina ng libro na kaniyang binabasa upang isoli na ito.

000ooo000

Nang makapag-ayos ulit ng sarili si Dale ay agad na siyang lumabas ng banyo at muling tumingin sa kinauupuan ni Andy bago siya pumasok ng CR. Muli nanamang nangunot ang kaniyang noo nang makita niyang ibang tao na ang nakaupo doon. Agad siyang nagmadali sa paghahanap sa huli dahil dapat na niyang makuwa ang loob nito para sa kaniyang mga plano.


Saan ka nanaman nagpunta, Andy?” bulong ni Dale sa sarili at inisa-sa ang madaming shelves na nakahilera sa bookstore na iyon, umaasa na nandon lang si Andy bago pa siya lumabas ng book store upang hanapin naman ito sa malaking mall na iyon.

000ooo000


Si Dale parin ang tumatakbo sa kaniyang isip habang hinahanap niya ang shelf kung saan niya kinuwa ang libro na kanina lang ay kaniyang binabasa pero hindi rin nagtagal si Dale sa kaniyang isip dahil andami nanaman niyang nakitang libro na pawang magandang basahin at isa sa mga ito ay nakalagay sa napakataas na bahagi ng shelf na iyon na maski sa kaniyang tangkad ay hindi niya ito maabot.


Damn it!” singhal ni Andy.


Tanging ang dulo lang ng kaniyang daliri ang dumadampi sa librong ito kaya naman hindi maitatago na nahihirapan siya na abutin ito. Sinubukan niyang tumuntong sa pinakamababang bahagi ng shelf na iyon, naabot na niya ang libro at hihilahin na sana niya ito nang biglang dumulas ang paang nakatungtong sa unang bahagi ng shelf. Wala na lang nagawa si Andy kundi ang pumikit at inintay ang kaniyang paglagapak sa sahig nang makaramdam siya ng dalawang malalapad na kamay na umalalay sa kaniya upang hindi siya tuluyan mapahandusay sa sahig.



000ooo000


Hindi mapigilan ni Dale ang mapailing at mapahagikgik nang makita niya si Andy na miya mo isang unggoy na nagtatangkang umakyat sa isang puno. Nakasampa ang kanang paa nito sa mahunang unang baitang ng bookshelf na iyon habang inaabot ang isang libro na nasa pinakamataas na bahagi, ngunit agad na nawala ang tuwa sa mukha ni Dale nang makita niya ang mabilis na pagdulas ng paa ni Andy mula sa kinatutungtungan nito at ang nalalapit nitong pagbagsak sa sahig.


Hindi alam ni Dale kung saan niya nakuwa ang kakaibang bilis pero agad niyang nasalo si Andy mula sa pihadong masakit na pagbagsak sa sahig. Naramdaman niya ang likod nito na lumapat sa kaniyang matipunong dibdib, naamoy niya ang mabango nitong pabango at shampoo na nagbibigay impresyon na kalalabas lang nito ng banyo at bagong paligo at lambot ng balat nito na sa di malamang dahilan ay tila ba gusto niyang habang buhay ng haplusin.


Pero hindi sila nagtagal sa ganong tagpo at agad ng humarap si Andy sa kaniya, walang duda na hihingi ng paumanhin at magpapasalamat sa pagsalo niya dito pero nang magtama ang kanilang mga tingin ay hindi agad nakapagsalita si Andy, natigilan pa ito at kitang kita ni Dale ang pamumula ng pisngi nito at agad na pag-iwas ng tingin mula sa kaniyang mga tingin.


Hindi alam ni Dale kung bakit pero tila ba gusto niyang makuwang muli ang pansin ni Andy at tignan siyang muli nito. Gusto niyang magtama ulit ang kanilang mga tingin at wala siyang ibang naisip na paraan kundi ang tanungin ito.


A-are you OK?” wala sa sariling nauutal na tanong ni Dale na muling nagtaas ng tingin si Andy at muling nagtama ang kanilang mga mata.


000ooo000


Agad na humarap si Andy sa taong nagligtas sa kaniya sa masakit na paglagapak sa sahig upang magpasalamat at nagulat na lang siya nang makaharap niya ang pamilyar na magagandang mata. Awtomatikong namula ang pisngi ni Andy, agad niyang iniwas ang tingin mula kay Dale upang hindi nito mapansin ang epekto nito sa kaniya sa tuwing magtatama ang tingin nila o sa tuwing magkakaharap sila.


A-are you OK?” tanong ni Dale na nakakuwa ulit sa pansin ni Andy.


Sasagot na sana si Andy nang makarinig sila ng tila ba nababaling troso. Sabay na tumingin si Dale at Andy sa pinanggalingan ng tunog na iyon at nakita nila ang dahan-dahang pagbagsak ng bookshelf na kanina lang ay tinutungtungan ni Andy. Unti-unting nagbagsakan ang mga libro na maayos na nakalagay doon na siya namang naiwasan pareho nila Dale at Andy at tumigil lang ito sa tuluyang pagdagan sa dalawa nang sumandal ito sa mas matibay na katabing bookshelf.


Anong nangyari?!” sigaw ng isa sa mga staff sa bookstore na iyon kasunod ng isang manager na nanlilisik na nakatingin sa dalawa.


Nagulat na lang si Dale nang may isang hintuturo ng nakaturo sa kaniya. Tinignan niya ang mukha ng may ari ng hintuturo na iyon at nakita niya ang isang nakakainis na ngisi sa mukha nito. Hindi maikakaila na tinamaan nanaman ng pagkapilyo at pagka-isip bata si Andy na talaga namang lalong nakapag-init sa dugo ni Dale.


I-I--” nauutal na saad ni Dale habang pinipigilan ni Andy ang mapahagikgik habang ang manager ay nagiintay parin ng eksplanasyon mula sa kaniya.


000ooo000


Hindi maiwasan ni Dale na isipin na mahihirapan siya kay Andy at napatunayan iyon ng nangyari kanina sa mall. Nang matapos ang insidente kanina sa bookstore ay pinapunta siya ng manager sa loob ng opisina nito, mabuti na lang at mabilis siyang nakaisip ng palusot at nagawa niyang ituon ang kasalanan sa mismong management ng bookstore na iyon sa pagkakaroon ng mga mahuhunang bookshelves.


Bago siya makalabas ay siya patuloy ang hiningan ng paumanhin ng manager na inisang tabi na lang niya dahil abala siya sa pag-iisip kung pano kukumprontahin si Andy pagkalabas niya. Ngunit nang makalabas siya ay wala na sa paligid si Andy. Sinubukan niya pang suyurin ang buong mall ngunit hindi niya ito nakita.

Nagpasya na lang siyang umuwi, hindi mapigilang mainis sa kaniyang pinsan para sa parusa na iyon at lalong hindi mapigilang mainis sa sarili dahil hindi niya agad naisip na iba si Andy. Iba sa mga babae na kaniyang nakasama noon at iba sa pangkaraniwang kasapi ng ikatlong gender na sunggab lang ng sunggab sa lalaking makilala, na hindi ito makukuwa sa pakikipagdate, bulaklak at tsokolate.


Pano ko ba malulusutan 'to?” tanong ni Dale sa sarili habang idrinidribol ang bola. Ganito siya sa tuwing may malalim na iniisip na kailangan ng agarang desisyon. Idinadaan niya sa paglalaro ng basketball.

Sumagi na sa isip niya na sabihin sa pinsan niyang hindi niya kaya ang pinapagawa nito pero mas naunahan siya ng pride. Lahat ng nakakahiyang bagay na pinagawa niya noon kay Jay ay buong puso nitong ginawa kaya naman wala siyang dahilan para hindi gawin ang pinapagawa nito sa kaniya ngayong siya naman ang natalo sa pustahan.


Pero pano ko nga ba makukuwa ang loob ni Andy? Alam ko lang mahilig siyang magbasa. Yun lang.” nawawalang pag-asa na saad ni Dale sa sarili at sinalo ang bola na hindi pumasok sa basket at tumama lang sa board.


Ni hindi ko nga siya nakuwang pagstay-in kanina habang ginigisa ako ng manager nung bookstore eh paibigin pa kaya ang kumag na yun?” naiinis nanaman na saad ni Dale nang maalala ang nangyari.


Pusta ko--- ako parin ang mahihirapan---” pahinang pahinang saad ni Dale hanggang hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil sa isang ideya na pumasok sa kaniyang isip.


Di pa man niya napla-plantsang maigi ang kaniyang plano ay nakita na niya ang isang pamilyar na kotse na binabagtas ang daan sa tabi ng court na kaniyang pinaglalaruan.

This is it, Dale. Make this work.” pagpapalakas loob ni Dale sa sarili.


000ooo000


WHAT THE HELL---?!” sigaw ni Andy habang nasa loob ng kaniyang sasakyan.


Masamang ugali na ni Andy ang magtext habang nagda-drive, pero sinisiguro naman niyang wala siya sa isang mataong kalsada o kaya naman sa masasakyan na kalsada bago ito gawin para makaiwas na rin sa disgrasya. Madalas niya itong gawin sa tuwing papasok na siya sa kanilang village kung saan halos wala namang naglalakad na tao sa kalsada o kaya naman bihira lang ang may makasalubong siyang sasakyan. Kaya naman ang biglang pasulpot na bola at pagtalbog sa kaniyang wind shield na miya mo sinasadyang ibinato doon ay talaga namang gumulat sa kaniya ng sobra.


Walang pakielam si Andy kung may tao ba sa may gilid ng daan at wala basta na lang niya itinabi ang kaniyang kotse at agad-agad na bumaba mula sa kaniyang sasakyan at miya mo sumunggab sa harapan ng kaniyang kotse sa sobrang bilis ng kilos nito. Tinitignan nito ng parte ng salamin kung saan tumama ang bola.


Shit! Baby, are you OK?” tila isang boyfriend na nagaalalang tanong ni Andy sa kaniyang kotse habang pinapasadahan ang windshield nito ng kaniyang makinis na palad, umaasa na wala itong madadaanan na manipis na lamat o kaya naman maski gasgas.


Nang masigurong walang natatagong lamat ang windshield ay parang batang niyakap ni Andy ang kaniyang kotse at hinahalikhalikan pa ito, masaya na walang nagawang damage ang bola sa kaniyang pinakaiingatang kotse. Nasa ganito siyang tagpo ng makarinig siya ng paghagikgik sa kaniyang likuran.


Agad na humarap si Andy sa taong ito at tila ba binalot siya ng inis. Mabilis niya itong sinugod at dinuro-duro ang matipuno nitong dibdib, sinusubukan na takutin si Dale pero ang ginawang ito ni Andy ay kumiliti lamang kay Dale na ikinatawa nito na lalo namang ikinainis ni Andy.


What we're you thinking?! Pano kung nabasag yung wind shield?! Pano kung nadisgrasya ako?!” singhal ni Andy habang dinudutdot parin ang dibdib ni Dale.


I was just being an idiot like you kanina sa bookstore.” nakangising saad ni Dale na ikinamula ng pisngi ni Andy, hindi alintana ang papalapit na papalapit na si Dale.


I could've been hurt. Seriously hurt.” balik ni Andy habang itinuturo ang kaniyang sasakyan upang maipahatid kay Dale ang kaniyang pinupunto habang halos magkadikit na ang mga dibdib nila.


I could've been in prison for destroying private property” taas kilay na saad ni Dale kay Andy na agad nakunsensya at namutla.


W-what?---” di makapaniwalang simula ni Andy pero hindi parin niya ibaba ang kaniyang depensa at muling nagmatigas. “---pero mali paring batuhin mo ang kotse ko ng basketball habang umaandar para lang makaganti ka!” singhal ni Andy kay Dale na lalo lang napahagikgik. Sa puntong ito ay magakadikit na talaga ang dibdib ng isa't isa, sinusubukang daanin sa sindak ang kanilang kasagutan.


Mali din na tumuntong ka sa isang shelf when you very well know na mahuna na ito at hindi na nun kaya ang weight mo, ayan tuloy muntik ka ng bumulagta sa sahig kung hindi pa kita sinalo.” nakangising balik ni Dale kay Andy na muling namutla ng maalala ang katangahan.


So sinusumbat mo na sakin yan? Sino bang may sabi sayo na saluhin mo ako, ano may utang na loob pa ako sayo?” mataray na balik ni Andy na lalo lang ikinangiti ni Dale.


Nope. Sinusumbat ko sayo ang pagsalo ko sayo at ang pagbato sakin ng sisi nung matumba yung shelf kahit pa alam mong katangahan mo naman kaya nangyari yun.” nakangiting saad ni Dale na ikinasagad na ni Andy.


Are you calling me stupid?! Eh ikaw nga itong basta na lang nambabato ng bola sa windshield?!” balik ni Andy.


Would you go out on a date with me?” nakangiting saad ni Dale sa parehong tono na parang nakikipagtalo parin siya. Huli na nang ma-absorb ni Andy ang biglaang tanong na iyon ni Dale.


Ikaw ang mas tanga--- wait. What?” naguguluhang tanong ni Andy kay Dale nang pumasok na sa kaniyang isip ang sinabi ng huli.


I said would you go out on a date with me?”


Napanganga na lang si Andy sa hindi inaasahang tanong na iyon sa kaniya ni Dale. Hindi makapaniwala na ilang segundo lang ang nakakaraan ay nagtatalo sila, ngayon naman ay inaaya na siya nito makipagdate.


Santong paspasan. Kung hindi parin ito effective, di ko na alam kung ano pang e-epek sa kumag na 'to.” bulong ni Dale sa sarili habang iniintay ang sagot ni Andy sa kaniyang biglaang tanong.


I-I w- What?!” naguguluhan paring sagot ni Andy na naglapat lang ng isang malaking ngiti sa mukha ni Dale.


Itutuloy...

Breaking Boundaries 2
[chapter 3]
by: Migs

Comments

  1. Whew! New story! Sorry, matagal nanaman nasundan. BUSY. As usual. Akala ko nga hindi na ako makakapag-update dahil sa schedule ko eh. Haist. Tuwing off ko lang ako nakakapagpost, minsan kaya hindi na talaga dahil buong araw na akong natutulog pag off ko.

    MJRE is my boyfriend po. Hihi! Wala eh, idinaan ako sa santong paspasan. :-P

    Let's pray nga po pala para sa ating mga kapatid na bisaya na sinalanta ng bagyo.

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Jasper Paulito: Thanks sa pambobola! At abangan natin kung tama ang iyong hinala.:-)

    Mhi mhiko: intayin po ang mga susunod na kabanata. Hihi! Salamat!

    ANDY: ikaw din, abangan ang susunod na kabanata! Kinumpleto ko ba ang araw mo? Ahahaha! At Oo! Sabi mo kasi last time parang gusto mo sayo ko naman ipangalan diba? :-) Salamat!

    Marc abellera: thanks din! Ngayon lang ata kita nakita dito sa aking blog? Salamat! Invite ka din ng friends mo na pwedeng mag-follow sa blog ko! :-)

    Vince Gen: san niyo po ba ito gagamitin?

    Christian Jayson Agero: Thanks! Hindi pa siguro hahadlang ang mga kapatid ngayon. Hihi.

    Russ: Yup, twist po iyan! :-)

    Anonymous October 27, 2013 at 11:04 PM: Salamat! Sana po sa susunod niyong comment palagyan po ng name, para mapasalamatan ko kayo ng maayos. Pa-follow narin po ng blog ko! Salamat! :-)

    therese: Yup, ibang tao po ang MJRE na iyan. Hihi. Salamat sa patuloy na pagsuporta at hindi po ako papaapekto sa stress nang hindi kayo na-a-update-an ng story.

    Gavi: opo short na po ang series na ito. :-)

    racs: you're welcome at thanks din!

    Allen RN: You're welcome at thanks din! :-)

    dilos: hindi po ako mawawala. Hihi!

    Jemyro: Thanks! :-)

    WaydeeJanYokio: Michael and Nolan are just supporting cast. Hihi! Andami na masyadong main cast eh. Sige mga 15 chaps. Haha!

    Lee: di ko na malagyan ng surname minsan ang mga cast eh. Hihi! Thanks! :-)

    Randzmesia: Salamat po sa masugid na pagsuporta at pagintay ng aking updates! :-)

    Vince Reyes: thanks for welcoming me back! :-)

    M: hmmm maki ang jepoy sequel? Haha!

    Gelo_08: hindi naman siguro aabutin ng ganun. Haha! Pero ang AAO 2 ay tumakbo for a year ah. Ngayon ko lang na-realize. :-l

    ichigoXD: mukhang matagal tagal pa ang Chasing pavements bago masundan. Hehe! Sad ako kapag chasing pavements ang sinusulat ko taliwas sa nararamdaman ko ngayon. Hihi! ;-)

    robert mendoza: edi pareho lang ang sasabihin ko. Abangan ang susunod na kabanata.

    AR: andami niyong nagsasabi na baka si Allen nga. Haha! At pumusta ka pa talaga! :-)

    Ryge Stan: ikaw din si Allen din ang bet mo? :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. nice kuya :)
    i'll keep on checking for the update ! iba ka talagga sa mgawriters na nabasa ko na ang story ..
    so coool :D

    keep safe and be loved :D

    ReplyDelete
  3. wahhh..ang saya nito...start na ng ligawan

    ReplyDelete
  4. love this chapter...nice move Dale.. Sana mapasagot mo si Andy..but knowing its a bet...darn.

    ReplyDelete
  5. wala bng surname? Inaayos ko pa naman ang pag'connect the dots.. Sana malagyan mo sila pag may time ka kuya migs.. Anyway,thanks sa update..:D

    Lee

    ReplyDelete
  6. Haha... Cool! May totoong lalaki kaya na ganyan? I want one... Hahaha... Galing ng story at palitan ng lines... Bravo mr. Author...

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. thank you talaga kuya migs sa pagname ng Andy sa bida. hihi! tapos ang ganda pa ng flow, ganda ng kwento. excited na ako sa part na mabubunyag na pustahan lang at madudurog ang puso ni andy, tapos mahal na siguro ni dale si andy sa time na yun.

    nabitin sa sobrang kilig sa last part.

    take your time kuya migs. susuportahan ka lagi namin.

    P.S. sana magka MJRE din ako. kasweet eh. haha

    ReplyDelete
  9. waaah, ang adik mo lng migs ha. he he he. nkakatuwa na nkakaikilig ang umpisa but then pag nagka alaman na pinagpustahan lng pala. jan na papasok ang matitinding eksena. hmmmmm.

    ReplyDelete
  10. I wish I could see the expression on Andy's face!!! mukhang priceless!

    ReplyDelete
  11. iba ka talaga migs.. hehee another master piece galing sayo..

    ur right lets all pray for visayas.. kudos migs

    ReplyDelete
  12. @jemyro: wish ko lang haha,

    Author Migs,

    hehe si love of your life :'')

    syempre no doubt, maybe or meron pang iba? hehe

    go lang author, sa late wag lang 1 month haha

    -aR

    ReplyDelete
  13. napasubo na talaga c dale sa pustahan...kawawang andy. tnx sa update migs

    randzmesia

    ReplyDelete
  14. Another good story to look forward to. Thank you for your wonderful stories Migs.
    -icy-

    ReplyDelete
  15. Kiligballs! ❤️❤️❤️
    -dilos

    ReplyDelete
  16. Haha as always haist kakakilig naman yung exsena na yan basta kilig much talaga. Hahaha parang di ako maka get over sa pag aya nia ng date at andian na mga ee may umuusbong na kakaibang fellings sa kanya. Haha pero si andy sana wag sia masaktan pag nalaman nia na pustahan at ego lang yung dahilan. Salamat sa update la ka talaga katulad hihi. :-) :-). Pero yunh chasing pavements kailan lalabas? Tsak dati nako yung marc din hihi gumawa nako accnt para ma follow kita. :-) :-)

    ReplyDelete
  17. Haha as always haist kakakilig naman yung exsena na yan basta kilig much talaga. Hahaha parang di ako maka get over sa pag aya nia ng date at andian na mga ee may umuusbong na kakaibang fellings sa kanya. Haha pero si andy sana wag sia masaktan pag nalaman nia na pustahan at ego lang yung dahilan. Salamat sa update la ka talaga katulad hihi. :-) :-). Pero yunh chasing pavements kailan lalabas? Tsak dati nako yung marc din hihi gumawa nako accnt para ma follow kita. :-) :-)

    ReplyDelete
  18. I still can't imagine how would you be able to put it all up in 8 chapters...but i must say, super enjoy tong story. :) thanks sir!

    - gavi

    ReplyDelete
  19. Kilig chapter! :D da best ka tlga kuya migs :3 thank you! :D

    ReplyDelete
  20. Galing talaga! Thank you po sa mga magandang stories! :)

    ReplyDelete
  21. wow new story!! Ngayon ko lang nakita. waaaa! Ayan di nanaman ako mapakali sa susunod na story. your stories are indeed superb :) waiting for the next one :) Love you author

    Ivan D.

    ReplyDelete
  22. knilig ako sa would you go out on a date with me.. lol

    ReplyDelete
  23. Haha..ewan ko migs pero sobrang nakakakilig talaga ha. Simula nung sa coffee shop hanggang ngayon may hangover pa din ako ng kilig

    iba pala yang si mjre. Im happy that you are happy migs. Ok lang bang itanong kung kamusta na si jp??

    di ko alam pero masaya ako na namention mo na mukhang madudugtungan ang chasing pavements kahit gano pa ka insensitive ang dating sayo kasi nga mahirap nga namang alalahanin yung mga panget at malulungkot na pangyayari na yun tapos gustong gusto pa naming isulat mo.

    Well anyways highways ingat lagi migs at excited na ako sa kasunod :)

    -therese llama

    ReplyDelete
  24. ~Waah! Tenkyu kuya pramis yan ah 15 chaps! Haha

    ~wala na! Lagot to pagnalaman ni andy! Tapos hndi na basta bet ito para kay dale. Totoo na pala ung nararamdaman nya.

    ~sorry kuya ngaun lang nakapag coment. Wala panga ditong kuryente sa aklan eh, mga 1month padaw. :(

    ~new boyfriend. I chasing pavements 6 na yan. Skip na sa 5 haha jk. :P

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete

  25. wow at last nakabalik ako dito. Kala ko kasi wala na. Salamat migz. Swerte ni andy kasi may andy na sa blog nato may andy pa kay zildian.

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  26. Yup si allen ang bet ko migz hehehe. so friend mo pala si Zake I mean si Ezekiel? To bad he is one of the victims of Yolanda and according to his last post it would be a while before he can post new updates bcoz he needs to find a new work and buy a new laptop daw. Kay ung mga readers po ni zake please try to understand na hinid madali ang kaniyang pinagdadaanan.

    Back to the story hehehe kakakilig naman tong chapter, can't wait to read the next chapter hehehe.

    Have a great day migs and keep safe always.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]