Strangers (short story)

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Strangers
(Short story)
By Migs


            Dahan dahang iminulat ni Dylan ang kaniyang mga mata. Sinalubong ang mga ito ng madilim na paligid, tanging ilaw mula sa poste sa labas ng inuupahang apartment ang pinagmumulan ng malabong ilaw. Nakapaling siya sa kaniyang kanan kaya naman madali niyang naitinuon ang kaniyang tingin sa digital clock sa bedside table.


“2:00am” ang sabi sa kaniyang orasan.


Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nagtayuan ang mga balahibo sa kaniyang braso at biglang namigat ang kaniyang dibdib. Hindi niya rin magawang magpalit ng pusisyon sa pagkakahiga. Hindi siya binabangungot at sigurado siya doon sapagkat nagagawa niyang marahang igalaw ang kaniyang paa.


“Shhh!”


            Lalong hindi nakagalaw sa kaniyang pagkakahiga si Dylan.


            Lalong namigat ang kaniyang dibdib.


Sigurado si Dylan na tunog iyon ng ahas. Isang ahas na ialng sandal lang ay maaari ng manuklaw. Sunod niyang naramdaman ay ang paglundo ng bahagi ng kama sa kaniyang likuran na tila ba may mabigat na kung ano ang humiga doon.

<--more>      
            Pinilit ni Dylan na ipikit muli ang kaniyang mga mata at magpanggap na isa na lamang bangkay, umaasa na hindi na tunay ngang hindi na siya magigising pa. Dumadalas ang malikot na paggalaw sa kaniyang likuran pero hindi niya magawang pumaling ng higa sa direksyon na iyon.


“Dylan!”


            Dahan-dahang ibinaling ni Dylan ang kaniyang tingin sa kaniyang kaliwa. Bigla siyang napangiti ng malaki nang makita niya ang papalapit na nobyong si James. Nang maabutan siya nito ay agad nitong nilapit ang makinis na mukha sa kaniyang mukha.


“Happy Anniversary.” Bulong nito na lalo niyang ikinangiti.


“2:05am”


            Ang saad sa digital clock na nakapatong sa kaniyang bedside table. Nawala ang kaniyang isip sa pagbabaliktanaw ng makarinig siyang muli ng ingay sa kaniyang likuran. Hindi niya parin magawang ibaling doon ang kaniyang pansin dahil tila lalong bumibigat ang kaniyang dibdib. Ngayon ay tila ba unti-unting pinupunit ang kaniyang puso na nagdulot din na mangilid ang kaniyang mga luha.


            Malabo man at madilim ang paligid ay bumaling naman ang kaniyang tingin sa litrato sa tabi ng kaniyang digital clock. Doon ay umagos na ang kanina lang ay mga nangingilid na luha. Tampok sa litratong iyon ang kaniyang nobyong si James, kayumanggi, mas mataas sa kaniya ng ilang pulgada na may matikas na katawan na siyang nagdudulot sa kung ano mang damit ang suotin nito na bumagay sa kaniya.


            Nakapulupot ang mga mala troso nitong mga braso sa kaniyang katawan.


            Masaya sila sa litratong iyon.


“Ayoko nahihiya ako!” singhal ni Dylan sa kaniyang nobyong si James ngunit hindi naman ito nagpatinag sa gustong mangyari na kapareha.


“Hindi. Magpipicture tayo.” Mariing saad ni James na ikinatigil naman ni Dylan sa kaniyang pagkontra sa nais mangyari ng nauna.


            Kalmado ito pero puno ng awtoridad. Isang katangian ni James na gustong gusto ni Dylan kaya naman hindi narin siya nagmatigas pa sa nais mangyari ni James. At ang litratong iyon ay umupo na sa tabi ng digital clock sa kaniyang bedside table sa loob ng limang taon.


“Shhh!” mahina pero marahan paring saad ng nagdudulot ng paglundoy sa parte ng kama sa kaniyang likuran. Sa ngayon ay tuloy tuloy na ang pagagos ng kaniyang mga luha. Alam ni Dylan na basang basa na ang kaniyang unan pero hindi parin siya makagalaw.


            Tila itinutulak ng tadhana na huwag malaman ng nagdudulot ng ingay sa likuran ni Dyan na gising ito dahil mi ultimo paghikbi nito ay walang tunog.


“Tama na please. Tama na.” Pagmamakaawa ni Dylan sa kaniyang sarili.


“I love you Dylan!” sigaw ni James sa lobby ng kaniyang pinapasukang kumpaniya nang minsang magtampo siya dito.


            Iginala ni Dylan ang kaniyang tingin. Sa paligid niya ay ang kaniyang mga katrabaho. Kitang kita niya kung pano manghinayang ang mga kasamahang babae nang malamang may ‘nobyo’ ang estrangherong gwapong lalaki na nakatayo sa kanilang lobby. Kitang kita niya ang inggit sa kaniyang mga kasamahan na kasapi ng LGBT gayon din ang pagkamangha ng kaniyang kaibigang si Allen.


            Ilang beses na niyang ikinikwento kay Allen ang tungkol sa kaniyang nobyo pero hindi ito naniniwala. Hindi ito naniniwala na may lalaking tulad ni James na loyal. Hindi ito naniniwala sapagkat para sa kaniya ay isa lamang ordinaryong tao ang kaniyang kaibigang si Dylan hindi nababagay para sa isang tulad ni James na hindi malayong ino-offer-an narin ng kontrata ng mga modeling agencies.


“James---” nangingiti-ngiting saway ni Dylan sa kaniyang nobyo.


“What?!” humahagikgik na saad ni James lalo pa nang hampasin ni Dylan ang matipuno nitong dibdib.

“Napakaeskandaloso mo.”


“Kinilig ka naman.” Nakangising saad ni James na nakapagpalambot sa binti ni Dylan.


“Pero naiinis parin ako sayo.”


“Opo. Promise po hindi na po ako magiinom at uuwi na po ako lagi ng maaga.”


“Ehem.” Pagpapapansin ni Allen. Agad na ibinaling ng magkasintahan ang kanilang pansin sa lalaking nakatayo malapit sa kanila.


“Ay oo nga pala. Allen ito nga pala si James, boyfriend ko. James, ito naman si Allen. Katrabaho ko.”


            Agad na inabot ng dalawa ang kanilang mga kamay upang makipag shake hands.


“So ikaw pala ang laging ikinukwento ni Dylan sa amin.” Nakangiting saad ni Allen na ikinamula ng pisngi ni Dylan.


“Yup. Ako yung gwapong boyfriend na ikinukwento niya.” Mapreskong saad ni James.


“Yabang mo.” Saad ni Dylan sabay hampas sa matipunong dibdib ni James.


            Hindi alintana ang matagal na pagkakahawak ng kamay ni Allen sa kamay ni James.


            Hindi parin tumitigil ang pagagos ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Ang impit na mga ungol at salpukan ng mga katawan ang siyang patunay sa matagal na niyang hinala.


May ilang buwan na ang nakakaraan nang mapansin niya na may kakaibang kinikilos si James. Madalas na itong late kung umuwi at laging nakababad sa laptop. Pero ikinibit balikat lamang ito ni Dylan dahil kilala niya ang kaniyang nobyo na likas na masipag.


            At ganun din ang kaniyang kaibigang si Allen. Isang araw ay nagkwento ito na nakasalubong daw nito si James at simula noon ay araw araw narin kung kamustahin ni Allen ang kaniyang nobyo o kaya naman ay kinakamusta nito ang relasyon nilang dalawa ni James.


“Basta tuloy ang overnight sainyo ah!” pagpupumilit at pagkukumpirma ni Allen isang araw bago ang birthday ni Dylan.


“Oo nga!” nakukulitang sagot ni Dylan.


“Sure ako bongga ang ihahanda ni James---” Saad muli ni Allen. Hindi na naabsorb pa ni Dylan ang mga sunod na sinabi ni Allen sapagkat biglang sumama ang kaniyang pakiramdam.


            Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ni Dylan. Alam niyang wala ng pakielam si James sa kaniyang likuran kung mapalakas man ang kaniyang hikbi dahil alam niyang lunod na lunod na ito sa kamunduhang ginagawa nila ni Allen sa kaniya mismong tabi. Alam niyang dalang dala na ito sa thrill nab aka mahuli ang kanilang pagtataksil.


            Ngayon ay alam na ni Dylan kung bakit tila ba sinasabi ng kaniyang puso na mali pa na ituloy ang overnight party na iyon pero agad ding napagtanto ni Dylan na maaaring noon pa may namamagitan sa dalawa at maaaring iyon na nga ang pagkakataon na malaman niya ang pagtataksil ng mga ito.


            At hindi nga nagtagal ay kapwa na narrating ng dalawa ang rurok ng kanilang kamunduhan. Impit man ang ungol na kanilang ginawa ay rinig na rinig parin ito ni Dylan. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang marahang pagaang ng pagkakalundo ng kutyon sa parte ng kama ni James.


            Narinig niya ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanilang kwarto, indikasyon na lumabas na ang ahas.


            Naramdaman niya din na bumangon si James. Nagintay ng ilang pagminuto si Dylan, habang basa pa ng luha ang pisngi ay sinundan na nito ang dalawang taksil, inawang niya ang pinto ng kanilang kwarto at doon narinig niya ang tahimik na pagtatalo ng dalawa.


“Sira ulo ka ba talaga Allen?”


“Sus! Nasarapan ka naman eh! Ramdam ko yung pagpasok niyang junjun mo sap wet ko. Mas matigas siya kesa kapag tayo lang dalawa sa loob ng motel.”


“Gago ka!” natatawang saad ni James.


“Saka hindi magigising yan si Dylan hindi malakas maginom yan eh kanina parang nakarami siya kaya sure ako na knock out yan hanggang mamayang hapon.”


            Matagal na hindi sumagot si James.


“Allen---” simula ni James. Wala na ang paglalandi sa tono nito.


“Alam ko James. Mahal mo si Dylan at hindi mo na siya kayang lokohin pa. hindi naman nababawasan yung pagmamahal mo sa kaniya eh. Sex lang naman ‘to.” Saad ni Allen pero maski si James ay hindi kumbinsido sa sinabi nito o maski mismong si Allen ay hindi kumbinsido sa kaniyang sariling sinabi.


            Matagal silang natahimik.


“Basta nasasarapan tayo, OK na ako dun.” Birong basag ni Allen sa katahimikan.


“Gago.” Saad ni James pero hindi nito kinontra pa ang gusto ni Allen na ituloy kung ano man ang namamagitan sa kanila.


            Doon muling napahikbi si Dylan na hindi na nakaligtas sa dalawang taksil. Napagtanto din ni Dylan na napalakas ang kaniyang paghikbi kaya naman agad siyang bumalik sa pagkakahiga. Hindi nga nagtagal ay naramdaman niyang gumalaw muli ang parte ng kama ni James. Kahit pa nakapikit ay ramdam ni Dylan na inaaninag ni James ang kaniyang mukha kung gising ba siya o hindi sa kabila ng dilim ng kanilang kwarto.


            Naramdaman niyang lumapat ang malalambot na labi ni James sa kaniyang pisngi na lubos niyang ikinagalit sapagkat alam niyang ang mga labing iyon ay kanina lamang na nakalapat sa mga labi ni Allen. Naramdaman niyang natigilan si James. Alam niya kung bakit. Dahil kahit mismo sa puntong iyon ay basang basa parin ang kaniyang pisngi dahil tuloy tuloy parin ang pagagos ng kaniyang luha.


            Agad na humiga si James. Ilang oras pa ang nakalipas ay hindi parin siya makatulog dahil alam niyang alam na ni Dylan ang kaniyang pagtataksil dahil alam niyang luha ang nilapatan ng kaniyang mga labi nang halikan niya ito sa pisngi ngunit dahil narin sa alak ay mabilis din siyang dinalaw ng antok kahit pa madami ang nilalaman ng kaniyang isip ngayon.


000ooo000


            Tanghali na nang imulat ni James ang kaniyang mga mata. Wala na si Dylan sa kaniyang tabi. Humikab siya at nagunat tulad ng nakasanayan. Ngunit nang sumagi na sa kaniyang isip ang nangyari may ilang oras lang ang nakakaraan ay agad siyang napabalikwas. Kinabahan siya nang makita niyang halos lahat ng mahahalagang gamit at damit ni Dylan ay wala na sa kanilang kwarto.


            Mabilis siyang lumabas ng kwarto, umaasa na maaabutan niya pa ang nobyo upang ayusin ang gusot na kaniyang ginawa ngunit isang maliit na papel lamang na nakapatong sa kanilang lamesa ang kaniyang naabutan.


            Isang salita lamang ang nakasulat sa papel. At simple man ay lubhang nakakapanakit ang salitang iyon.


“Goodbye.”


            Narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan natulog si Allen.


“Hi pogi.” Bati nito ng tahimik. Nagiingat na baka marinig sila ni Dylan, hindi alintana na wala na ito at tuluyan ng umalis sa kanilang buhay. Nang makita ni Allen ang nakasulat sa papel at ang namumutla at umiiyak na si James ay agad namigat ang kaniyang loob at nangilid narin ang kaniyang luha. Unti unti na siyang kinakain ng kaniyang konsensya at unti unti na siyang nagsisisi sa kaniyang nagawa sa kaibigan.


000ooo000


            Ilang taon ang nakalipas at muling nakasalubong si Dylan at James sa loob ng isang mall. Kapwa sila walang kasama. Alam ni James na nakita siya ni Dylan ngunit iniwas nito agad ang kaniyang tingin at mabilis na naglakad palayo. Hinabol niya ito. Nais niyang kahit papaano sana ay humingi ng tawad dito. Mahal niya parin ito pero alam niyang maaaring wala ng nararamdaman para sa kaniya ang dating kasintahan at hindi niya ito masisisi kung ganoon nga pero sana man lang ay makahingi siya ng tawad dito at mapatawad siya nito.


            Nang makarating sila sa bungad ng mall ay doon lang nila pareho napagtanto na malakas ang ulan sa labas. Napatigil saglit si James dahil alam niyang hindi makakatakas sa kaniya si Dylan at sa wakas ay makakausap at makakahingi siya dito ng tawad. Ngunit nagkamali siya dahil tila hindi alintana ni Dylan ang lakas ng ulan dahil dare-darecho itong lumabas ng mall at naglakad patungo kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.


            Muling binilisan ni James ang kaniyang lakad at hindi nagtagal ay naabutan niya si Dylan. Agad niyang hinablot ang kamay nito at pinigilan na makalayo sa kaniya ngunit nagpumiglas ito at wala na lang siyang nagawa kundi ang yakapin ito mula sa likod.


“I’m sorry Dylan. I’m so so sorry.” Umiiyak na saad ni James.


            Hindi parin kumibo si Dylan.


“Pare hinahassle ka ba nito?! Gusto mo ireport ko sa guard?” singhal ng isang lalaki na nakasakay sa kotse inaakalang ginagawan ng hindi maganda ni James si Dylan.


“Hindi pare. Salamat na lang sa concern---” Saad ni Dylan sabay kawala sa bisig ni James at harap dito.


“Hindi ko ‘to kilala---” saad ni Dylan habang nakatingin ng derecho sa mata ni James. Walang emosyon na maaaninag sa mukha ni Dylan na tila ba hindi nga niya talaga kilala si James na labis na ikinabigat ng loob ni James. Hindi makapaniwala na ganoon ganoon na lang siya makakalimutan ni Dylan na nobyo niya ng ilang taon.


            Ngunit sa ginawa niyang kasalanan dito ay wala siyang karapatang magreklamo.


“I’m sure napagkamalan niya lang akong kung sino.” Pagtatapos ni Dylan na siyang tila ba sumaksak sa puso ni James dahil sa sakit na nararamdaman.


“Aok pero aabisuhan ko parin ang guard just in case.” Saad muli ng lalaki.


“Salamat pare.” Saad ni Dylan habang blangko paring nakatingin ng derecho sa mata ni James.


            At nang nakaalis na ang lalaki at nakalayo na ang sasakyan nito ay agad ding tumalikod si Dylan. Tila walang James na nakatayo doon malapit sa kaniya na humihingi ng tawad at tumatangis.


“I’m sorry” bulong ni James habang tumatalikod at naglakad pabalik sa kaniyang sariling sasakyan.


            Ang bulong na iyon, sa kabila ng ingay na dulot ng ulan ay tila sigaw sa tainga ni Dylan. At aminin man niya o hindi ay nakaramdam din siya ng kirot sa kaniyang puso dahil sa bawat hakbang na ginagawa nilang dalawa papalayo sa isa’t isa ay ang hakbang din sa pagtanggap na ganap na silang estranghero para sa isa’t isa.



-wakas-

Comments

  1. Hi guys sorry sa long hiatus. my laptop crashed again and i have to buy a new one. unfortunately i have to re write all the stories na di ko pa napa publish. medyo limot ko na yung takbo ng story nung iba kaya tiis muna tayo sa mga short stories. Sana may magbasa parin nito at sana may magcomment parin. I love you all!

    ReplyDelete
  2. You're back!!!!!!! My gosh hahahahaha i miss you po kuya migz!!!!

    ReplyDelete
  3. I miss you kuya migz!!! Sana mag sulat ka na po ng tuloy tuloy lagi akong naka check sa blogsite mo eh :(

    ReplyDelete
  4. I'm so glad your back!!!! Can't wait to read the continuation of ur stories...

    Makoy

    ReplyDelete
  5. Grabe College pa ko nung huling nagbasa ako dito.. support lang kita sir Migs! Pinagkakalat ko pa to sa office namin hahaha yung mga babae kong officemates tuwang-tuwa hahahaha Keep up the Good work! Wag ka sanang tatamarin please haha

    ReplyDelete
  6. Glad you're back, Migs! ❤💛💚💙💜

    ReplyDelete
  7. Namimiss ko na gawa mo. Sir. :(

    ReplyDelete
  8. Hi Miguel, kilala mo paba ako? Anyway, its nice to know na gumagawa ka uli ng story. Napamura ako at nagising si partner, nagtanong at pinabasa ko sa kanya to. In a way nakarelate kami. Holt that magtuloy tuloy kana gumawa uli ng stories (",)

    Josh85(",)

    ReplyDelete
  9. Paulit ulit ko paring binabasa ang mga stories dito hanggang ngayon..

    ReplyDelete
  10. Natapos na ko magbasa Migs.. nakakalungkot at naka attach na ko.. sana makita kita someday.. just curious though.. hindi na nagana email mo.. so sad..

    smartiescute28@yahoo.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]