Against All Odds 3[13]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Tahimik na pinapanood ni Jase si Rob na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Napakapayapa ng mukha nito, tila ba mas lalo pang umamo ang mukha nito ngayon habang tulog ito kesa sa tuwing gising ito, tila rin ba hindi ito napagod sa pinuntahan at sandamakmak na ginawa nila kahapon. Hindi mapigilan ni Jase ang abutin ang makinis na mukha ni Rob lalo na ang i-trace ang mapupulang labi nito, napangiti si Jase nang maalala niya pagnguso ni Rob kagabi matapos silang manood ng hot air balloon display.


“I want to play at the fair.”

“Anong game?” nakangiting tanong ni Jase sa parang batang excited na excited na si Rob.


“Yung may ibabatong bola sa magkakapatong na bote tapos mga stuffed toys yung mga premyo.”


“Sus. Kung gusto mong lang ng stuffed toy ibibili na lang kita.” wala sa sariling saad ni Jase, hindi niya naramdamang napatigil na sa paglalakad si Rob at naiwan na niya ito. Nang mapansin niyang wala na ito sa kaniyang tabi ay agad siyang tumalikod at nagtatakang tinignan si Rob na magkadikit ang kilay at nakanguso.


“Rob, what are you doing?” pigil ngiting tanong ni Jase kay Rob sabay hila dito.


“There is no fun in just buying the stuffed toy. Besides, gusto kong makita yung gulat sa mukha mo kapag natalo kita at kapag naibigay ko na sayo yung stuffed toy. Gusto mo tig isa pa tayo eh.” mayabang na saad Rob kay Jase na hindi na napigilan pa ang sarili kung hindi ang mapatawa ng malakas lalo pa nang makita niyang tila ba lalo pang humahaba ang nguso nito.


“O siya tara na.” humahagikgik paring saad ni Jase sabay akbay dito, naramdaman niya ang marahang pagsiko ni Rob sa kaniyang tagiliran pero kasabay noon ay narinig niya din ang mahina nitong paghagikgik.


“Saka di sweet kung bibilhin mo lang yung stuffed toy.” bulong ni Rob sabay tingin kay Jase. Napabuntong hininga siya nang makita niyang sa iba nakatingin si Jase at mukhang hindi nito narinig ang kaniyang sinabi. Pero narinig ito ni Jase at umarte na lang na hindi niya narinig ang binulong na iyon ni Rob dahil ayaw niyang malaman ni Rob na nako-korny-han siya sa sinabi nito kahit pa pareho silang naniniwala na hindi nga iyon sweet kung bibilhin niya lamang ang stuffed toy.


Pigil na pigil siya sa pagtawa nang isa na lang ang natira sa orihinal na siyam na bola para sa larong iyon at isang bote pa lang ang napapataob ni Rob. Nakasimangot na ito at nanggigigil na nang ibinato na ni Rob ang bola ay biglang may nagsigawan sa kabilang booth na gumulat dito kaya naman may isang dipa mula sa mga bote ang layo ng kinabagsakan ng bola.


“No fair! Oy! Ang iingay niyo ah di ko tuloy natamaan yung mga bote!” sigaw ni Rob sa mga nagkakasiyahang mga kabataan sa kabilang booth na nanalo sa kanilang nilalaro, agad na nagsitigil sa pagdiriwang ang mga ito. Hindi na napigilan ni Jase ang mapatawa, narinig ito ni Rob na lalong sumimangot.


“Boss, isang round nga.” tawag pansin ni Jase sa nagpapasinaya ng booth na pinaglalaruan nila Rob. Lalong sumimangot si Rob, itiniklop ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib at pinigilan ang sarili na panoodin si Jase.


            Nagulat si Rob nang biglang may bumulagang stuffed toy sa kaniyang harapan. Lalo siyang sumimangot at galit na hinatak ang stuffed toy mula kay Jase at mabilis na naglakad palayo.


“It’s not even cute.” nagmumukmok na saad ni Rob habang pinipigilan ang sarili na matuwa sa laruang korteng elepante na kaniyang hawak hawak. Nagkibit balikat na lamang si Jase at nagpatuloy na lang sa paglalakad sa tabi ni Rob.


“It’s sweet though.”


            At doon sa sinabing iyon ni Jase nawala ang pagsimangot ni Rob at pilit pinigilan ang pagngiti.


            Napailing si Jase nang maalala niya ang nangyaring iyon at napahagikgik nang makita niya na sa ulunan ni Rob ay ang elepanteng stuffed toy na kaniyang napalanunan. Ito kasi ang yakap ni Rob habang numanakaw ito ng tulog habang nasa mahabang byahe sila, ito rin ang hinanap ni Rob matapos nilang pagsaluhan ang gabing iyon at ito rin ang yakap ng huli habang yakap yakap siya ni Jase mula sa likod nang matulog na sila.


            Saglit na nagising si Jase sa kaniyang pagalala sa mga nangyari noong nakaraang gabi nang gumalaw si Rob ng bahagya, iniintay ni Jase na imulat ni Rob ang magaganda nitong mata pero mas lalo pang inginudngud ni Rob ang kaniyang mukha sa unan, hindi na tuloy malayang natititigan ni Jase ang maamong mukha ni Rob pero hindi parin nito naging dahilan upang umalis na sa pagkakasalampak din sa kamang iyon si Jase sapagkat ang malambot at makapal na buhok naman ni Rob ang pinaginitan nito.


“I think rolling down the windows is better.” saad ni Rob nang tapunan siya ng nagtatakang tingin ni Jase matapos nitong basta na lang ibaba ang bintana ng sasakyan niya.


“Ah, akala ko nasusuka ka.” natatawang saad ni Jase sabay itinuon ulit ang tingin sa kalsada sa kaniyang harapan.


“Wala lang. Ang fresh kasi nung hangin saka ang sarap kapag tumatama sa mukha---” nakangiting saad ni Rob habang nakapikit na tila mo ba ninanamnam nga ang sarap ng sariwang hangin.


“It’s polluted air, Rob. Nasa NLEX ka kaya.” humahagikgik na saad ni Jase.


“Tse! Lagi mo na lang akong kinokontra ngayong araw na’to!” natatawang saad ni Rob sabay marahang sinuntok ang malaking braso ni Jase na lalong ikinahagikgik ni Jase.


“Still. This is way too different from city air.” nakangiting saad ni Rob sabay buntong hininga.


            Saglit na itinuon ni Jase ang kaniyang tingin kay Rob. Muli siyang namangha sa napakaamong mukha ni Rob, ang mapupula nitong labi na may ngiti ng pagiging kuntento, ang makinis nitong balat, ang mahahabang pilik mata, ang matangos nitong ilong, ang makapal na kilay at makapal ding buhok na sumusunod sa ihip ng hangin.


“Eyes on the road. I know I’m too gorgeous to stare at.” nangingiting saad ni Rob, ibinalik ni Jase ang kaniyang tingin sa daan at pilit na itinatago kay Rob ang namumula niyang pisngi.


            Napahagikgik muli si Jase sa naalalang iyon tumigil lang siya nang maramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Rob sa kaniyang katawan. Hindi niya mapigilang maisip kung pano niya nagugustuhan ang pagdikit ng balat ni Rob sa kaniyang balat.


            Miya’t miyang tinitignan ni Jase si Rob na tahimik na natutulog sa kaniyang passenger seat habang nagmamaneho siya pauwi ng Maynila. Nakayakap parin siya sa laruang elepante na talaga namang laging nakakapagpatatak ng ngiti sa kaniyang mga labi. Nakatagilid ito at nakaharap sa kaniya, iniisip niya na dahil siguro sa haba ng byahe kaya ito papalit palit ng pwesto.


            Ngunit kahit pa nawiwili siya sa pagsasama nila ni Rob sa loob ng sasakyan na iyon ay hindi rin maikakaila ni Jase ang kaniyang pagod. Saglit niyang pinisil ang bahagi ng kaniyang ilong sa pagitan ng kaniyang mga mata at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, pero hindi ito ang nakapagpagising sa kaniyang kundi ang pagpulupot ng kamay ni Rob sa kaniyang makapal na kanang braso.


            Tinapunan niya ito ng maikling tingin at nakita niya na nakapikit parin ito pero masuyo ding nakangiti, walang duda na gusto rin ni Rob ang pagdidikit ng kanilang mga balat.


“Eyes on the road.” mahina at mapaglarong saad ni Rob na nakapagpahagikgik kay Jase.


“Yes gorgeous.” balik ni Jase sabay itinuon ulit ang tingin sa kalsada, hindi niya napansin ang biglaang pagmulat ng mga mata ni Rob dahil sa sinabi niyang ito pati narin ang pamumula ng pisngi nito. Walang duda na kinilig.


            Pero ang alaala ng nagdaang gabi na pinakatumatak sa kaniyang isip ay ang tinanong ni Rob sa kaniya habang nanunood sila ng hot air balloon. Muling gumalaw si Rob at ngayon ay muli ng napapanood ni Jase ang maamo nitong mukha. Muli siyang napangiti nang maalala niya ang reaksyon sa mukha ni Rob nung may ipnagtapat ito sa kaniya.


“I think I’m in love with you--- is—is t-that OK?”


            Hindi niya alam kung yayakapin niya ban g mahigpit si Rob upang mabura ang hiya at pagaalangan sa mukha nito o hahalikan niya ito sa labi upang maiparamdam niya dito na OK lang sa kaniya ang ipinagtapat nito sa kaniya pero hindi siya makagalaw, tila may sumumpa sa kaniya upang hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kalamnan, hindi niya alam kung dahil ba ito sa gulat o sa ibang bagay pa na sa puntong iyon ay hindi niya parin maintindihan.


“I-I mean. I- I know---uhmmm” simula ni Rob sabay iniwas ang kaniyang tingin mula sa mapanuring mga mata ni Jase. “I know it’s still too early for you and it’s OK if—if you don’t feel the same or if you’re not going to feel the same ever---” pagpapatuloy ni Rob sabay iling at kinakabahang tumawa, natatakot na baka sumangayon sa sinabi niyang iyon si Jase na nakatitig parin sa kaniya.


“I mean it’s going to be embarrassing but it’s OK if you don’t, I mean--- pssshhh--- as if I haven’t been rejected before but yeah it’s OK---”


“Rob---” tawag pansin ni Jase nang marealize niyang nakakapagsalita ulit siya.


“It sucks though--- but I can’t force you can’t I---”


“ROB!” singhal ni Jase na nakapagpatigil kay Rob sa pagsasabi ng kung ano ano.


“It’s OK.” saad ni Jase sabay tingin ng mariin sa mga nagaalangan at natatakot na mga mata ni Rob.


“It’s OK.” bulong ulit ni Jase na siyang nakapagpakalma kay Rob at nagtulak pa nga dito na magbuntong hininga.


            Muling ibinalik ni Rob ang ngiti sa kaniyang mukha kahit pa may pagaalangan paring nakahalo sa ngiting iyon pero para kay Rob ay OK na ang sinabi ni Jase na OK lang dito ang kaniyang ipinagtapat. Biglang binalot ng pagaalangan ang panonood ng dalawa ng hot air balloon display pero si Rob, bilang si Rob na magaling sa pakikipagkapwa tao ay pilit binura ang pagaalinlangan na iyon sa pagitan nilang dalawa.


“I want to play at the fair.”


            Ngunit nang makarating ang dalawa sa harapan ng bahay ni Rob ay muling binalot ng pagaalangan ang mga ito, ngayon dahil sa pagod at dahil sa hindi narin alam ni Rob kung paano babawi sa hindi malamang biglaang pagkakaroon ng pagaalangan sa pagitan nilang dalawa. Magkaharap silang dalawa sa labas ng pinto ng bahay ni Rob, walang mga salitang nababanggit sa pagitan nilang dalawa pero wala ding gustong gumalaw at nang hindi na matiis pa ni Rob ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay siya na mismo ang bumasag nito.


“Nagenjoy ako.” nakangiti pero nagaalangan paring saad ni Rob na tila naman gumulat pa kay Jase ngunit hindi nagsalita ang huli, bagkos ay tumango na lang.


“Pasok na ako, Jase. Ingat ka pauwi. See you tomorrow?” saad ni Rob sabay sinundan agad ng tanong na siyang pinagsisihan agad ni Rob kung bakit pa niya pinakawalan dahil para sa kaniya ay lalo nanaman siyang nagmukhang desperado.


            Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Rob at tumalikod na upang pumasok sa loob ng kaniyang bahay, isasara na sana ni Rob ang pinto sa kaniyang likuran nang bigla itong bumigat na tila ba may humarang dito para hindi magsara. Mabilis na hinarap ni Rob ang kaniyang pinto at nagulat nang biglang itulak ni Jase ang pinto upang bumukas ito.


            Mabilis siyang isinandal ni Jase sa pader malapit sa kaniyang pinto at hinalikan ng mariin, mapusok at puno ng emosyon. Naghiwalay lamang ang kanilang mga labi nang kinailangan na nilang huminga pero hindi parin umalis si Jase sa pagkakadagan kay Rob sa pader at hindi niya parin inaalis ang pagkakadikit ng kanilang mga noo.


“It’s not just OK.” bulong ni Jase, ipinako ni Rob ang tingin niya sa mga mapupulang labi ni Jase.


            Kitang kita ni Jase na naguluhan si Rob sa kaniyang sinabi na ito kaya agad niyang sinundan ang kaniyang naunang sinabi at nilinaw.


“Yung tanong mo sakin kanina about kung OK lang na na-i-in love ka na sakin?” simula ni Jase, agad na nakapagparealize kay Rob ng ibig nitong sabihin. “---tapos ang sagot ko sayo It’s OK---diba?” habol tanong ni Jase na hindi naman sinagot ni Rob.


“It’s not OK.” saad ni Jase na umubos sa kulay ni Rob. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ni Rob at nagsisimula nang mangilid ang mga luha niya hindi ito nakaligtas kay Jase, agad niyang inabot ang mga mata ni Rob at pinahiran ang mga luha nito bago pa tumulo ang mga ito.


“I mean---I think--- I’m in love with you too.”

            Nanlaki ang mga magagandang mata ni Rob sa sinabing ito ni Jase. Hindi niya inaasahan na mali pala ang kaniyang iniisip. Na taliwas pala sa sakit ang kaniyang mararamdaman. Walang paglagyan ang saya sa kaniyang puso.

            Muling nagsalubong ang mga labi nila Rob at Jase.


“I love you.” bulong ni Jase habang patuloy siya sa panonood ng natutulog nitong mukha. Tila naman narinig ni Rob ang bulong na iyon ni Jase sa kaniyang panaginip at nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga, naramdaman din ni Jase ang lalong paghigpit ng yakap ni Rob sa kaniyang bewang.

000ooo000

            Hindi napansin ni Jase na muli siyang nakatulog habang pinapanood niya sa pagtulog si Rob, naisip niya pa na kaya siguro siya nagising ngayon ay dahil wala na ang mahigpit na pagkakayakap ni Rob sa kaniyang bewang. Sinanay niya ang kaniyang mga mata sa liwanag ng paligid, nang masanay na ang kaniyang mga mata ay agad niya itong inilibot, dumapo ang kaniyang mata sa isang malaking orasan, maga-alas siyete pa lang ng umaga. Inilibot niya muli ang kaniyang mga mata at doon saka niya napansin na natutulog paring si Rob sa kaniyang tabi pero nakapaling na lang ito palayo sa kaniya.


“Tulog mantika.” Bulong ni Jase sa sarili habang inaabot niya ang telepono nito at isinet ang alarm ng alas otso upang hindi ito mahuli sa trabaho.


            Nang masiguro na nai-set na niya ng maayos ang alarm sa telepono ni Rob ay nakangiti na siyang tumayo at nagunat-unat, isa-isa niyang tahimik na hinagilap ang kaniyang mga gamit at damit at sinuot ito sa kaniyang sarili at nang makapagbihis na ay saglit niya muling tinignan ang tulog paring si Rob. Muling napangiti si Jase.


            Naglakad si Jase papalapit sa lamesa na malapit sa kama ni Rob, doon nakita niya ang isang maliit na papel at hindi kalayuan dito ang isang ballpen. Nakangiti siyang nagsulat sa maliit na papel na iyon.

R,
Last night was great.
           
                        J.

            Iniisip na muli naman silang maguusap sa text o personal kaya hindi na nagbigay pa ng masyadong effort si Jase sa liham na iyon, para sa kaniya ay sapat na yung nasabi niya sa maikling sulat na iyon ang kaniyang nararamdaman. Tahimik siyang naglakad palapit sa pinto ng kwarto ni Rob at bago pa man siya lumabas ng kwarto ay muli niyang tinapunan ng tingin ang tulog paring lalaki na siyang nakakapagpatibok sa kaniyang puso.


“I love you.” bulong ni Jase. Pagkasabing pagkasabi niya nito ay inisip pa ni Jase na balikan ang kaniyang maikling liham kay Rob at idagdag ang kaniyang binulong na iyon pero pinigilan siya nang maramdaman niyang nagvibrate ang kaniyang telepono.


            Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang kaniyang telepono magdamag at ni hindi niya manlang pinatuunan ito nang pansin nag ayusin niya ang sarili ng umagang iyon kaya naman nagulat siya nang makita niyang may labing dalawnag message na siyang hindi nababasa, galling ito kung kanikanino pero karamihan dito ay galing sa kaniyang ina, tinatanong kung nasan siya.


            Umiiling siyang tuluyang lumabas sa bahay ni Rob at hindi na sinagot ang mga mensahe na ngayon niya lang nakita, agad na lang siyang umuwi dahil ramdam niya ang pagkabalisa sa mga text ng kaniyang ina kahit pa wala namang nasabi ang ina sa mga text nito sa kaniya. Nang makarating siya sa kanilang bahay ay agad niyang narinig ang boses ng kaniyang ina at dalawa pang tao na noon niya lang ulit narinig matapos ang mahabang panahon.


“I sure hope so he’s OK. Lalo na yung business niya. That is all what Aaron wants for him. Yung patuloy mabuhay si Jase after he’s gone. Gusto ni Aaron na stable na may pinagkukuwanan si Jase ng income at hindi nito sinasayang ang perang kanilang inipon sa kung ano ano lang like---sorry balae ha--- like sa pakikipagdate or something. I mean, hindi naman masama kung makipagdate si Jase, bata pa naman siya pero sana hindi niya makakalimutan yung mga isinakripisyo ng anak ko para sa kaniya. Baka mamya kung saan saan lang nito ginagamit ang perang inipon ng anak ko o kaya naman sinisira na niya ang buhay niya sa kung ano anong bisyo.” saad ng matandang lalaki na kilalang kilala ni Jase na isa sa may pinakamatalas na dila sa mga taong nakilala niya.


“Hon---” saway ng matandang babae na alam ni Jase ay ina ni Aaron.


“No balae, he’s right. Pero confident ako na hindi nakalimutan ni Jase ang mga sacrifices ni Aaron at alam ko at sigurado akong tinutupad ng anak ko ang mga pangako niya kay Aaron.” saad ng ina ni Jase pero rinig niya ang pagaalangan nito, tila ba mas kinukumbinsi niya ang kaniyang sarili kesa ang kaniyang mga balae.


“Where is he by the way? Alam ba niyang anniversary ng pagkamatay ni Aaron o nakalimutan na niya?” tanong ng lalaki na tila ba hindi kumbinsido sa sinabi ng balae.


            Hindi na inintay ni Jase ang sagot ng kaniyang ina at nagmadali na siyang lumabas muli. Gulong gulo siya habang muling iniaatras ang kaniyang sasakyan palabas ng kanilang gate alam niya at hindi niya nakakalimutan ang mga pangako niya kay Aaron pero habang iniisip niya kung natutupad niya ba ang mga ito ay hindi niya rin maiwasang madismaya sa kaniyang sarili. Ang business na pinagipunan nilang dalawa ay baon na sa utang ngayon at wala siyang ginagawa upang ayusin ito dahil abala siya sa panunuyo kay Rob tapos ngayon ni ang kamatayan ni Aaron ay hindi na niya naalala.


            Tuluyan na niyang nakalimutan si Aaron.

            Isang luha ang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Iyon ang isa sa kaniyang mga pangako sa namayapang kapareha.


“Jase, promise me you won’t forget about me after I die.” saad ni Aaron habang tahimik silang kumakain ng hapunan.


            Saglit pang natigilan si Jase bago sumagot.


“Of course.”


“I’m sorry Aaron.” saad ni Jase habang nagmamaneho palayo ng kanilang bahay.


Itutuloy…


Against All Odds
3[13]

By:Migs

Comments

  1. sorry ulit sa sobrang tagal na update at thank you po sa patuloy na sumusuporta, nagbabasa at nagco-comment.

    ReplyDelete
  2. Its ok migs.. ganda p din ng flow

    ReplyDelete
  3. may twist pa uli sa dulo.. kakaexcite!

    ReplyDelete
  4. My Oh My Migs.. Don't make the twist, twisted.. :) ..

    ReplyDelete
  5. T-T katuwa, katuwa, katuwa, kaiyak. always that roller coaster of feeling kuya. :D keep it up! -nix

    ReplyDelete
  6. hope hindi mapreemt ung namumuong relasyon ni R & J. pwede pa aman ayusin ung mga problema nya as long as pagtuunan niya ng pansin both. d ba Migz?

    ReplyDelete
  7. please don't make us wait this long author..medyo masakit kasi sa heart..define marami kaming nagaabang sa kwento T_T it's just sad na you're making us feel na di mo na mahal ang page mo na we've come to love for how many years na din.. you have no idea how much you've influenced and inspired me..

    ReplyDelete
  8. ...AWESOME!

    but I hope J wont be trapped by his guilt with his promise to A. Matagal na yun at patay na si A. Sana mapanindigan nya si R. As for R sana di na xa guluhin pa ng fubu/boss nya... Masaya na ako sa progress ng status nilang dalawa I can imagine how cute they look when they are together.

    P.S.
    Im a certified fan kuya Migz thats y Im willing to wait nomatter how long ur Update myt take coz whenever u do, it is always worth the wait.

    Take care. ^_^

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]