Against All Odds 3[12]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and
any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a
mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this
offends you, please leave and find something more suitable to read. The author
maintains all rights to the story. Do not copy or use without written
permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions
in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.
Hindi parin alam ni Rob kung bakit asa harapan niya ngayon si Jase,
madalas kasi kapag nagpapasimuno ito ng blind date ay sinusundo siya nito at
ihahatid hanggang sa parking lot ng restaurant at hindi kailanman na mas nauna
pa ito sa kaniya kaya naman ang maabutan niya ito na tila ba iniintay siya ay
talaga namang nakapagpalito sa kaniya.
“Jase,
bakit ka nandito? Sino yung ka-date ko?” tanong ni Rob kay Jase na tila ba
katatapos lang na titigan siya at nagulat pa nga.
“Ahhh---uhhhhmmm---
ako yung ka-date mo, Rob.” kamot ulo at pautal-utal na saad ni Jase na lalong
nakapagpataka kay Rob.
Saglit pang natigilan si Rob,
iniintay niya na sabihin ni Jase na “Joke lang” sa ilang beses niyang
umasa kay Jase at na-disappoint dito ay di na hinayaan pa ni Rob ang kaniyang
sarili na umasa na totoo ang sinabi nito at sa halip nga na umasa tulad ng mga
naunang pagkakataon ay hindi napigilan ni Rob ang magpakawala ng isang
sarikastikong tawa.
Ngayon si Jase na ang
naguluhan. Walang nakakatawa sa kaniyang sinabi pero patuloy parin sa pagtawa
si Rob at tila ba ayaw parin nitong maniwala na siya nga ang ka-date nito kaya
umiiling iling pa ito.
“Shut up,
Jase---” simula ni Rob pero hindi na narinig pa ni Jase ang mga sumunod na
sinabi ng nauna dahil napako na lang ang kaniyang isip sa naunang sinabi ni
Rob.
“Pinapa-shut up niya ba ako?” tanong ni Jase sa kaniyang sarili.
“---so
where is the sorry ass you fixed a date with me?” pagtatapos ng mahabang sinabi
ni Rob na hindi parin inintindi ni Jase.
“Did you
just tell me to shut up?” dikit noong tanong ni Jase kay Rob na nakapagpatigil
dito.
“Well---”
“Di ka
naniniwala na ako ang ka-date mo?” naiiritang tanong ni Jase kay Rob na
ikinatameme ng huli dahil iniisip niya na ito pa ang may ganang mainis gayong
siya naman itong nantri-trip.
“Hay nako
Jase tigilan mo nga ako, ayan ka nanaman eh!” singhal ni Rob sabay lakad
palabas ng restaurant.
“What the
hell?!” inis na inis na saad ni Jase kay Rob sabay sinundan ito palabas ng
restaurant.
“Where
the fuck do you think you're going?! That was a very expensive reservation
there!” singhal ni Jase kay Rob nang makalapit siya ng sapat dito habang
mabilis itong naglalakad palayo.
“Palayo
sayo!” singhal pabalik ni Rob.
“What the
fuck did I do?!” inis na inis na saad ni Jase sabay hinawakan ng mahigpit ang
braso ni Rob at pilit itong pinaharap sa kaniya. Eto siya at inilalatag na kay
Rob ang kaniyang nararamdaman at tinatalikuran lamang siya nito ng
tinatalikuran. Tumigil sila ngayon sa halos bakanteng malawak na parking space
ng restaurant.
Nagulat si Jase sa kaniyang nakita
pagkaharap na pagkaharap ni Rob sa kaniya. Taliwas na taliwas ito sa kaniyang
inaasahan. Lahat ng nangyayari ngayong gabi ay taliwas sa kaniyang inaasahan.
Sa pagkakakilala niya kasi kay Rob ay inaasahan niyang magtatatalon ito sa
kaniyang harapan lalo pa ngayon na alam niya sa kaniyang sarili na may gusto
siya dito, na inihahain niya ang kaniyang sarili upang maging true love nito. Kitang
kita ni Jase ang pangingilid ng luha ni Rob. Kitang kita niya hindi lang inis
kundi pati galit sa mukha nito. Kitang kita niya na nasasaktan ito. Inabot niya
ang baba nito at pilit na itinapat ang tingin nito sa kaniyang tingin.
“Hey
what's wrong?” mahinahon ng tanong ni Jase kay Rob.
“I want
you to stop doing this!” mainit na balik ni Rob.
“Stop
doing what?!” muling naiinis na tanong ni Jase dahil hindi nanaman niya muli
maintindihan ang ikinakagalit ni Rob.
“This!
Yung pagpapapaasa mo sakin---” sigaw na pabalik ni Rob na ikinatameme ni Jase.
“---One
minute umaarte kang parang hahalikan mo ako tapos bigla kang lalayo na parang
kinukuryente kita, na parang may nakakahawa akong sakit. Ilang beses na yan,
Jase and I can't take it anymore. Nung nasa CCP tayo---I---I thought hahalikan
mo ako, I thought you're going to say that you like me too, instead you dished
out another verse from your fucking mind about how true love exist and
that I shouldn't stop looking for my true love. Ngayon eto ka nanaman,
sasabihin mo ikaw ang date ko and then what?! Mamaya tatakbo ka nanaman at
ipapamukha mo nanaman sakin na napakatanga ko?! Damn it Jase!” pagtatapos ni
Rob sabay talikod mula kay Jase na gulat na gulat sa mga sinabi ni Rob.
“Hindi
kita pinapaasa!” balik naman ni Jase upang depensahan ang sarili mula sa mga
sinabi ni Rob
“Ah
talaga so anong tawag mo pala sa ginagawa mo? Naglalaro?!” natahimik si Jase,
nasaktan sa sinabing ito ni Rob pero alam naman niyang wala siyang ibang dapat
sisihin kundi ang sarili dahil ito nga marahil ang ipinapakita niya kay Rob sa
tuwing nalilito siya sa kaniyang nararamdaman kaya naman minabuti niyang
ipaliwanag na kay Rob ang nangyayari.
“Nalilito
ako, Rob---” mahinahong saad ni Jase na siyang nakapagpatahimik naman kay Rob.
“---this is all new to me. This is nothing like what Aaron and I had. Ang alam
ko lang is, gusto kita. Gusto kitang kausap, gusto kitang lagi kasama, gusto ko
lagi kitang nakikita---” nangingiting pagamin ni Jase na siyang nakapagpabilis
ng tibok ng puso ni Rob.
Wala siyang masabi o walang ibang
pumasok sa kaniyang isip kundi ang ideyang gusto siya ni Jase. Gusto rin
siya ni Jase. Tila nawalan ang kaniyang mga kalamnan ng kakayahang gumalaw at
tila ba lumiit ang kaniyang mga baga dahil parang konti na lang ang hangin na
kaya nitong punuin.
“I-I like
looking into your eyes. I like seeing you smile. I like making you smile. I
like your laugh especially when I'm the one who's making you laugh---” simula
ulit ni Jase pero habang parami ng parami ang kaniyang inaamin kay Rob ay lalo
niyang hindi makita sa mukha nito ang pagiging kumbinsido na siyang
ikinafrustrate naman niya. “I like you.” pagtatapos ni Jase na tila ba sumusuko
na sa pangungumbinsi kay Rob.
“Every
time I set you up on dates and you're actually having a good time with the
asshole I set you up with---” umiiling pero nangingiti ding saad ni Jase na
tila ba ngayon niya lang din nare-realize ang kaniyang mga sinasabi “---hindi
ako mapakali. I want to barge in and take you from them and then hug you tight.
G-gusto ko ako lang ang kinakausap mo tulad nung pakikipag-usap mo kay Paolo,
nung nakita ko yun I felt-- I f-felt---” di matapos na saad ni Jase, iniwas
niya ang kaniyang tingin mula kay Rob at kumunot ang noo.
“Jealous?”
pabulong na pagtatapos ni Rob kay Jase na tila ba noon niya lang ulit
nadiskubre na nakakapagsalita siya.
Muling isinalubong ni Jase ang
kaniyang tingin sa tingin ni Rob na tila ba umaasa na tama ang kaniyang sinabi
sa nais niyang sabihin. Muli nanamang narealize ni Jase na iyon nga ang
kaniyang naramdaman, na tama nga si Rob kaya dahan dahan siyang tumango.
“Kaya mo
ba kami sinundan nung hinatid niya ako sa bahay?” tanong ni Rob kay Jase na
muli na lang tumango.
Iniwas ni Jase ang kaniyang tingin
mula kay Rob at wala sa sariling napakamot sa ulo. Iniwas niya din ang kaniyang
tingin mula sa mapagmatyag na matang iyon ni Rob dahil naramdaman niyang tila
ba umiinit ang kaniyang mga pisngi at alam niyang namumula na ito dahil sa
naalala niya ang kaniyang mga ginawa noong gabing iyon. Pero sa kabila nito ay
kinumpirma parin niya na tama ang sinabing iyon ni Rob. Wala sa sarili niyang
nilaro gamit ng kaniyang paa ang isang bato na malapit sa kaniyang kinatatayuan
na tila ba isang bata na hindi alam kung ano ang kaniyang dapat i-asal kaya
naman nagulat na lang siya nang maramdaman niyang biglang may bumalot sa
kaniyang katawan.
“Tanga mo
talaga, Jase!” singhal ni Rob habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa
huli.
Saglit pang natigilan si Jase pero
hindi nagtagal ay hindi narin nito napigilang mapangiti at dahan-dahang ibalot
sa bewang ni Rob ang kaniyang mga malalaking braso at hinila pa ito lalo
palapit sa kaniya na nagtulak kay Rob na isandal ang kaniyang ulo sa malapad na
balikat ni Jase.
“I like
you too, Jase. I like you too.”
000ooo000
“So how's
the restaurant?” tanong ni Rob kay Jase habang nasa isa nanaman silang date.
Halos araw araw na ang mga ito kung lumabas simula noong aminin ni Jase na may
gusto rin ito sa nauna mag da-dalawang buwan na ang nakakaraan.
Biglang natigilan si Jase. Pasimple
niyang tinignan si Rob na mabuti na lang ay abala sa pagtingin sa menu ng
restaurant na iyon dahil kung hindi ay malamang hindi makakaligtas dito ang
pangamba sa kaniyang mga mata. Muli niyang iniwas ang tingin dito at
nagsinungaling.
“Good.
The restaurant is doing good.” kahit pa taliwas dito ang totoong lagay ng
restaurant.
Ginagamit na ni Jase ang pera na
kaniyang inipon noon upang pambayad sa kaniyang ni-loan dahil hindi naman
kumikita talaga ang restaurant na kaniyang binuksan pero kahit pa ganun ay
hindi niya parin makuwang sabihin ito kay Rob, pakiramdam niya kasi ay solo
lang niya dapat ang problemang ito, na bilang may mayari ng establishimento na
iyon ay hindi na kailangang problemahin din ni Rob ito.
“Ready to
order?” singit ng waitress na siyang ikinatuwa ni Jase ng palihim at dahil nga
doon ay natapos na ang usapan na pilit iniiwasan sa ngayon ni Jase.
Halos nawala na sa isip niya ang
business, ang pangako niya sa kanyang ina na gagawa siya ng kaniyang sariling
kabuhayan kahit pa wala na si Aaron sa kaniyang buhay, nawala na sa kaniyang
isip ang kaniyang pangako sa sarili dahil aminin man niya sa kaniyang sarili o
hindi ay na kay Rob na ang kaniyang pansin.
Sa loob ng magdadalwang buwan nilang
laging magkasama ay hindi maikakaila ni Jase na mas lalong lumalalim ang
kaniyang nararamdaman para kay Rob, lagi niya itong gustong pangitiin, lagi
niyang gustong idampi ang kaniyang mga labi sa labi nito, lagi niyang gustong
hawakan ang kamay nito.
“Beef
pepper rice and a glass of bottomless iced tea---” simula ni Rob pero agad
siyang natigilan nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ng kamay ni Jase
sa kaniyang kamay.
Dahan-dahang itinuon ni Rob ang
kaniyang tingin kay Jase. Naabutan niya itong namimili parin ng kaniyang
i-o-order, binabasa ang mga nakalagay sa menu pero may nakaplaster itong
matamis na ngiti sa mukha na siyang ikinangiti niya rin at walang dudang
ikinamula ng kaniyang mga pisngi. Itong mga ganitong mga simpleng pagpapakita
ni Jase sa kaniya ng ka-sweet-an ang siyang lalong nakakapagpa in-love sa
kaniya dito, alam ni Rob na masyado pang maaga upang sabihin na in love na siya
kay Jase pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ito ang matagal na niyang
iniintay at siguradong sigurado na siya na hindi na niya kailangan pang
magintay pa.
“Make
that two. I'll have what he's having.” nakangiting saad ni Jase sa waitress na
siyang gumising kay Rob.
“Soo I'm
planning---” simula ulit ni Jase nang makatalikod na ang waitress. Hindi
mapigilan ni Rob ang lalong mapangiti. Kasabay nang kaniyang matamis na
pagngiting iyon ay ang tila ba pamumugad ng mga paru-paro sa kaniyang tiyan at
paninikip ng dibdib dahil sa kaniyang sobrang tuwa.
Iyon ang nagagawa sa kaniya ng
simpleng pagngiti ni Jase.
“---hindi
ka nanaman nakikinig.” sita sa kaniya ni Jase na siyang gumising kay Rob.
Napailing na lang si Rob nang makita
niyang parang bata na humahagikgik si Jase.
“Kakatitig sayo.” sabi ni
Rob sa kaniyang sarili, bagay na muling nakapagpailing sa kaniya.
“Sabi ko
may pupuntahan tayo after this.” nakangiti paring saad ni Jase sabay iniwas ang
kaniyang tingin kay Rob.
“Saan?”
tanong ni Rob habang pinipigilan ang kaniyang sarili na ma-excite.
“Basta.”
balik naman ni Jase. Umiling na lang ulit si Rob, pilit pinigilan ang sarili na
kulitin si Jase habang nagse-serve ng kanilang mga inorder ang waitress.
000ooo000
“It's
traffic.” walang ganang saad ni Rob sa naiinis na ding si Jase habang nasa
ikatlong oras na nilang nakaupo sa loob ng sasakyan.
“I know.”
iritableng saad ni Jase.
Hindi nakaligtas ang tonong ito ni
Jase kay Rob kaya naman awtomatiko nitong itinuon ang tingin kay Jase. Hindi
napigilan ni Rob ang mapangiti nang makita niyang parang bata na tinotoyo,
nakanguso ito at halos idikit na ang mukha sa manibela, hindi nagtagal ay
napatawa na si Rob ng malakas na ikinakuwa ng pansin ni Jase na nadadala na sa
pagtawa na iyon ni Rob.
“What?!”
nangingiti pero pigil paring tanong ni Jase kay Rob na patuloy lang sa pagtawa.
“Yung
mukha mo kasi--- para kang bata na hindi binigyan ng candy.” sagot naman ni Rob
sa pagitan ng pagtawa. Hindi narin napigilan ni Jase ang mapangiti at
nahihiyang napakamot sa kaniyang batok.
“It's
just that---haist---” simula ni Jase na pinakinggan namang mabuti ni Rob. Hindi
nakaligtas ang pamumula ng pisngi ng nauna habang idinadaretso ulit ang tingin
sa daan bago muling paandarin ang sasakyan.
“I-I want
everything to be special.” pabulong na pagtatapos ni Jase na ikinangiti lalo ni
Rob. Hindi niya mapigilan ang kiligin sa sinabing ito ni Jase kahit pa dinig na
dinig niya din sa boses nito ang hiya.
Wala sa sariling hinalikan ni Rob si
Jase sa labi nang muling tumigil ang sasakyan dahil sa pagcongest ng mga
sasakyan sa lugar na kanilang pupuntahan.
“Di mo na
kailangang pilitin. Every moment I spend with you is already special.” pabulong
din dahil sa hiyang saad ni Rob nang ihiwalay na niya ang kaniyang labi sa mga
labi ni Jase.
Hindi mapigilan ni Jase ang
magpakawala din ng isang matamis na ngiti.
000ooo000
Hindi mapigilan ni Rob ang magtaka
nang mapansin niya ang mga tao sa kanilang paligid na nagmamadaling naglalakad
palayo sa kanila, hindi rin ito nakaligtas kay Jase na agad na nagplaster ng isang
magiliw na ngiti sa mukha nito. Dahil sa traffic ay halos nakalubog na ang araw
nang makaparada sila at dahil sa dami ng tao kaya medyo nahirapan din sila sa
paghahanap ng pagpaparadahan.
“Andaming
tao. Baka mawala ako.” biro ni Rob kay Jase na sinisigurong naka-lock ang pinto
ng kaniyang sasakyan. Napahagikgik si Jase sa sinabing ito ni Rob pero maliban
doon ay para kasi ring bata si Rob na halatang pinipigilan ang excitement.
Puno ng buhay ang mga mata ni Rob,
hindi parin nawawala ang ngiti nito sa mukha kahit pa hindi niya parin sinasabi
ang gagawin nila sa lugar na iyon, gusto niyang abutin ang mukha nito at ilapit
sa kaniyang mukha at isalubong ang mga nakangiting labi na iyon sa kaniyang
labi pero pinigilan niya ang kaniyang sarili at pinagkasya nalang niya ang
lahat ng kaniyang gustong gawin sa simpleng paghawak sa kamay nito. Nang
maramdaman ni Rob ang pagbalot ng kamay ni Jase sa kaniyang kamay ay gusto niya
pa muna itong titigan at itatak sa kaniyang isip ang paghawak na iyon ni Jase
sa kaniyang kamay pero marahan na siya nitong hinila papunta sa lugar kung saan
papunta din ang mga tao sa kanilang paligid.
Nasa isang malaking open space sila,
hindi maikakaila na isa iyong paliparan para sa mga maliliit na eroplano.
Maayos ang ginawa ng mga organizers ng event na iyon simula parking, entrance
at espasyo kung saan idadaaos ang mga activities. Maayos ding nakahilera ang
mga tindahan ng kung ano ano sa gilid ng maluluwag na daanan kaya hindi ito
nakakaistorbo sa mga taong paroon at parito.
“Wow.”
hindi naiwasang sabihin ni Rob na hindi nakaligtas kay Jase na lalong
napangiti.
“You
haven't seen anything yet.”
“Parang
pyesta lang.” nakangiti at parang bata na palingalingang saad ni Rob na lalong
ikinangiti ni Jase.
Nang makalapit sila sa lugar kung
saan nagkukumpulan ang mga tao ay biglang nabitiwan ni Jase ang kamay ni Rob.
Hinihila niya pa kasi ito pero agad na napatigil si Rob at napako sa kaniyang
kinatatayuan. Mabilis na humarap si Jase kay Rob, nakita niyang nakanganga pa
ito sa sobrang pagkamangha, hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti lalo.
“Halika
lapit tayo!” parang batang excited na saad ni Jase sabay hatak ulit sa kamay ni
Rob, tila naman nagising si Rob sa ginawang ito ni Jase. Madami ang nainis kay
Jase nang isiksik niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng madaming tao. Hindi
naman nagaksaya ng panahon si Rob na humingi ng tawad sa mga ito.
“Jase!”
singhal ni Rob kay Jase upang sabihin dito na magdahan-dahan lang pero hindi
siya pinansin nito at tuloy tuloy lang ito sa pagsingit.
“Sorry
po...” paghingi ng paumanhin ni Rob sa kaniyang katabing matanda na halos
mabuwal sa ginawa ni Jase na pagtabig dito pero hindi na niya ito natapos nang
biglang humarap sa kaniya si Jase na tila ba isang batang excited na ipagyabang
ang kaniyang bagong laruan.
“Look!”
saad ni Jase sabay turo sa kanilang harapan. Sa ikalawang pagkakataon sa araw
na iyon ay napako siya sa kaniyang kinatatayan at muling napanganga.
“Whoah.”
saad ni Rob na nakapagpatango kay Jase. Sa harapan nila ang naglalakihang mga
lobo na kasalukuyan pa lang na pinapalobo ng mainit na hangin. May iba’t ibang
hugis at laki ang mga ito, may mga lobong hugis hayop at may mga lobong hugis
tao na talaga naming nakamamangha para sa mga taong unang beses palang
nakakapanood ng ganun. Inilabas ni Rob ang kaniyang telepono at tulad ng ibang
mga nandon ay kinuwanan niya ang mga lobo lalo na ang mga tila ba ilang saglit
na lang ay lilipad na ng litrato.
“C’mon!”
saad nanaman ni Jase sabay hila nanaman kay Rob palayo naman sa mga lobo.
“Where
are we going?!” tanong naman ni Rob kay Jase habang lilingalinga sa mga lobo sa
kaniyang likuran.
“Dito
tayo.” saad ni Jase sabay upo at hinila naman si Rob paupo din sa kaniyang
tabi. Ganito din ang ginagawa ng mga tao sa kanilang paligid, kaniya kaniya na
ang pagupo ng mga ito sa malawak na damuhan.
Tuluyan ng dumilim ang kalangitan
pero hindi dumidilim ang paligid dahil habang dahan-dahang umaangat ang mga
lobo mula sa lupa ay nagsipagbukas ang ilaw ng mga lobo mula sa loob na siyang
lalong nagbigay buhay sa mga ito.
“Wow.”
saad ni Rob na nakakuwa ng pansin ni Jase, itinuon niya ang kaniyang tingin kay
Rob at pinanood ang tuluyang pagbalot ulit ng pagkamangha sa mukha nito.
Ngayon siya naman ang namangha.
Hindi niya mapigilang isipin kung gano siya kaswerte. Natigilan si Rob sa
panonood ng mga naglalakihang lobo at itinuon ang kaniyang pansin kay Jase na
masuyong nakatingin parin sa kaniya. Saglit na nangunot ang noo ni Rob saka
napangiti habang nakikipagtitigan kay Jase.
“Were you
watching me?” nangingiting tanong ni Rob kay Jase.
“Yes.”
Matipid na pagamin ni Jase na nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Rob, hindi
parin nila pinuputol ang pagtititigan nilang dalawa kaya’t kitang kita ni Rob
ang sinseridad sa sinabing ito ni Jase. Walang naisagot si Rob sa sinabing ito
ni Jase kaya hindi nagtagal ay inalis na ng huli ang kaniyang tingin kay Rob.
Ngayon si Jase naman ang tinitigan ni Rob.
“Jase---”
tawag pansin ni Rob kay Jase.
“Hmmm?”
si Jase habang masuyo paring nakatingin sa naglalakihang lobo.
“I think
I’m in love with you…” pabulong na saad ni Rob na kumuwa sa pansin ni Jase. Binalot
ng katahimikan ang dalawa.
“---Is—is
that OK?” pagtatapos ni Rob.
Itutuloy…
Against All Odds
3[12]
By:Migs
Sorry sa hindi ko pag-update ng matagal na panahon. :-(
ReplyDeleteSundan n yan. Thanks po sa napakagandang update.
ReplyDelete-emo-
yes! yes it's ok!! hahaha
ReplyDeleteeven though matagal po ang update muka naming worth sya nakakakilig lang tumiteen ager ang dalawa hahaha.. im exited sa conflicts na mangyayari at kung pano sasagutin ni jase ang sinabi ni rob. :) kudos kuya migs !!
ReplyDeletecant wait for the neext haha ! tagal ko din tong hinintay! Kudos kuya! :D -nixon
ReplyDeleteKahit tagal ng update.. kilig pa din
ReplyDeleteHang ganda po... :) sana masundan ulit .. He he he... Worth waiting for this part .. :)
ReplyDelete-JB
Hi kuya migs! Sirry ngsyon lang napacoment pero still nagbabasa ako ng work mo. Medyo naging busy lang from school and office. :)
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Sorry ngayon*
DeleteNiceeee.. ganda! wala prin kupas!..tagal ko din di nka visit dito >_< thank you sa pag update kuya migs :D
ReplyDeleteWOW.. This makes me believe in love even if at the moment I am nursing a broken heart.. Thank you for the update Migs.. Right timing, right update and right story flow..
ReplyDeleteNiceeee! thank you sa update migs! excited for the next ;) kahit matagal sulit naman yung mga eksena...galing pa rin! :) tc always
ReplyDeleteThanks sa update po :) very nice chapter
ReplyDelete...ang tamis \m/ worth the wait. Patience really IS a virtue.
ReplyDelete