Against All Odds 3 [6]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kinakabahang tinitigan ni Rob ang handle ng pinto sa may passenger seat ng sasakyan ni Jase. Tinititigan niya ito na tila ba kakainin siya nito, ang ginagawang pagtitig na ito ni Rob na nagsasabing nagaalangan itong bumaba ng sasakyan ay hindi naman nakaligtas kay Jase na hindi mapigilang mapahagikgik. Narinig ni Rob ang mahinang paghagikgik na iyon ni Jase at tinapunan niya ito ng isang nahihiyang tingin.


Will you just get out of the friggin' car?!” natatawang saad ni Jase.


You can't blame me---”


You already met her.” umiiling na saad ulit ni Jase sabay labas ng sasakyan. Umikot ito sa unahan ng sasakyan na kinakabahan paring pinanood ni Rob at nang mapadako ito sa pinto sa kaniyang side ng sasakyan ay muli niya itong nakitang umiling at nakangiting nagsalita.


Gusto pa pinagbubuksan siya ng pinto.” na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikina-blush ni Rob.


Hindi man ganoon kaputi si Rob ay hindi parin nakaligtas kay Jase ang pamumula ng pisngi nito na sa hindi rin maipaliwanag na dahilan ay lalong nakapagpangiti sa kaniya. May pagaalinlangan paring humakbang palabas ng sasakyan si Rob, saglit na iginalagala ang kaniyang tingin.


Ngayon pa lang siya nakapunta sa bahay nila Jase at ina nito. Malaki ito, alam niya base sa kilos at pananalita nila Jase at ng ina nito na may kaya ang mga ito pero hindi niya inakala na ganito sila kayaman, base kasi sa kinasanayan niya ang mga taong nakatira sa mga ganitong kalaking bahay ay yung mga tao na hindi mahuhuling nakikipagusap sa mga kagaya niya at lalong lalong hindi makikitang sumasakay sa pampublikong sasakyan tulad ni Jase at Aaron.


Nasa ganito siyang pagiisip nang bigla siyang hinila ni Jase papasok ng bahay. Tinignan niya ang malaking kamay ni Jase na nakakapit sa kaniyang braso. Biglang namigat ang kaniyang dibdib, hindi niya alam kung dahil ba ito sa kaba dahil muli niyang makikita ang ina ni Jase o dahil ito sa pagkakahawak sa kaniya ni Jase.


Ma, tignan mo kung sino napulot ko sa labas!” sigaw ni Jase.



Matapos nilang pumunta sa bahay ampunan ay halos araw araw na silang magkasama ni Jase, pinaguusapan ang business expansion na pinaplano ni Jase na gawin sa gustav's at iba pa nilang business, humihingi ito ng advise sa kaniya na hindi naman niya ipinagdamot. Habang magkasama sila ay unti-unti niya ring nakikilala si Jase, hindi niya ito tinatanong, kusa itong nagkukuwento na tumugma naman sa mga bagay na nabasa niya noon sa diary ni Aaron nang magkakilala sila ng namayapang kaibigan.


Tulad ng pagma-manage noon ni Jase ng mga baguhang model, ang tinapos nito, kung saan ito nagtapos at marami pang mga bagay na hindi naman na ikinagulat ni Rob dahil base sa kaniyang naririnig mula dito sa tuwing magpapalitan sila ng ideya sa kung anong magandang gawin sa pagpapalago ng business ay may alam ito.

At sa tuwing magkikita sila ni Jase ay walang humpay din siya nitong inaaya na pumunta sa kanilang bahay upang magkita sila ng ina nito na ayon dito ay gustong gusto na ulit siya makita at makausap. Ilang beses ng tumanggi si Rob, nagbigay ng kung ano-anong palusot, kesyo magagalit sa kaniya si Ace, may tatapusin pa siyang trabaho o kaya naman kailangan niyang umuwi ng Batangas pero hindi siya nakalusot ngayon sapagkat niloko siya ni Jase. Sinabi nitong pupuntahan nila ang tinatayong branch ng gustav's sa loob ng isang mall kaya naman laking gulat niya at nagsimula na siyang kabahan nang bumungad sa kaniya ang malaking gate ng isang mamahaling subdivision.


Ha?” malakas na tanong ng ina ni Jase mula sa kung saang bahagi ng malaking bahay na iyon.


Meron tayong bisita!” sigaw muli ni Jase habang tila ba mapupunit na ang mga pisngi nito sa sobrang pagngiti.


Rob?!” sigaw ng matandang babae nang makita niya ang lalaking tumulong sa kanila nang mamatay si Aaron.


Ang taong tumulong kay Jase nang mawala si Aaron.


Mabilis na naglakad ang matandang babae papalapit kay Rob na tila naman tumigil na ang puso sa hindi maipaliwanag na kaba. Niyakap siya nito ng mahigpit. Kilala niya ang pagiging diktador ng matandang babae na iyon simula noong una niya itong makilala, ito marahil ang kinatatakutan niya ngayon, ang diktahan siya nito na tulungan si Jase sa pagpapalago ng kanilang business.


Bakit hindi ka na nagpakita samin ha?!” pasigaw na tanong nito sabay marahang itinulak si Rob palayo sa kaniya.


Ah—ehh---uhmmm--- busy po kasi---” nauutal na sagot ni Rob na ikinahagikgik ni Jase sa kaniyang likod. Pilit niya itong hindi pinansin at itinuon na lang ang kaniyang tingin sa matandang babae na tila naman hindi pinansin ang kaniyang sagot, iniisip na marahil sa matandang babae ay hindi naman mahalaga ang kung ano mang isagot niya dahil agad itong tumalikod sa kaniya.


Stop frowning.” bulong ni Jase sa likod niya.


Muling inatake ng malalakas na pagkabog ang dibdib ni Rob, hindi dahil muli siyang kinabahan sa muli nilang pagkikita ng matandang babae kundi dahil naramdaman niya ang halos pagdikit ng mga labi ni Jase sa kaniyang kanang tainga at nang maramdaman niya ang init na nanggagaling sa katawan nito na nagsasabing masyado itong malapit sa kaniyang likuran.


Tamang tama ang dating niyo, nagpaluto ako ng miryenda!” saad ng matandang babae sabay tawag sa isa sa maraming kasamabahay ng mga ito.


Tila napako ang mga paa ni Rob sa kaniyang kinatatayuan, hindi siya makalakad papunta sa dining area at sundan ang ina ni Jase at napansin ito ng huli. Muli, napatingin si Rob sa sariling braso kung saan nakakulong ulit ito sa malaking kamay ni Jase habang hila hila siya nito papunta sa hapagkainan.


000ooo000


Napanganga si Rob nang makita niya ang mga naka-ahin sa hapagkainan. Tila may fiesta. Hidi niya tuloy maiwasang isipin na kung ang miryienda sa pamilyang ito ay tila may fiesta na ano pa kaya kung oras na ng tanghalian o kaya hapunan, ano kaya ang mga nakahanda sa hapagkainan na iyon. Lalo pa siyang napanganga nang makita niya ang pagsasandok ng mga pagkain ni Jase at ng ina nito ng halos lahat ng pagkain sa hapagkainan na iyon.


Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit---?” simulang tanong ng ina ni Jase kay Rob habang sumusubo ito ng pansit.


---I hope that Ace guy doesn't have anything to do with this---?” pagpapatuloy ng matandang babae na ikinasamid ni Rob.


Isang tao pa lang na malapit sa matandang babae ang pinagsabihan niya tungkol kay Ace, si Jase, ito ay dahil naman tutal nagpapalitan na sila ni Jase ng ilang personal na kwento ay hindi narin niya napigilang sabihin ang tungkol sa relasyon nila ni Ace lalo na nang mapadako ang usapan nila sa mga naging boyfriend at kung ano ano pang kunektado sa pagkakaroon nila ng relasyon.


You told her?” naniningkit matang tanong ni Rob kay Jase na nagpakawala lang ng isang matipid na ngiti.


---Naku, kung ako sayo Rob itigil mo na kung ano mang meron kayo. Ginagamit ka lang nun, masasaktan ka lang. Gulo lang yang pinapasok mo. Kung ako sayo dun ka na sa mga taong walang sabit makipagrelasyon--- tulad ni Jase, libreng libre na yan, pwedeng pwede na. Promise, wala akong tutol kung gusto mo siyang maging---” simula ng matandang babae at habang patapos na ang sinasabi nito ay si Jase naman ang nabulunan.


Ano ba yan--- kasi naman kayo ayaw niyong ngunguyain muna ang mga kinakain niyo kaya kayo nabubulunan eh.”


Ilang mahahabang kwentuhan at kamustahan pa ay nagpaalam nadin si Jase at Rob sa matandang babae. Bago pa man sumakay ng sasakyan ni Jase si Rob ay niyakap muna ito ng mahigpit ng matandang babae, nagpasalamat at pinilit siyang mangako na babalik ito sa bahay na iyon.


Ihahatid mo na ba ako sa office?” tanong ni Rob kay Jase habang umaatras ito mula sa malaking bakuran, nagbigay ng isang matipid na ngiti si Jase saka umiling.


Nope!”


San naman tayo pupunta ngayon?” umaarteng naiinis na na tanong ni Rob kay Jase na hindi naman kinagat ng huli.


000ooo000


Napanganga si Rob nang makita niya ang nais ipakita sa kaniya ni Jase. Asa loob sila ngayon ng isang kilalang mall, isang malaking karatula ang gumulat kay Rob, isang karatula na nagsasabing pagnagawa na ang lugar ay isang restaurant ang makikita sa lugar na iyon, isang restaurant na may pangalang Gustav's.


Ang laki pala, Jase.” di parin makapaniwalang saad ni Rob na ikinakaba naman ni Jase.


I rented two stalls.” saad naman ni Jase na ikinailing na lang ni Rob.


What?” habol tanong ni Jase sa biglaang tila ba pagkadismaya ni Rob.


Smaller places are easier to manage. Masyado itong malaki---” simula ni Rob na hindi naman pinalagpas ni Jase na pakinggan.


But I already told you---”

You said you are going to lease two small sized boutique style places inside a busy mall---” simula ni Rob. “---medium sized ang mga pwestong ito, Jase.” mahinahong pagpapaintindi ni Rob kay Jase.


Inisa-isa ni Rob ang mga consequences ng pagkakaroon ng malaking pwesto sa loob ng mall. Simula sa pagkakaroon ng dagdag tao, pagbabayad ng mas malaking bill ng kuryente at marami pang iba at hindi pa man natatapos ni Rob ang kaniyang pagpapaliwanag ay halos mapaupo na sa isang tabi si Jase.


I already signed the lease forms. Bakit hindi ako sinabihan ng management ng malls about all of these, Rob?” nanlulumong tanong ni Jase kay Rob na muling napailing.


Wala silang pakielam dyan, Jase. Basta nakakapagbayad ka ng lease mo wala silang pakielam kung pano mo patatakbuhin ang business mo.” saad ni Rob.


Look---” simula ulit ni Rob lalo pa nang makita niyang tila ba natatakot at nawawalan na ng pag-asa si Jase at tila ba nais na nitong magback out.


---after the contract ends pwede nating liitan ang pwesto pero ngayon dahil nakatali tayo sa contract sasabihin ko sayo na we have nothing else to do but go with it and I have to tell you that managing this big place will be very difficult---” simula ni Rob.


Will you help me?” tila ba batang natatakot at nagaalangang tanong ni Jase kay Rob na natigilan pa.


Alam ni Jase na hindi siya kayang pabaayaan ni Rob na naging sandigan na niya simula noong nawala si Aaron kaya naman hindi na siya nagtaka noong marahan itong tumango. Dahil sa panlulumo dahil sa isang pagkakamali sa isa sa pinakamalaking desisyon sa pinalalagong business na iyon ay mabigat ang puso na nagaya si Jase na ihahatid na niya si Rob pauwi.


I still have to go back sa office.” saad naman ni Rob.


Oh—OK.” nakangiting saad ni Jase kay Rob.


Tahimik nilang binaybay ang daan pabalik ng opisina ni Rob at hindi nagtagal ay naabutan na sila ng matinding traffic, saktong labasan na kasi ng mga estudyante at mga empleyado kaya naman parang lahat din ng sasakyan ay nasa kalsada. Sabay na nagpakawala ng isang buntong hininga ang dalawa nang makita ang mahabang pila ng sasakyan sa kanilang unahan.


Nagkatinginan sila at tahimik na napangiti sa isa't isa. Saglit pang nagtagal ang tinginan nilang iyon at naputol lamang iyon nang makarinig sila ng pagtitilian sa labas ng sasakyan. Napadako ang tingin ng dalawa sa bandang kanan ng sasakyan, sa labas ay may nagkukumpulan na mga grupo ng mga estudyanteng babae na mukhang kinikilig. Nang umabante muli ang sasakyan sa harapan nila ay saglit na iwinaglit ni Jase ang kaniyang tingin upang magmaneho pero nakapako parin ang tingin ni Rob sa mga kinikilig na grupo ng babae


Nang muling tumigil ang sasakyan ay muling tinignan ni Jase ang grupo ng mga babae at dahil sa kanilang pagabante ng kaunti ay nakita nila ang dahilan kung bakit kinikilig ang grupo ng mga babae. Nasa gitna ng mga ito ang isang lalaki na nakaluhod sa harapan ng isang babae, may dala dala itong isang bouquet ng magagandang bulaklak.


Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Rob na siyang nagtulak kay Jase na ibaling dito ang tingin. Tila ba nangangarap ang itsura nito, punong puno ng inggit ang mga mata nito, naiinggit sa pag-ibig na ipinapakita ng lalaki sa magandang babae. Naiinggit sa totoong pagmamahalan na meron ang dalawa.


Hindi mapigilan ni Jase ang maawa sa kaniyang kaibigan. Kung may maitutulong lang sana siya.


Napangiti si Jase nang may pumasok na ideya sa kaniyang isip.


Tutulungan niya ang kaniyang kaibigang makahanap ng totoong mamahalin.


Do you have something to do tomorrow night?” tanong ni Jase na umagaw sa pansin ni Rob mula sa nakakakilig na tagpo sa labas ng sasakyan.


Why?” tanong ni Rob sabay bato ng isang naniningkit na tingin kay Jase.


Kung wala--- magsuot ka ng maganda bukas.” nangingiting sagot ni Jase na nakapagpatameme kay Rob saglit pero nang maisip niyang mabuti ang sinabi ni Jase ay saglit pang nanlaki ang kaniyang mga mata saka napangiti at namula ang mga pisngi.


000ooo000


Hey Rob!” masayang saad ng isang babae nang makababa siya galing sa sasakyan ni Jase na agad naman ding umalis matapos makitang ligtas na papasok na building kung saan ito nagtratrabaho.


Natigilan saglit si Rob mula sa paglalakad, ganito madalas ang nangyayari sa kaniya sa tuwing makakaharap niya ang asawa ni Ace, hindi dahil ayaw niya dito kundi dahil nakokonsensya siya sa mga nagawa niyang kasalanan dito pero kailangan niyang takpan ang pangongosensyang iyon sa kaniyang sarili upang hindi makahalata si Shiela.


Tinuturing narin niyang isang kaibigan si Shiela, hindi ito ni minsan nagpakita sa kaniya ng masamang ugali na lalong nakakapagpalala sa kaniyang pangongonsensya sa sarili.


H-Hey Shiela, iniintay mo si Ace?” tanong ni Rob kay Sheila habang sinalubong siya nito ng isang halik sa pisngi.


Actually magkasama na kami kanina, bumalik lang siya ng office, may nakalimutan lang.” umiiling pero nakangiting saad ni Sheila.


Ui, oo nga pala, kaninong kotse yun at saan ka galing? Di ka ba pumasok? Hala baka awayin ka nanaman niyan ni Ace.” tanong ni Sheila sabay ngiti, alam na hindi basta basta iiwan ni Rob ang kaniyang asawa maliban na lang kung importante at tungkol sa personal na buhay na niya ang dahilan.


Agad namula ang pisngi ni Rob na siyang nagsabi kay Sheila na totoo ang kaniyang hinala.


Ikaw talaga. O siya, akyat muna ako.” paalam ni Rob kay Sheila saka matipid na kumaway.


Nakangiti parin siya nang makarating siya sa kaniyang lamesa, inilabas niya ang kaniyang USB at napapangiti paring kinopya lahat ng kaniyang mga hindi natapos na trabaho.


Rob.” tawag ni Ace mula sa kaniyang opisina na ikinagulat ni Rob.


Kunot noo siyang tumayo at naglakad papunta sa opisina nito. Lalo siyang nagtaka nang ipasara nito ang pinto sa kaniya nang makapasok na siya ng opisina.


Make sure you finish all those. Kailangan ko yan bukas.” saad niAce sabay abot ng ilang folder na naglalaman ng ilang mga projects na kasama sa paguusapan sa meeting nila sa susunod na linggo.


Next week pa ito ah. I'll finish the Monroe project muna bago ko ito umpisahan.” saad ni Rob, napagusapan na nila ito ni Ace noon pa kaya naman lalo siyang nagtaka nang ipinagpipilitan nitong ipatapos ang trabahong iyon.


Kung hindi ka sana kasi nakikipaglandian at kung ginagawa mo sana yang trabaho mo edi hindi natin 'to pinaguusapan ngayon.” mainit na balik ni Ace. Nilapitan ito ni Rob at tinanong ng seryoso, tinanong bilang isang concerned na kaibigan at hindi katrabaho.


Ace, may problema ba? Alam mo namang gagawin at magagawa ko yan diba?” marahang tanong ni Rob.


Pero imbis na sagutin si Rob ay mabilis na hinila ni Ace ang nauna na agad na napasandal sa kaniyang matipunong dibdib na ikinagulat ni Rob. Nagtama ang kanilang mga mata at kitang kita ni Rob ang ilang emosyon na rumerehistro sa mga mata ni Ace.


Ace---” simula ni Rob pero hindi na siya nito pinatapos at siniil na siya nito ng halik.


Sinubukan pa ni Rob na itulak si Ace palayo sa kaniya ngunit mas malakas talaga ito sa kaniya at dahil nga sa angking lakas nito ay hindi na siya nagtaka nang mabilis siyang naisampa nito sa lamesa. Mabilis din nitong naibaba ang kaniyang pantalon at sariling pantalon, hindi nagtagal ay napuno na ng ungol ang buong opisina.


Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi napansin ng dalawa ang naka-awang na pinto ng opisina at ang taong nanonood sa kanilang ginagawang kamunduhan.


Itutuloy...

Against All Odds 3

[6]

by: Migs 

Comments

  1. ONLY FIFTEEN COMMENTS? HAIST KAKALUNGKOT. kasalanan ko din siguro kasi tagal ko mag update no? sorry guys ha? medyo busy lang talaga. :-(


    MARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!


    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po silang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of ten chapters.

    Enjoy guys! ;-)

    Kerry Von Chan: yep ilang chapters na lang! Thanks!

    Dhenxo: thanks Dhen! Sulat ka na ulit! :-)

    dilos: thanks! :-)

    jemyro: haha! Talagang until supplis last ha? Ikaw na! Thanks!

    Russ: salamat! Ikaw na talaga ang pinaka loyal kong reader! Since LAIB days pa! ;-)

    JD Marquez: no problem. Tuloy tuloy lang ikaw sa pagsusulat ha? :-)

    Ivan D: thanks din po! :-)

    ANDY: thanks! Nagpalpitate talaga? At sino si kuya Rob? Haha! Salamat ulit ng marami! I love you guys also! :-)

    robert_mendoza: akala ko hindi na ikaw magco-comment tulad nung iba, bigla na lang nawala. :-(

    Migil: Thanks din po. Buti nagustuhan niyo. :-)

    Chants: thanks din po! :-)

    WaydeeJamYokio: haha! Malapit ng mawala si Ace dito sa kwento na 'to. Hihi! Abangan... haha!

    Hardname: have you tried the short stories?

    Kris: thanks din po! :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Bitin. Di ko pa nabasa ung mga short stories. Dahil jan babasahin ko na sila. Hehehehe.

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. don’t feel sori sir migs. we still here para tangkilikin ang mga naisulat mo.

    mhei

    ReplyDelete
  4. Tnx sir migs..u made my day.. ! grabe ung last part sino kaya ung nkakita.. ??

    sir migs kahit 15 lang ung comments ok lang yan.. nagbabsa rin cla.. keep on fighting..

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Hi Migs, sorry if I have not been commenting lately but rest assured I am still an avid reader and fan who is constantly amazed by your brilliance.. Thank you for always updating, it does not matter if it takes a long time for you to do so.. What matters is that your story is exceptional, to say it is very good is an understatement.. I love this story, and I hate ACE.. :)

    ReplyDelete
  7. hey kuya! i think hindi napost ginawa kong comment last time. T-T blame the crappy internet connection. Anywya, grabe na naman twist and turns sa kwento. haha! pero I think I can predict a few things already haha! anyway, keep it up and take your time, we know you are busy and we as well. Kahit matagal na hintay okay lang maganda naman kasi. :D Again, thank you for your wonderful works. :D


    -nix

    ReplyDelete
  8. I wonder of it's Jase or the wife. I don't know. Hahaha.

    Post Lang ng post! You're still an awesome writer, anyway.
    -dilos

    ReplyDelete
  9. it's been a month I think since my last visit but it's worth the wait. ang galing pa din Sir Migs! hahaha marathon ako sa 4-6 chaps... kinikilig ako sa mga simpleng banat at kabig, malayong-malayo sa AAO1&2 pero panalo pa din sa sweetness at cheesyness hahahaha lapad ng smile ko while typing these, promise! more power to you sir. ingat lagi.
    (hope to see you in person kahit sa matagal pa na future OK lang..) ^_^

    -Julio
    11.11.14

    P.S.
    until now, nasa isip ko pa din sina Dan at Mike at Aaron at Jase.

    ReplyDelete
  10. hmmm, mukhang may mabubuong relasyon ah! he he he. dont worry migz, andito lng ako nkaantabay . he he he

    ReplyDelete
  11. Awww meron na! Late ko nabasa. ahaha

    Halla, kinikilig ako kay Rob at Jase. Yung simple gestures nila na nakakakilig, lakas maka teens sa akin nun. ahaha! Feeling ko meron nang nararamdaman yung dalawa sa isa't isa.

    Na sad ako sa last part, feeling ko nagamit nanaman si Rob. Itong Ace na to, napaka! Huwag sana yung asawa ni Ace ang nakakita kasi ma eeskandalo si Rob :(

    Thanks sa update author and promoting my blog :)

    ReplyDelete
  12. Yung kilig at ngiti ko nasa 100 percent while reading this. ahaha

    THE who ang nanonood? Naka live show pa siya. ahaha

    IVAN D.

    ReplyDelete
  13. Ayan na yung conflict! Ahaha keeps getting better and better! Ahaha

    969

    ReplyDelete
  14. ang galing naman ni rob about business. sana magkadevelopan na si rob at jase.

    at si ace? kapal ng mukha. naku naku bahala sila, kitang kita na sila ni shiela. kainis ha? ang kakati.

    team Jase!!!!

    thanks kuya migs sa update. muah

    --ANDY

    ReplyDelete
  15. ohh no...not sheila.. T_T this will be bad...like all things, behavior is a function of it consequences... T_T at risk benefit ratio...now they'll have to face it..cant wait for the next chapters

    ReplyDelete
  16. Yipee may ud na :)) kapalan ko na po mukha ko ahh... Palike naman po oh pashare na rin kung pd hihi... Entry ko po yan

    https://facebook.com/M2mKwentongPagIbig/photos/a.362524490595567.1073741850.151723321675686/362526267262056/?type=1&ref=stream&_rdr#362741410573875

    Yan po ang link... Like and share po labanan ehh... Maraming thank you :))

    JMP07

    ReplyDelete
  17. Homaigas! thank you sa update kuya migs! :D ..nasisiyahan tlga ako pag nagbibisita ako dito sa blog mo timing may new update lagi hahaha :D

    ReplyDelete
  18. Ano yung title ng story ni Patrick? Just want to read it again.

    ReplyDelete
  19. Gawd! sino ang nanunuod sakanila? patay! Si Ace kasi eh, ayaw lang amining nagselos kay Jase. tss!

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  20. Oh my gosh! Cno kya yun??!
    ... Anyway boss MIGS! You're such a great writer.. Pina iyak, pina tawa, pina kilig mo ko sa mga novels mo..

    lalo na kya sa AAO 1.. NAiyak tlga ko.. Promise! Your stories is not just an M2M story.. It serves as an inspirations and lessons!

    ReplyDelete
  21. ... sna boss migs d ka mg sawa sa pag gawa ng mga stories.. Tumatatak tlga skn bawat salitang binibitawan mo sa story.. Ang mgaling na manunulat ay pumupukaw sa damdamin ng magbabasa at ikaw yun------ MIGS! :-D

    •••I'M A NEW READER OF YOUR BLOG..HOPE TO READ MORE MORE MORE....

    ReplyDelete
  22. Kinikilig ako na naasar. Mixed emotions! Itumba si ace! Haha.

    Late ko na nabasa super busy na sa office at kay partner. Haha. Walang kupas mr. Author. ^_^

    ReplyDelete
  23. Update na po Kuya Ganda na ng story:)

    -Ryan

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]