Against All Odds 3 [3]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi makuwang lapitan ni Rob si Jase habang pinapanood itong nakatitig sa kawalan. Nakita niya itong lumabas ng simbahan matapos itong tawagin ng ina ni Aaron upang ito naman ang mag bigay ng kaniyang eulogy. Nung una ay akala ng lahat na lalapit na ito sa pulpito at kukuwanin sa matandang babae ang mikropono pero laking gulat nilang lahat ng sa kalagitnaan ng paglalakad nito ay bigla itong tumalikod at naglakad palabas ng simbahan.


Hindi nakayanan ni Rob ang bulung-bululngan ng mga tao at ang paghagulgol lalo ng mga taong malapit kay Aaron, hindi nakayanan ni Rob na isiping nahihirapan ngayon si Jase tanggapin ang lahat lalong lalo pa ngayon na kung saan ang seremonyang ito sa loob ng simbahan ang tutuldok at mawe-mwersa sa kanilang lahat na tangapin na wala na talaga si Aaron kaya naman sinundan niya si Jase palabas din ng simbahan.


Akmang tatayo narin sana ang ina ni Jase at susundan ito sa labas ng marahan itong pigilan ni Cha sa pagtayo at tinignan ang naglalakad na si Rob palabas ng simbahan. Nakuwa naman ng ina ni Jase ang ibig sabihin ni Cha kaya marahan na lang itong tumango at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa pulpito upang siya na lang ang magbigay ng mga magagandang salita kapalit ng kaniyang anak.
000ooo000

Hindi man nagsasalita si Rob upang ipaalam kay Jase na andun siya sa likod nito ay tila naman alam na ito ng huli. Nitong mga nakalipas na araw ay si Rob lang madalas ang kaniyang kausap. Mas gusto niya itong kausap dahil hindi siya nito tinatanong tulad ng iba kung “ok” lang ba siya gayong obvious namang hindi siya “OK”, mas gusto niya rin ito dahil hindi ito nagtatanong tungkol sa naging buhay nila ni Aaron matapos ang kanilang mga pagsubok at hindi siya nito kunukwentuhan ng mga alaala niya kasama si Aaron na muling nagtutulak sa kaniya na maalalang hindi na niya makakasama ang namayapang nobyo.


Hindi siya nito kinakaawaan. Hindi siya itinuturing nitong isang babasaging manyika na ginagawa ng ibang mga taong malapit sa kaniya dahil sa takot na baka kapag may nasabi silang hindi maganda sa kaniya ay agad na siyang mababasag at masisira, sa halip ay pinaprangka siya nito at ipinapamukha sa kaniya na ang kaniyang mga maling ikinikilos, iniisip at ginagawa sa sarili dahil sa pagkamatay ni Aaron.


Naging mas madali ang mga nakaraang araw dahil sa mga advise nito na walang duda at pagaalinlangan niyang sinunod at hindi naman nagmintis na makatulong sa kaniya, kaya siguro hindi narin siya magtataka kung bakit andun ito sa kaniyang likod ngayon at tahimik siyang sinusubaybayan.


You must think I'm hopeless.”

No I don't.” matipid na sagot ni Rob.

You kept on giving me advices, some to help me move on. But I can't move on. He's the love of my life. He---” simulang pagamin ni Jase sa kaniya ngayong pinagdadaanan na miya mo isa itong nakakahiyang sikreto. “He's my life---” ilang luha pa ang kumawala sa mga mata ni Jase na agad nitong pinahiran, hanggang ngayon ay hindi parin nito maatim na ipakita sa ibang tao ang kaniyang tunay na nararamdaman. “---I j-just can't---” habol pa ni Jase sa pagitan ng kaniyang mga pagluha.


He's been sick for the longest time. Pinilit ko yung sarili ko na tanggapin na eventually he will be overrun by his sickness and I thought I did. Akala ko natanggap ko na, pero that day, at the hospital, yung sinasabi ko na sa kaniya na it's OK to let go, yung sinasabi ko na everything will be OK, na I will be OK---everything---all of it seems and sounds half meant.”


Wala namang may sabi sayo na mag-move on ka agad agad eh, ang sinasabi namin isipin mo din na may buhay ka--- na mahaba pa ang magiging buhay mo, marami pang pwedeng mangyari, marami ka pang pwedeng malaman at makilala hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa isang sulok dahil nawala si Aaron pero hindi rin naman namin sinasabi na kalimutan mo na siya ngayon din---” pagpapaintindi ni Rob kay Jase pero hindi niya alam kung nakukuwa ito ng huli, hindi niya alam kung naiintindihan siya nito dahil nakatalikod ito sa kaniya at hindi niya makita ang mukha nito.


Wala sa sarili siyang lumapit dito at hinawakan ito sa balikat. Dahan-dahan itong humarap sa kaniya at nagulat siya nang makitang hindi na ito atubili sa pagpupunas ng kaniyang mga luha at hinayaan na lang niya itong dumaloy, pero ang luhang dumadaloy sa mga pisngi nito ay mas marami kesa sa madalas makita ni Rob sa ibang taong umiiyak.


This is not the end, Jase. Many good things will still happen. Take your time. It's not easy, yes pero sigurado ako na everything will be OK soon.” halos pabulong ng saad ni Rob habang tinititigan ng daretso si Jase at hindi naman nagaksaya pa ng panahon si Jase at ibinalik nito ang pagtitig na iyon ni Rob. Walang duda si Rob na naintindihan na ni Jase ang kaniyang gustong ipaintindi dito.


Ilang saglit pang tumagal ang tahimik nilang pagtititigan na iyon, nakita ni Rob kung pano napalitan ng bagong pag-asa ang kanina lang ay lugmok na lugmok ng reaksyon sa mukha ni Jase, kita niya kung paanong ang kaniyang sinabi ay nagbago ng pananaw ni Jase sa mga araw pang susunod ngayong wala na ang kaniyang nobyo.


Mga bagay na hindi alam ni Rob kung pano niya nagawa. Hindi rin naman siya masaya sa itinatakbo ng kaniyang buhay pero bakit hindi niya magawang bigyan din ng advise ang kaniyang sarili, ito ang mga bagay na tumatakbo na sa kaniyang isip nang makita niyang mangunot ang mga kilay ni Jase, walang duda na nakita nito sa kaniyang mga mata ang kaniyang mga sariling pagaalangan sa buhay kaya naman bago pa malaman ni Jase ang kaniyang sariling mga suliranin sa buhay ay agad na niyang pinutol ang pagtititigan na iyon at muli nang nagsalita.


Halika na sa loob, iniintay ka na nila.” putol ni Rob sa kanilang pagtititigan na tila naman ikinagising narin ni Jase. Unang tumalikod si Rob at naglakad na pabalik sa loob ng simbahan nang magsalita si Jase.


Wait.”


Agad na napatigil sa paglalakad si Rob at muling humarap kay Jase. Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang pumikit habang mahigpit na siyang niyayakap ng mga malalaking braso ni Jase.


Thank you, Rob.” bulong ni Jase habang pagaang ng pagaang ang kaniyang yakap sa lalaking kaniyang naging sandigan sa pagkawala ni Aaron. Ramdam ni Rob ang sinseridad sa sinabing ito ni Jase kaya naman hindi niya napigilang mapangiti.


sabi ko naman kasi sayo, anything for a hot guy like you.” nangingiting saad ni Rob na nakapagpailing kay Jase at di kalaunan ay nakapagpahagikgik na dito.

000ooo000

Matindi ang nararamdamang lungkot ni Rob habang pinapanood niya si Jase na nakatitig sa bagong tambak na lupa na siyang kumukulong sa ibabaw ng kabaong ni Aaron. Nagsisimula ng dumilim ang paligid, numipis na ang mga taong sumama sa huling pamaaalam kay Aaron at tanging ilang malalapit na kaibigan at kapamilya na lang nila ang nandun.


Tita, it's getting cold, you should head home, kami na po ang bahala kay Jase.” saad ni Cha sa ina ni Jase na malungkot ding nakatingin sa anak niyang si Jase. Tinapunan saglit ni Rob ng tingin ang ina ni Jase at alam niyang nasasaktan ito para sa kaniyang anak.


Rob---” tawag ng matandang babae sa kaniya. Hindi na niya nagawa pang i-iwas ang kaniyang tingin mula sa tingin ng matandang babae, sa loob ng ilang araw na pagkakilala nilang dalawa ay alam na alam na ni Rob ang tingin na iyon ng matandang babae.


Wala na lang nagawa si Rob kundi ang tumango at tila ba kasali si Cha sa tahimik na usapan na iyon ay agad na niya itong naintindihan at hindi na siya nagsalita pang muli at sinamahan na lang ang ina ni Jase papunta sa sasakyan nito.

000ooo000

Nakita ni Jase na papalapit si Rob sa kaniya. Malaki ang pasasalamat niya dito sa mga nakalipas na araw dahil ito ang naging kausap niya sa mga oras na alam niyang walang makakaintindi sa kaniyang pinagdadaanan, nung mga oras na walang ibang bukang bibig ang mga tao kundi ang naging buhay ni Aaron, panahon kung kailan para sa kaniya ay walang sinasabing maganda ang ibang tao.


Ngunit ngayon, hindi niya alam kung ano ang maaaring sabihin ni Rob na pwedeng makapagpagaang ng loob niya, na pwedeng makalimot sa kung ano man ang nangyayari ngayon.


I just buried my husband. I don't know what's worse than that. I don't know what you could possibly say to change what I'm feeling right now!” palakas na palakas na saad ni Jase na hindi naka-ani ng kahit na anong reaksyon mula kay Rob.


Ilang saglit pa ang lumipas at naisipan ng magsalita ni Rob.


I'm not here to change what you're feeling right now. I'm here to let you know that you're not alone.” saad ni Rob na nakapagpatameme kay Jase.


Hindi inaasahan ni Jase ang sinabing ito ni Rob pero hindi narin siya nagtaka at galing ito sa huli, alam nito kung ano ang nais niyang marinig. Alam nito kung kailan niya gusto na tahimik lang ang paligid, walang nangi-ngielam sa kaniya pero ayaw niyang maiwan magisa, alam nito kung kailan kailangan niya ng tagapakinig sa kung ano mang sama ng loob ang gusto niyang ilabas at alam din nito ang mga bagay na nais niyang marinig.


Saglit niyang tinignan si Rob at nakita niya itong nakatupi ang mga kamay sa dibdib at masuyo at matiyagang nagiintay sa kung ano man ang kaniyang balak gawin.


Ang mga tingin na iyon ang nagtulak sa kaniyang magsalita na ilabas kung ano man ang gumugulo sa kaniya.


It's just that everything is wrong--- everything seems out of place--- everything is out of my control. It's like I'm back in step one--- I don't know what to do---” simulang pagamin ni Jase sa pagitan ng mga hikbi at bagsak ng makakapal na luha mula sa kaniyang mga mata. “I-I f-feel lost---” pagtatapos ni Jase.


Everything starts with the wrong things before it becomes right--- everything will be out of your control before you learn how and when to take control, everyone starts with step one specially when they're lost and doesn't know what to do---” simula ni Rob na ikinakunot ng noo ni Jase.


It's not easy, yes, but Jase, before you can say something is easy you must have to experience first the hard things.” pagtatapos ni Rob.


Matagal na nagsalubong ang kanilang mga tingin at ilang saglit pa ay marahang ipinikit ni Jase ang kaniyang mga mata, walang duda na nais nitong pigilan ang mga luha sa pagtulo pero nakakahanap parin ang mga ito na lumabas mula sa mga magagandang talukap ng mga mata nito.


Ilang saglit pa bago ito tumango, nagpapatunay na sa wakas ay naiintindihan na nito ang sinabi ni Rob.

____________________________________________________

Magdadalawang buwan na ang lumipas at nawalan na ng balita si Rob sa pamilya ni Aaron. Hindi naman na siya nagtaka na nangyari ito sapagkat alam niyang para sa mga naiwan ni Aaron ay isa lamang siya sa mga kakilala nito at hindi maituturing na malapit na kaibigan. Hindi narin ito naging issue pa kay Rob dahil naging abala na siya sa trabaho.


Numinipis na ang mga tao sa opisina nila Rob ilang kaway na ng pamamaalam ang kaniyang ibinalik at ilang tapik sa kaniyang balikat na ang kaniyang tinanguan pero may isang report pa siyang kailangang tapusin at hindi parin lumalabas ng opisina niya si Ace hudyat na ito ay marami paring tinatapos tulad niya at hindi malayong mayamaya ay ipatawag siya nito upang utusan o hingan ng tulong.


Nang sa wakas ay natapos na niya ang report ay wala sa sarili siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan, nakangiting pinatay ang kaniyang computer at nagunat. Iilan ilan na lang sila sa floor na iyon at ang karamihan ay nakatutok pa sa kanilang mga computer kaya naman walang nakapansin nang biglang may tumapik kay Rob mula sa likod at marahan itong nauwi sa isang pisil.


Done?” tanong ni Ace mula sa likod ni Rob.


Agad itong hinarap ni Rob at naabutan niya itong nakangiti at may inaabot sa lood ng bulsa.


Yup.” nakangiti ding sagot ni Rob saka muling nag-unat.


Hindi maikakaila ni Rob na masaya siya na kahit papano ay meron parin silang mga ganitong sandali, yung para bang bumalik sila sa pagiging matalik na magkaibigan kesa ngayong tila ba limitado na ang kanilang relasyon bilang mag-boss o kaya naman bilang fuck buddy.


Uuwi ka na?” wala sa sariling tanong ni Ace kay Rob na lalong lumaki ang ngiti sa mukha.


Yup.” saad nito sabay dampot ng kaniyang bag at sumabay na kay Ace palabas ng opisina.


Nagpaalam sila sa mga natira sa opisina at masayang nagkwentuhan habang nakasakay sa elevator. Habang magkasama ay hindi mapigilan ni Rob na mapansin ang pagiging masiyahin ngayon ni Ace, tila nga bumalik sila sa dati noong nasa kolehiyo pa lang sila kung saan wala silang malaking kumpaniya na pinagtutulungang palaguin.


---and then I saw one of them smile. Biruin mo Rob, sa ilang taon ko ng pag-attend sa mga ganong seminars ngayon lang ako binigyan ng ngiti ng isa sa mga bigatin sa business world. Dun ko naisip na everything is going to be OK.” nakangiti paring saad ni Ace na siyang nagplaster din ng ngiti sa mukha ni Rob.


Ilang sandali pa at lumabas na sila ng elevator at tuloy tuloy na naglakad papunta sa sasakyan ni Ace. Tuloy parin sa pagkukuwento ng kung ano ano ang nauna na masuyo lang pinakikinggan ni Rob, masaya sa magandang mood nito. Nang makita ni Rob na umilaw na ang sasakyan ni Ace nang pinindot nito ang lock ng sasakyan ay aktong aabutin na sana niya ang handle ng pinto ng passenger seat nang biglang nagsalita ulit si Ace, gamit ang ibang tono na siyang gumulat kay Rob.


What are you doing?” kunot noo na tanong ni Ace kay Rob habang minamata nito ang nakastretch na kamay ni Rob at kabubukas lang na pinto ng passenger seat.


---uhmmm---” simula ni Rob, hindi alam kung anong mali sa kaniyang ginawa.


Saglit na nagtama ang tingin ni Rob at Ace. Unti-unting rumehistro sa mukha ni Rob ang realisasyon ang ibig sabihin nang biglaang pagiba ng mood na iyon ni Ace at unti-unti ring rumehistro sa mukha ni Ace ang realisasyon na may pagkakamali din siya sa nangyari.


Hindi kita pwedeng isabay ngayon, Rob--- I'm s-sorry-- I'm meeting Sheila---” simula ni Ace tila may isang malaking kamay na sumampal kay Rob nang marinig niya ang pangalan ng asawa ni Ace, dagdag sa nakakahiyang tagpo nang akalain niyang isasabay siya ni Ace pauwi kagaya ng nakaugalian nila nung sila ay nasa kolehiyo pa lang. “---It's our anniversary---” pagpapatuloy ni Ace na tila lalong nakapagpabaon kay Rob sa kahihiyan, hindi ito nakaligtas kay Ace at agad na natigilan at iniba na lang ang takbo ng kaniyang pagpapaliwanag. “---look Rob--- we can hang out tomorrow---”


No need to apologize, Ace.” kalmadong saad ni Rob habang pilit na pinapakalma ang sarili at pinipigilan ang luha ng sobrang hiya na dumaloy mula sa kaniyang mga mata sa pamamagitan ng pagapakawala ng isang ngiti. “See you tomorrow, yeah?” nakangiting pagkukumpirma ni Rob sabay mabilis na isinara ang pinto ng sasakyan ni Ace at naglakad palayo.


Habang naglalakad palayo ay narinig niya parin ang pagsara ng pinto ng sasakyan ni Ace na walang wala sa naririnig niyang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Dinig niya ang pag-start ng makina ng sasakyan nito na sumasabay sa nararamdamang bigat ng kaniyang dibdib. Nang mapatapat ang sasakyan sa kaniya ay narinig niya pang bumusina si Ace at lalo niyang nilakihan ang kaniyang ngiti kahit pa ngalay na ngalay na ang kaniyang mga pisngi na tila ba kumukontra dahil taliwas ang ginagawa ng mga ito sa tunay niyang nararamdaman.


Stupid.” bulong ni Rob sa kaniyang sarili habang naglalakad patungo sa stasyon ng MRT.


Para siyang zombie na naglalakad, wala siyang pakielam sa mga taong kaniyang nakakasabay na maglakad, wala siyang pakielam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid dahil patuloy parin niyang iniisip ang nangyari sa kaniya kanina nung kasama niya pa si Ace.


Stupid.” umiiling muling saad ni Rob nang muli nanamang nag-replay sa kaniyang isip ang nangyari habnag sumasakay siya sa tren.


Hindi kita pwedeng isabay ngayon, Rob--- I'm s-sorry-- I'm meeting Sheila---” ito ang mga salitang tumatakbo sa isip ngayon ni Rob. Hindi niya kasi mapigilang isipin kung bakit siya nag-assume na isasabay siya ni Ace pauwi gayong matagal na itong hindi nangyayari, hindi niya mapigilang isipin kung panong hindi niya naisip na mapapahiya lamang siya.


---It's our anniversary---” ang mga sunod namang tumakbo sa kaniyang isip. Ngayon, hindi na niya kailangan pang tanungin si Ace kung bakit maganda ang mood nito. Hindi niya muli mapigilan ang mapailing at pumikit upang pigilan ang mga luha sa pagtulo.


Hindi niya alam kung dahil lang sa pagkapahiya kaya siya nakakaramdam ng kagustuhang umiyak o dahil din sa nasaktan siya sa sinabing ito ni Ace.


---look Rob--- we can hang out tomorrow---” ang mga salitang huling tumakbo sa kaniyang isip. Dito naisip ni Rob ang ugali ni Ace na tila ba kilalang kilala na niya. Ang pagiging paasa nito. Pinapaasa nanaman siya nito sa mga huling sinabi ni Ace na ito kaya naman sinumpa niya na hindi na niya ito kakagatin pa kung ayaw niyang makaramdam ulit ng kahit kurot sa kaniyang puso.


Tanga ko kasi.” muli nanamang saad ni Rob sa kaniyang sarili.


Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang isip nang makaramdam siya ng marahang pagbangga sa kaniyang balikt mula sa mga taong nagmamadaling bumaba. Malapit na ang tren sa pinakahuling stasyon kaya naman kakaunti na ang to sa loob ng tren. Saglit na iginala ni Rob ang kaniyang tingin upang maghanap sana ng bakanteng upuan nang mapadako ang kaniyang tingin sa isang lalaking kunot noong nakatitig sa kaniya.


Saglit na nagtama ang kanilang tingin at hindi nagtagal ay lumatay sa mukha ng dalawa ang matipid na ngiti. Nagiba ang itsura ng lalaking katitigan ngayon ni Rob mula noong huli niya itong nakita. Umaliwalas ang mukha nito, walang duda rin na nadagdagan ang timbang nito na lalong bumagay dito. Muling nawalan ng pakielam si Rob sa kaniyang paligid, basta ang alam niya lang ay gusto niyang kamustahin ang lalaking iyon na matagal na niyang hindi nakakausap. Wala sa sariling dahan-dahang binitawan ni Rob ang kaniyang hinahawakang bar na siyang tumutulong sa kaniyang hindi tumumba habang umaandar ang tren at magsisimula na sanang maglakad papunta sa lalaking nakangiti parin sa kaniya kaya lang biglang may nag-announce sa speaker ng tren na nasa huling stasyon na sila at dapat ng lumabas ng mga tao sa tren.


Hindi na nagawa pang lapitan ni Rob ang lalaking gusto niyang makausap dahil marahan na siyang nadala ng mga tao na nagmamadaling makalabas sa mainit na tren na iyon ng MRT. Palinga-linga parin si Rob habang papalabas ng tren at habang nasa platform na siya ng stasyon na iyon, umaasa na makikita niya muli ang lalaki.


Pero numipis na ang mga tao sa stasyon na iyon pero hindi niya parin ito nakikita kaya naman umiling na lang siya at tumalikod na upang lumabas na ng stasyon na iyon. Pero nang makaharap na siya ng ayos papunta sa hagdan ay nakita niya ang nakangiti paring lalaki sa kaniya.


Hey!” saad nito at dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya at ganun din ang kaniyang ginawa.


Musta?!” masaya niyang balik dito pero hindi na nakasagot ang huli dahil may nagmamadaling babae na nakabangga dito na nagdulot upang mabitawan nito ang folder na hawak na puno ng papeles. Mabilis itong pinulot ng nauna at hindi na nagabala pa si Rob na tulungan ito. Nakangiti itong tumingin sa kaniya habang mabilis na pinupulot ang mga papel sa takot na liparin pa ang mga ito at tuluyan na nilang hindi makuwa.


Musta?” ulit muli ni Rob.

Eto OK lang. Ikaw, musta na? Hindi ka na bumalik sa bahay ah.” nakangiti paring saad ng lalaki habang tumatayo ng deretso nang mapulot na nila lahat ng papel at maiayos na ito sa loob muli ng folder.

Medyo nag busy eh---” tipid na sagot ni Rob. Saglit ulit silang nagtitigan at hindi nagtagal ay binalot na sila ng pagaalangan, hiya at kawalan ng masabi sa kabila ng mga matamis na ngiti nila sa isa't isa.

Hey---uhmmm I need to go--” paalam ng lalaki na gumising naman kay Rob sa pakikipagtitigan dito.

Oh uh---sure. Sure. Ingat ka.” paalam ni Rob dahil ayaw na niyang maulit ang nangyaring kahihiyan kanina nung kasama niya pa si Ace.

Ikaw din.” nakangiti nitong balik sabay lakad palabas ng stasyon pero habang pinapanood ito ni Rob maglakad palayo ay wala sa sarili itong tinawag muli ni Rob.

Jase--!” sigaw ni Rob. Agad na lumingon si Jase, nakita niyang papalapit na sa kaniya si Rob.

Want to grab some coffee--- merong malapit na starbucks dito or if you want we can grab some dinner kung hindi ka pa kumakain.” tila awtomatikong radyo na saad ni Rob na ikinangiti naman muli ng malaki ni Jase.


Itutuloy...


Against All Odds 3

[3]

by: Migs 

Comments

  1. Halos isang buwan nanaman akong hindi nakapag-update. Sorry guys. :-(


    MARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!


    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of ten chapters.

    Enjoy guys! ;-)

    EurArc: Salamat. Mahirap din maging uto-uto minsan ah. :-)

    russ: Salamat!

    Mhimhiko: thanks sa hindi paglimot sa mga characters ng mga stories ko. :-)

    marc abellera: Salamat din po.

    Nix: masama na mag-like ng photo? Nagkataon lang na may update ako. Kahit naman hindi ka magbasa OK lang Nixon! Haha!

    Dilos: salamat! ;-*

    xtian: salamat!

    Rober mendoza: Thanks. Kailangang bumawi or else mawawala ang mga readers ko. hihi!

    Jemyro: aha! Be careful with what you wish for. Mahirap na ang mapanguto na bf. :-)

    Jom Gapuz: Thanks. On TV? Naku. Di mangyayari yun. Hihi!

    ANDY: Salamat! ;-*

    September 3, 2014 at 1:26PM: pakilala ka po para mapasalamatan ko kayo ng maayos. Pano pong alam niyo yung kwento?

    Ryge Stan: Thanks po.

    Christian Jayson Agero: akala ko nga nagsawa ka na sa kakaintay kaya hindi ka na nagco-comment at nagbabasa eh. :-(


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. D aq magsasawa migs kahit umm half month n.lng pwede? Heheh

    ReplyDelete
  3. Hi, sir migs. balik comment ako para ma-inspire ka sa pagsulat at pagpost ng mga stories. hehehee. sna patuloy kang magsulat at magpa inspire sa maraming mambabasa. sna madugtungan story mo sa chasing pavement. miss na miss ko na un.

    -Mhei

    ReplyDelete
  4. kuya, una sa lahat hindi okay, haha! madaming mang outlet stress ko mas masaya padin pag andyan stories mo to drown me in feelings aside sa stress na nararamdaman ko. makes me feel more human again at hindi robot na saulo libro at gwa ng praticum here and there. Natawa lang ako kasi sobrang timing kaso medyo heartbroken kasi everytime ka naglilike tuloy nappavisit ako page mo para icheck kung may bagong update haha! pero im not blaming you for my assumptions. medyo assumero lang tlaga ako. haha!

    more power to your work! may narecruit na naman ako magbasa ang I'm waiting for his reactions. haha

    -nix

    ReplyDelete
  5. I can still set limitations for acceptable pang uuto. Haha

    Naeexcite na po ako sa susunod na kabanata. Hugot pa more. Haha great mr. Author.

    ReplyDelete
  6. This is worth the wait! I am a silent reader here Sir Migs and I love your stories! Hindi pa din kumukupas yung talent mo on writing. I used to comment here as anonymous. But now I have my own blog. Sana if you have time you can visit my blog. Ikaw talaga yung isa sa mga pinaka hinahangaan ko na authors :)

    My blog is http://jdsloveencounters.blogspot.com/

    ReplyDelete
  7. hi migs keep on writing. abang na abang ko ang mga stories mo since start !

    mvg

    ReplyDelete
  8. Thank you sa update kuya migs :)

    ReplyDelete
  9. Nakaka excite yung story. Sana po may Next na

    > Ivan D.

    ReplyDelete
  10. Very excited sa next chapter :)) Keep it up kuya idol :)

    ReplyDelete
  11. Gusto ko yung part na mag seselos na si Ace and malalaman niya yung worth ni Rob :)

    Marlon.

    ReplyDelete
  12. Kileeeeeg! hahahahaha thank you somucho sa update migs!

    ReplyDelete
  13. Ohhh interseting chapter kuya migs. excited sa next! :)

    ReplyDelete
  14. Niceeee..ngyun lng ulit ako naka check haha thanks sa update kuya migs! :D

    ReplyDelete
  15. Weee! Thanks sa update kuya migs :]

    ReplyDelete
  16. 10/12/14
    waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh! whew!
    I thought Rob would just let Jase get away like that.
    Time to man up and work for your own happiness Rob.
    You are Jase's salvation; and he's your redemption.
    nice update sir Migs. take care.

    -julio

    ReplyDelete
  17. Hi! A new fan here. Actually nasa different similarities pa lng ako. Pero gusto kong magcomment at syempre dapat dito sa latest update.

    Just wanna say na ang galing ng author, migs right? Kung pano nya napagdudugtong dugtong ung mga stories. Kung pano ung pagkakabuo mismo ng mga stories.

    Tama lang na di na ganun kahaba ung stories at least nandun pa rin ung kwneto. Hindi ung for the sake na mapahaba lng.

    Pagdating sa ending eh ang galing din. Andun ung binibitib ung mga readers. Ung tipong c reader na ang bahalang mag-isip kung pano tatapusin ung like.

    Un lang ang thank you sa mga stories mo.

    -hardname-

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]