Against All Odds 3[2]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Madilim na nang makarating si Rob sa lugar kung saan nakaburol si Aaron. Nasa isa itong magandang side chapel ng isang malaking simbahan. Base sa nakikita niyang mga sasakyan na nakaparada sa paligid ng simbahan ay alam niyang puno ang side chapel na iyon ng mga taong nagmamahal at nagpapahalaga kay Aaron, isang bagay na kinaiinggitan niya mula sa namayapang kaibigan.


Pagpapahalaga ng ibang tao kay Aaron, yan ang kinaiinggitan ni Rob, yun ang bagay na siyang dati niya pa minimithi kaya naman sa tuwing nagpapakita ng kahit kaonting importansya sa kaniya si Ace ay pinapatulan niya ito. Hindi pangit si Ace, sa katunayan ay pangartista ang mukha at katawan nito at sa katunayan din ay minsan ng nahulog ang loob ni Rob dito pero alam niyang hindi sila para sa isa't isa.


Ramdam niyang hindi sila para sa isa't isa.

Minsan narin niyang pinilit ang sarili na bigyan ng pagkakataon ang kung ano man ang pwedeng mabuo sa pagitan nilang dalawa ni Ace, ito ay noong pareho pa silang nasa kolehiyo hangga't makapagtapos na, pero ang lahat ng ito ay nauwi lamang sa pagtataboy ni Rob dito palayo lalo pa nang malaman niyang hindi lang siya ang posibleng masaktan. Habang sinusubukan nila kung ano ang pwedeng mabuong relasyon sa pagitan nila si Ace ay abala rin pala sa pagbuo ng kaniyang sariling pamilya.


Pero may mga pagkakataon parin kung saan nadadala ng tukso si Rob lalo pa't uhaw siyang makaramdam ng konting pagpapahalaga mula sa ibang tao at ito ay nararamdaman lamang ni Rob sa tuwing nagsisiping sila ni Ace, saglit man ito ay naramdaman parin naman niya na kahit saglit ay naging importante siya sa ibang tao, na kahit saglit ay pinahalagahan siya.


Hindi napansin ni Rob na matagal na pala siyang nakatunganga sa loob ng kaniyang sasakyan matapos niya itong iparada, nagising na lang siya nang makarinig siya ng marahang pagkatok sa bintana ng kaniyang sasakyan.


Agad niyang pinunasan ang pisngi niya mula sa mga luha na hindi niya alam na tumulo na pala habang kinakaawaan niya ang kaniyang sarili dahil sa mga naisip. Dahan dahan niyang ibinaba ang bintana ng kaniyang sasakyan at bumulaga sa kaniya ang pagod man ay maganda paring mukha ni Cha.


Kanina ka pa namin iniintay. Halika na!” saad ni Cha saka binuksan ang pinto ng sasakyan ni Rob at literal na hinatak ito palabas ng sasakyan.


Bakit ba nagmamadali ka?”


Kasi kanina pa ako nangangating subukin si destiny!” saad ni Cha na ikinataka ni Rob.


What are you talking about?!”


Nothing. Hindi mo maiintindihan yun dahil hindi ka dyosa katulad ko.” pilosopong saad ni Cha saka tumawa ng malakas.


What the f---?!” natatawa nading saad ni Rob sa sarili habang umiiling. Iniisip na nababaliw na marahil ang magandang babae na kahapon niya lamang nakilala.


Hindi nagtagal at nakapasok na si Rob at Cha sa side chapel ng malaking simbahan na iyon kung saan nandun nakaburol si Aaron. Napanganga si Rob sa ganda ng pagkakagayak ng chapel na iyon. Halatang pinagkagastusan. Nababalot ng kulay puting tela ang buong cjapel simula kisame at pader nito, ang mga bulaklak na nakapalibot sa puting kabaong ay mga puting rosas na tila ba kapipitas lamang, wala mang magagarang ilaw sa paligid nito ay hindi naman ito nakabawas sa ganda ng pagkakaayos sa halip ay tila ba mas mabuti pang wala ang mga ilaw na iyon dahil presko sa buong chapel at walang init na manggagaling sa mga ito ang tanging umiilaw sa burol na iyon ay ang mga ilaw mismo ng chapel.


At sa gilid ng kabaong ay ang larawan ng isang masigla at puno ng buhay na si Aaron. Malayong malayo sa Aaron na kakikilala pa lamang ni Rob ilang araw na ang nakalipas. Oo at nagwa-gwapuhan si Rob kay Aaron nang magkita sila nito pero mas gwapo pa pala ito nung malusog pa ito. Malaki ang ngiti sa mukha nito, daig ang mga modelo ng kahit ano pang kilalang toothpaste commercial at puno ng kinang ang mga mata nito na kahit sino mang makakita ay magsasabi talagang mabuting tao ito.


Wow.”


Jase wants to remember him like that.” pabulong at malungkot na saad ni Cha pero agad niyang binawi ang malungkot na mukhang iyon at nagplaster nanaman ng isang malaking ngiti na alam ni Rob na ang maaaring ibig sabihin lamang ay isang nakakalokong plano.


000ooo000


I'm really getting worried about him.” saad ng ina ni Jase kay Rob na abala naman sa panonood kay Jase.


He won't eat. Tanging yung mga juice lang ang iniinom pero solid food wala paring kinakain. Hindi rin natutulog, iidlip lang saglit tapos maliligo, magkakape tapos tuloy nanaman sa pagbabantay, hindi ko narin siya nakikitang nakikipagusap sa mga taong pumupunta para makilamay---”


What will you expect tita. He loved Aaron so much---”


Oo nga eh. He loves Aaron so much that he forgot to love himself.” umiiling na pagtatapos ng ina ni Jase na ikinalungkot narin ni Rob at ikinailing at muli ding ikinalungkot ni Cha.


Where is he going, tita?” tanong ni Cha sa ina ni Jase habang si Rob naman ay sinusundan lamang ito ng tingin habang naglalakad palabas.


Naku, uupo yan dun sa swing sa ilalim ng malaking puno ng mangga dyan lang sa labas ng simbahan. Madalas yan dun kapag dumadami na yung mga tao, uupo don at babalik lang dito kapag medyo humupa na ang mga tao.” sagot ng ina ni Jase.


Hindi na nakayanan pa ni Rob ang nakakumay na pagaalala ng dalawang babae kay Jase at ang pagpapamukha sa kaniya na mahal ng maraming tao si Aaron habang siya ay malapit na sa wala ang magpahalaga sa kaniya kaya naman tumayo na muna siya at nagpaalam na mag C-CR lang.


000ooo000


Kahit saan siya pumuwesto ay wala na siyang ibang naririnig kundi ang mga kwento tungkol kay Aaron. Alam naman niyang tipikal ito sa tuwing may pinagbuburol ang mga pinoy pero ito rin ang nagpapamukha sa kaniya na hindi na muli niya pang makikita ang tao na itinutukoy ng mga magagandang alaala ng mga taong nandun.


Na hindi na sila pang muli makakabuo ng mas madami pa sanang alaala na sana ay sabay na pinagkukuwentuhan ng mga taong kakilala nila matapos nilang mamatay dahil sa sobrang katandaan.


Nagbuntong hininga si Jase.


Muli ay nananaginip nanaman siya.


Nananaginip na tungkol sa lahat ng mga sana.


Sana ay masaya silang magkasama ngayon, hindi yun andun siya magisa, naiinis sa mga tao na walang ginawa kundi ang magsabi ng mga magagandang alaala ni Aaron na para sa kaniya ay wala pa sa kalingkingan ng totoong pagkatao ng kaniyang namayapang nobyo.


Hindi niya rin maiwasang mainis sa mga taong iyon dahil para sa kaniya ay wala namang mas nakakakilala dito maliban sa kaniya, na wala namang karapatan ang mga ito na magsabi at magbahagi ng mga alaalang iyon nung nabubuhay pa si Aaron dahil hindi nga nila ito lubos na kilala.


This is bullshit.” singhal ni Jase sa kaniyang sarili saka umupo sa swing na siyang naging tambayan na niya simula noong magsimula ang paglalamay nila kay Aaron sa tuwing hindi na niya makayanan pang pigilang lumabas ang mga emosyon na pilit niyang ayaw ipakita sa mga taong gustong makita si Aaron sa mga huling sandali nito.


Yup. Pretty crowded. Kanina nga pagdating ko I was thinking if all of these people actually know Aaron.” saad ng isang lalaki na siyang kumuwa sa pansin ni Jase.


Nang makita na niya ang husto ng lalaking nagsalita ay hindi niya napigilan ang sarili na kumalma sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kung ibang tao siguro ito ay baka magalang na siyang nagpaalam na babalik na siya sa loob at magpapakaabala sa pagaayos ng lamay ni Aaron hanggang sa magpaalam na ang lahat ng tao upang umuwi na.


knew...


Excuse me?” tanong ni Rob nang hindi niya makuwa agad ang sinabi ni Jase.


I said it's knew instead of know.” paglilinaw ni Jase na naintindihan naman ni Rob.


Ah. The past tense thingy. A very touchy subject with people who recently lost someone---” simula ni Rob, hindi niya alam kung bakit niya ito sinabi. Alam niyang maypagka-insensitive ang kaniyang sinabing ito pero pakiramdam naman niya ay hindi ma-o-offend si Jase sa kaniyang sinabi.


Finally, someone who understands.” sarkastikong balik ni Jase.


Must be tough hearing all the good things those people have to say about Aaron like they knew him---the all of him.” balik ni Rob na nakapagpatameme kay Jase sapagkat natumbok nito ang kaniyang nararamdaman sa oras na iyon.


Nabalot sila ng katahimikan saglit.


Do you mind?” tanong ni Rob kay Jase habang tinuturo ang swing, umiling lang si Jase atsaka nagpatuloy na lang si Rob sa pagupo sa isa pang bakanteng swing, nang makahanap na ng kumportableng upo sa swing ay may dinukot si Rob sa kaniyang bulsa at binuksan ito at inalok si Jase.


Smoke?” alok ni Rob. Umiling muna si Jase saka sumagot.


I don't smoke.” balik naman ni Jase na para bang naiinis habang pasimple ding sinasabi na ayaw niyang may nagyoyosi sa kaniyang paligid, hindi naman ito nakaligtas kay Rob na mas pinili paring sindihan ang yosi.


Angry?” tanong ulit ni Rob kay Jase matapos ang saglit ulit nilang pananahimik.


Muling nabalot ng pananahimik ang kanilang paligid na umabot na sa puntong akala ni Rob ay hindi siya sasagutin ni Jase at magbubukas pa sana ng panibagong paguusapan. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na kailangan nito ng makakausap ngayon at kung kailangan niyang isa-isahin lahat ng pwedeng pagusapan ay gagawin niya, swerte niya lang at sumagot na si Jase at hindi na niya kailangan pang mag-isip ng panibagong paguusapan.


Yes.” sagot ni Jase matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila ni Rob. Mahina ang pagkakasabi nito ni Jase kaya naman kinailangan pa itong tignan ni Rob upang makasiguro na nagsalita nga ito.


It's actually part of the grieving process. First is Denial, then Anger, Bargaining, Depression and then Acceptance.” tahimik na saad ni Rob, pinapaintindi kay Jase na normal lang ang pinagdadaanan nito.


Pero nakita niyang umiling ang huli, indikasyon na naiintindihan nito ang kaniyang sinasabi pero hindi siya sumasangayon dito.


It's not that---” umiiling na saad ni Jase at saglit pang natigilan, tila nagaalangan na magpatuloy sa pagsasalita. Imbis na pilitin pa si Jase na magpatuloy pa sa paglalahad pa ng kaniyang nararamdaman ay hinayaan muna ito ni Rob, iniisip na magsasabi ito kapag handa na ito.


Hindi naman nagintay ng matagal si Rob.


He promised that he will love me forever.”


Natameme si Rob sa sinabing ito ni Jase. Sa unang pagkakataon simula nung nilapitan niya ito at kinausap ay isa lang ang kaniyang naiisip isagot sa sinabing ito ni Jase at hindi niya alam kung tama ba ito. Habang nagiisip si Rob kung sasabihin niya ang kaniyang nasaisip ay muling nagsalita si Jase.


He broke that promise.”


Aaron didn't break that promise, Jase. It's just that his forever ended earlier, but still he loved you until his forever.” ang wala sa sariling saad ni Rob, pinakawalan ang mga salitang na gusto niyang isagot dito kanina pa.

Natigilan saglit si Jase sa sinabi niyang ito at tumitig sa kaniya. Kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito at alam niyang kahit papano ay kumukuwa ito ng lakas sa kaniyang mga sinasabi.


He promised he will always be there for me---” parang batang saad ni Jase, iniintay ang mga salitang sasabihin ni Rob na siyang lalong makakapagpagaan ng kaniyang loob.


He's here.” saad ni Rob sabay turo sa puso ni Jase.


Saglit pang tinitigan ni Jase ang hintuturo ni Rob na nakaturo sa kaniyang dibdib. Nabalot muli sila ng katahimikan. Ilang saglit pa at binawi na ni Rob ang kaniyang kamay mula sa dibdib ni Jase at tumingin ng daretso.


Akala ni Rob ay tapos na sa paglalabas ng sama ng loob si Jase nang muli itong nagsalita.


He didn't let me wake up beside him that morning---” tahimik na saad ni Jase, walang duda ang galit sa tono nito na hinayaan lang ni Rob na ilabas ng nauna.


When I woke up, he was gone. He couldn't barely stand. Di ko maintindihan why he would leave the house---” tila ba inis na inis na saad ni Jase, pilit iniintindi ang dahilan ng pagalis ni Aaron nung umagang yun.


Ikaw ba, kung alam mong mamamatay ka na, iiwan mo pa ba yung mga taong nagmamahal sayo at mamamasyal ka pa? Di ba you're going to spend every friggin moment with them as long as you can?! Pero bakit siya---” halos pasigaw ng saad ni Jase sabay turo sa direksyon ng side chapel kung saan nakaburol si Aaron. “---bakit siya, nakuwa niya pang umalis?” pagtatapos ni Jase saka tila ba biglang nanlambot, na para bang ang kaniyang mga sinabing iyon ay siyang humigop ng lahat ng kaniyang lakas.


I didn't get to kiss him and greet him good morning that day. I didn't get to make him breakfast. I didn't get to say how much I love him, I didn't get to hug him so tight.” pabulong na at halos hindi na marinig ni Rob ang mga sinasabi ni Jase pero hindi naman nito napigilan ang huli na sagutin ang mga tanong na ito ni Jase na dapat sana ay si Aaron lang ang nakakaalam.


Destiny---” tahimik na saad ni Rob na alam niyang tanging sagot lamang sa mga tanong ni Jase.


What?” tanong ni Jase, ang totoo ay narinig naman ni Jase ang sinabi ni Rob pero gusto niyang linawin ito, gusto niyang palawakin o ipaliwanag pa ni Rob ang ibig sabihin ng sinabi niyang ito pero hindi siya pinagbigyan ni Rob sa halip ay agad na nitong binago ang usapan.


Are you done? Meron ka pa bang isusumbat kay Aaron?” tanong ni Rob kay Jase upang maiba na ang usapan nila dahil sa totoo lang ay hindi parin kayang i-paliwanag ni Rob maski sa kaniyang sarili kung bakit niya iyon nasabi. Naeskandalo naman ang huli sa sinabing ito ni Rob at ang pagkagulat na iyon ang itinuring sagot ni Rob at nagpatuloy na lang sa pagsasalita.


Good. Because I don't know how the hell am I going to eat these. That woman wearing a very hideous purple dress handed me these and told me that if I don't eat all of this I'm going to experience 10 years of bad luck. Will you eat the other one---” saad ni Rob kay Jase sabay abot dito ng tuna sandwich na ikinailing na lang ni Jase bilang pagtanggi.


Please--- I don't want to experience bad luck for ten years. I'm desperate here.” pagmamakaawa ni Rob. Pinipigilan ni Jase ang mapangiti dahil sa tila ba batang pagmamakaawa ni Rob at nang abutin niya ang isang sandwich ay nakita niya ang biglaang paglatay ng ngiti sa mukha ni Rob.


Dahan-dahang binuksan ni Jase ang tinapay at kinagatan ito. Tinapunan niya ng tingin si Rob na tila ba tuwang tuwa ito na unti-unting nababawasan ang sandwich na kinakain niya. Hindi niya magawang intindihin ang sarili kung bakit hindi niya magawang mainis kay Rob nang ipamukha nito sa kaniya na sinusumbatan niya nga ang kaniyang kamamatay lang na nobyo.


Kasi hindi siya natatakot na ipamukha sayo ang totoo. Hindi siya nagaalangan na sabihin sayo ang totoo dahil lang namatayan ka.” saad ni Jase sa sarili nang maisip niyang ito marahil ang dahilan.


Why are you here? Diba dapat asa Batangas ka kasi sayo yung resort kung saan---” napatigil si Jase nang maisip niya kung ano ang kaniyang dapat sanang sasabihin.


Resort kung saan nawalan ng malay si Aaron” pagtututloy naman ng sariling utak ni Rob sa dapat sana ay sasabihin ni Jase. Nakita niya pang umiling si Jase bago ito magpatuloy sa pagsasalita.


---I mean buti naiiwan mo ang business mo without worrying?” pagtatapos ni Jase na ikinakibit balikat na lang ni Rob.


That's what managers are for.” nakangiting saad ni Rob sabay tapos sa upos ng sigarilyo na muling nakapagpailing kay Jase, iniisip kung paanong nagagawang magkibit balikta ni Rob sa mga ganung bagay, kung paano nito nagagawang gawing madali ang buhay.


Umuuwi lang ako ng Batangas pero dito talaga ako sa Manila nagste-stay. Pinagkakatiwalaan na namin yung manager dun sa hotel.” seryoso ng sagot ni Rob, magsasalita pa sana siya nang biglang nagvibrate ang kaniyang telepono at nang tignan niya ito ay agad siyang napamura. Sadyang inabot ang sandwich kay Jase na dapat sana ay kakainin niya.


Holy shit! It's already nine o'clock?!” umaarteng gulat na gulat na tanong ni Rob sa kaniyang sarili habang tinitignan si Jase na binubuksan ang pangalawang sandwich na dapat sana ay kakainin niya at pinipigilan ang sarili na mapangiti saka ikinansela ang tawag ni Ace sa kaniyang telepono, iniisip na makakaintay ito.


Meron ka pang pupuntahan?” tanong ni Jase kay Rob, hindi makapaniwala na sa ganung oras ay may tumatawag pa dito at may pupuntahan pa ito.


Hmmm---wala naman, manunuod pa kasi ako ng teleserye eh.” nangingiting pagpapalusot ni Rob na siyang nagtulak naman kay Jase na mapatigil saglit. Biglang pumasok sa isip ni Jase na mali pala ang kaniyang pagkakaakala kay Rob, iniisip niya kasi na dahil hindi nito masyadong siniseryoso ang buhay ay pupunta pa ito ngayon sa isang club at magha-happy-happy, hindi niya inaasahan na manunood lang pala ito ng teleserye, hindi tuloy mapigilan ni Jase ang mapatawa ng malakas na ikinagulat ni Rob. Hindi nakaligtas kay Rob ang biglang pagaliwalas ng mukha ni Jase, tila ba bumata ito ng ilang taon sa pagtawa na iyon.


So pano yan, una na ako---” nakangiti paring paalam ni Rob na siyang sinagot naman ni Jase ng simpleng pagtango. Nakangiti parin tumalikod si Rob at magsisimula na sanang maglakad palayo nang magsalita ulit si Jase.


Thank you.” agad namang humarap si Rob dito.


Anything for a hot guy like you.” nakangising saad ni Rob sabay kindat na muling nakapagpahagalpak ng tawa kay Jase habang pinapanood ang tumatawa at kumakaway na si Rob na naglalakad na palayo sa kaniya.


And by the way--- that lady wearing a hideous purple dress is my mom.” pagpapaalala ni Jase kay Rob sa nauna nitong pangiinsulto sa kaniyang ina.


I know. Medyo makulit siya about sa pagpapakain sakin ng sandwich na inubos mo nga pala.” saad ni Rob na ikinamula ng pisngi ni Jase nang makita niyang tama ito at naubos nga niya ang mga tinapay na dala nito.


Stop telling your mother that you're not hungry---” pagpapamukha ni Rob sa kaniya na nagtulak sa kaniya na mapatango at sumunod sa utos ng nauna na miya mo isa siyang bata na pinaparangalan.


Kung hindi pupuntahan kita araw araw dito at sa bahay niyo para lang utuin kang kumain.” pagtatapos ni Rob na nakapagpataas ng kilay ni Jase.


Did you just call me utouto?”


Maybe.” tumatawang sagot ni Rob na muling ginawaran ni Jase ng isang naeeskandalong reaksyon.


A hot utouto naman eh kaya wag ka ng masyadong ma-offend.” saad muli ni Rob na muling gumulat pero di kalaunan ay nakapagpatawa ulit kay Jase.

000ooo000


Everything is going to be OK, Tita. Sigurado ako dyan.” nakangiting saad ni Cha sa ina ni Jase na walang ibang nagawa kundi ang mapaluha at mapatango na lang sa sinabi ni Cha habang pinapanood ang kaniyang anak na tumatawa habang nakikipagusap kay Rob.


Itutuloy...



Against All Odds 3
[2]

by: Migs 

Comments

  1. Sorry for the UBER late post.

    bawi ako next time. promise.

    I love you all guys!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galing migs. Magpa uto nga din ako pag may time . Lol
      Seryosohin ko na tong pag gym ko para hot na uto2. Haha.
      Thanks agai Migs.
      = EurArc =

      Delete
    2. Super love it my damdamin tlaga..tnx migs

      Delete
  2. Thanks sa update Migs. Basa mode muna!
    = EurArch =

    ReplyDelete
  3. The Conversation of

    Jase and Rob is so great


    Thanks Kuya Migz for Updating your story..

    Namimiss ko tuloy si Simon Apacible. pero magkasama na sila ng kapatid niya haixt


    -mhimhiko of pangasinan

    ReplyDelete
  4. Sa bawat update nararamdaman ko tlga. Thank you ser. Can't wait sa next update mo.. :-) :-) :-)

    ReplyDelete
  5. as always it feels as if you are in the exact same place as the characters and feeling the exact emotions they are feeling. ganda ng story. :D

    -nix

    can't wait for the next chapter. :D kaya pala naglike ka ng photo ko kuya. hahaha! nagpaparamdam pala na may update na. SALAMAT SOBRA! :D sana may doubl chap ulit haha (medyo demanding sorry ganda kasi tlaga eh. :D ) stress reliever tlaga sories mo. :D anyway andaldal ko na naman, haha, thank you po ulit and More power! :D

    ReplyDelete
  6. Yung emosyon! Yung damdamin! The feels! Dama ko e. :)

    ReplyDelete
  7. your stories are real perfection migs...

    "xtian"

    ReplyDelete
  8. wow! nice chapter eh. he he he. sarap magkaroon ng ganun maalalahanin at concerned na new found frend. good job migs. bawing bawi ah. he he he

    ReplyDelete
  9. Ang lalim ng hugot! As usual! Gondo! Clap clap! At as usual bitin.

    May mang uto din sana skin katulad ni rob! Haha

    ReplyDelete
  10. Wooh! Grabe! I want to see your works on TV.

    ReplyDelete
  11. excited ako sa destiny!!! well done kuya migs. :)

    --ANDY

    ReplyDelete
  12. author please nasaan na ang up mo ...

    ReplyDelete
  13. grabe author nakakarelate ako sa kuwento mo hindi mo man ako kilala sa part na ito parang alam ko iyong kuwento hehehe...pealse update na po...

    ReplyDelete
  14. Its been a while, ngaun q lng natapos breaking boundaries nila andy at dale!! 😬😬 im sure against all odds will be heavy drama ulit.. 😁😁😁 keep it up sir.. 😬😬

    ReplyDelete
  15. namiss ko to sir migs...


    marc

    ReplyDelete
  16. sangat bagus sekali informasi nya

    ReplyDelete
  17. Hey. I'm not new here. In fact, I've been reading your stories since about three years ago. I really like your stories. Since I'm still unemployed, I've been reading your stories from the start. And Cha is my favorite recurring character, btw. And today, dito ako nahinto bago matulog. Haha. Thank you for writing these.

    -Paulo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]