Breaking Boundaries 2[20] and Epilogue

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


2nd Floor” ang numero at letra na siyang nagfla-flash sa ibabaw ng pinto ng elevator. Bumukas ang pinto at ilang tao ang sumakay sa loob ng elevator halos magkakadikit na sila sa sobrang sikip sa loob ng elevator pero para kay Andy ang mga taong ito ay tila ba hangin sa kaniya at ang tanging kumukuwa sa kaniyang pansin ay ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at ang matinding takot sa kung ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita ni Dale.

“3rd Floor” ilang katanungan ulit ang pumasok sa kaniyang isip at isa sa mga ito ay kung tama ba ang kaniyang gagawin. Kung ito ba ay kaniyang pagsisisihan at kung mas maganda ba na habang may oras pa siya ay talikuran na niya ang kaniyang iniisip na gawin at lumabas na sa elevator na iyon.


“4th Floor” sunod na pumasok sa kaniyang isip ay kung pano ang magiging reaksyon ni Dale sa pagkikita nila, kung magpapakita ba ito ng galit dahil sa huli nilang pagkikita ay itinulak niya ito palayo o magmamadali ba itong yakapin siya ng mahigpit.


Ayaw mang aminin ni Andy sa sarili ay hinihiling niya na ang kaniyang huling naisip ang mangyari.


“5th floor” karamihan ng mga tao na nakasakay niya sa elevator nang tumapat ito sa 2nd floor ay nagsisibabaan na. Pero mas hindi makahinga ngayon si Andy na tila ba siksikan at madami parin siyang kaagaw sa kakaunting hangin sa loob ng maliit na elevator na iyon at nang magsara ang mga pinto ay tila napunta naman sa lalamunan ni Andy ang kaniyang puso.


“6th Floor” Pansamantalang tumigil ang mababaw na paghinga ni Andy habang dahan-dahang bumubukas ang mga pinto ng elevator. Tila bumagal ang takbo ng oras, kasama nito ang pagbagal din ng pagtibok ng kaniyang puso. Oo at sigurado na si Andy na tapos na ang meeting ni Dale dahil nasa labas na ang mga naging kasama dito at sa gitna ng may sampung tao ay si Dale.


At ang tagpong bumulaga sa kaniya ay habang buhay na tatatak sa kaniyang isip.


Isang matabang luha ang mabilis na kumawala sa kaniyang kanang mata at dahan-dahang gumulong sa kaniyang kanang pisngi. Literal niyang narinig ang kaniyang puso na nababasag sa maraming piraso. Kung kanina ay nahihirapan pa lang siyang huminga, ngayon ay tila tuluyan na itong tumigil. Yumuko siya at napagdesisyunan na mas gugustuhin niya pang titigan ang sariling mga paa kesa ang tagpo na bumulaga sa kaniya, pero ganun pa man ang kaniyang ginawa hindi niya parin mapigilan ang masaktan na tila ba nakatitig parin siya sa tagpong iyon.


000ooo000


Nagulat si Dale sa ginawa ng isa sa kaniyang mga bagong business partner. Si Alex Yan Jr, isa sa mga kilalang anak ng prehistisyosong Alex Yan Sr. na siyang founder ng isang kilalang architectural firm sa buong bansa. Nagdesisyon itong kumawala sa anino ng kaniyang ama para gumawa ng sariling pangalan at napili niya ang kumpaniya ni Dale upang gawin ang sariling pangalan na iyon.


Hindi rin kaila na isa sa hindi pagkakaunawaan ng magama ang sexual preference ng nakababatang Alex Yan kaya naman ang paghalik nito sa kaniya daretso sa kaniyang mga labi ay talaga namang nagtulak sa kaniya na magulat ng husto. Una ay natahimik ang buong hallway na puno ng tao sa nangyari pero hindi rin nagtagal ay napuno na ito ng bulungbulungan at usapan matapos magsalita ni Alex.


I'm sorry! Masyado lang kasi akong masaya ngayon at may tumanggap na sakin sa wakas! Alam mo ba kung hindi sila natatakot sa tatay ko ayaw naman nila akong tanggapin kasi mga homophobic yung iba! And besides you're hot din kaya kiniss kita.” humahagikgik na saad ni Alex na nakapagpapula naman sa pisngi ni Dale, wala siyang pakielam sa kung ano man ang sabihin ng kaniyang mga empleyado pero hindi parin niya mapigilang mahiya.


Iginala ni Dale ang kaniyang tingin sa buong hallway upang makita sana kung sino ang mga nakasaksi ng pamumula ng kaniyang mga pisngi pero ang sumasarang pinto ng elevator ang umagaw sa kaniyang pansin. Wala ng isang dangkal ang laki ng nakabukas ng pinto ng mga elevator nang makita niya ang isang pamilyar na itsura. Wala na siyang pakielam sa kaniyang kahihiyan matapos ang paghalik sa kaniya ni Alex, tanging ang malungkot na mukha ng taong nasa loob ng elevator ang tumatak sa kaniyang isip.


Hindi man siya sigurado sa kaniyang nakita ay sigurado naman si Dale sa kaniyang nararamdaman. Si Andy iyon, walang duda para sa kaniyang puso maski ikaila ito ng kaniyang mga mata.


Andy?” bulong ni Dale pero tila ba sigaw ito sa buong hallway dahil bigla muling tumahimik ang lahat lalo pa nang makita nila ang biglaang pagseryoso ng mukha ni Dale at pamumutla nito.


Dale?” nagaalalang tanong ni Alex na walang ideya sa kung ano man ang kaniyang nagawa. Napaisip tuloy si Alex kung tama ba ang kaniyang mga narinig sa ibang empleyado sa kumpaniya ni Dale na iyon na pareho sila ng preference at kung sinira na ba niya ang kung ano sana ay magandang pagsasamahan nila sa kumpaniya na iyon.


Napabuntong hininga si Alex. Iniisip na palpak nanaman siya.


Kissing your business partner?! WAY TO GO, ALEX!” saad ni Alex sa sarili.


I-I'm sorry--- I-I have to go.” sagot ni Dale saka patakbong lumapit sa mga pinto ng elevator at pinindot ang down button nito, umaasa na magbubukas ulit ito at iluluwa si Andy, pero huli na siya dahil nakikita na niya sa maliit na screen sa tabi ng pinto na bumababa na ang elevator na sinasakyan ni Andy ay pababa na ng 5th floor.


Shit.” bulong ni Dale sa sarili saka sunod na pinindot ang dalawa pang elevator sa floor na iyon pero ang mga ito ay nasa ground floor pa at nasa mga mataas na floor naman ang isa na kung iintayin niya pa ay baka hindi na niya maabutan pa ang kaniyang hinahabol.


Shit! Shit! Shit!” singhal muli ni Dale sa sarili saka nagmamadaling pumunta sa hagdan.


Tagdadalawang baitang, minsan tagtatatlong steps pa ang itinatalon ni Dale para mapabilis lang ang kaniyang pagbaba sa hagdanan na iyon, mula sa 6th floor papuntang ground floor. Niluwagan na niya ang kaniyang neck tie upang makahinga ng maluwang, paminsan minsan pang sumasala ang kaniyang paa pero hindi an niya ito inalintana, hindi narin niya pinapansin ang bilis ng tibok ng kaniyang puso at pagpapawis ng kaniyang mga kamay dahil sa takot na baka hindi na niya maabutan pa si Andy.


At kinukutuban siya na kapag hindi na niya ito naabutan ay hindi na sila muli pang magkikita. Lalong nanlambot si Dale nang makarating siya sa ground floor at nakita na madaming tao doon kaya lalo siyang nahirapan na hanapin si Andy. Lumingon-lingon pa siya upang makita manlang kahit dulo ng buhok nito pero hindi niya parin ito mahagilap.


Shit!” singhal ulit ni Dale sa sarili saka mabilis na tinungo ang front door ng building at lumabas na.


Lalong nanlambot si Dale nang mapagtanto niyang mas malaki ang espasyo na kaniya ngayong hahalughugin makita lang si Andy. Tumingin siya sa kaniyang kaliwa at nanghina nang makita ang mahabang bangketa na puno ng mga tao ganun din sa kaniyang kanan at unahan. Wala sa sarili siyang pumikit saglit at hinayaan ang sariling mga paa na dalhin siya sa kung saan, tahimik na nagdasal na sana ay tama ang kaniyang piniling daan.


Lumipas ang ilang minuto pero wala paring Andy na maaninag si Dale. Nagsisimula na siyang mawalan ng pag-asa, iniisip na baka nga hindi sila para sa isa't isa pero sa kabila ng naiisip na ito ay hindi parin maalis si Andy sa kaniyang isip. Sa tuwing pipikit siya saglit ay mukha nito ang kaniyang makikita at minsan pa kahit estranghero pa na nakikipagusap sa telepono na kaniya lamang nakasalubong ang nagsasalita ay boses nito ang kaniyang naririnig.


Malayo-layo narin ang nalalakad ni Dale mula sa kaniyang opisina, pawisan na siya at nanlalambot na sa pagod, nagdesisyon siyang tumigil na muna sa paglalakad. Yumuko lang siya at tuluyan ng nawalan ng pag-asa. Alam niyang si Andy ang nakita niyang iyon at walang duda na nakita nito ang halik na ginawad sa kaniya ni Alex.


It's not what you think, Andy.” saad ni Dale sa sarili sabay nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga katumbas ng nawawalang pagasa.


God, please. I promise to make everything work---just please let me find him.” pagmamakaawang dasal na ni Dale, nasa ganito siyang pagiisip nang biglang may bumangga sa kaniyang tagiliran.


Ay sorry.” saad ng babae na nakabangga sa kaniya. Tumango na lang si Dale at wala sa sariling sinundan ng tingin ang babae na tila ba nagmamadaling pumasok sa isang establishimento na nasa tapat ng kaniyang kinatatayuan.


Nang buksan ng babae ang pinto ng establishimento at nang makita ni Dale ang loob nito ay wala sa sariling napako si Dale sa kaniyang kinatatayuan.


000ooo000


Nanlalambot parin si Andy sa kaniyang nakita kahit pa ilang minuto na ang nakakaraan simula noong masaksihan niya ang paghalik ng isang lalaki sa mga labi ni Dale. Hindi man siya naglagi ng matagal sa palapag kung saan nakita niya sila Dale ay sigurado parin siyang huli na ang pagpunta niya doon at pakikipagusap sana kay Dale.


Ano pa nga bang ine-expect mo eh tinulak mo siya palayo? Malamang maghahanap na ng iba yun.” naiinis na saad ni Andy sa kaniyang sarili.


Feeling mo hahabulin ka niya lagi?” sumbat pa ni Andy sa kaniyang sarili habang naglalakad sa mataong bangketa, walang pakielam sa mga nagtatakang tingin na ibinabato sa kaniya ng mga tao sa kaniyang paligid dahil sa kaniyang pagsasalita mag-isa.


Bagsak balikat at mabagal na naglalakad si Dale at dahil may ilang mga tao sa bangketa na iyon ang nagmamadaling pumunta sa kanilang mga dapat puntahan ay ilan sa mga ito ay lumagpas sa nilalakaran ni Andy. Sa kabila ng malalim na iniisip ay hindi maiwasang makuwa ng mga nagmamadaling ito ang pansin ni Andy at sinundan niya ito ng tingin.


Group Therapy

Ito ang mga salitang nakalagay sa isang signage sa pinto ng establishimento na pinasok ng mga nagmamadaling grupo ng mga babae. Ang kinikilos ng mga ito ay kakaiba sa mga ikinikilos ng mga nagpupunta sa mga ganitong lugar kaya naman nakita na lang ni Andy ang kaniyang sarili na naglalakad papasok ng establishimento na iyon.


Support group. Ito ang isa sa mga ino-offer ng lugar na iyon, base sa mga nakikitang mga larawan ni Andy sa pader, dito madalas nagpupunta yung mga taong kailangan lang may mapaglabasan sila ng sama ng loob, may gustong makaayos na kaibigan na dating nakasamaan ng loob o kaya naman mga magasawa na kumukuwa ng ispirasyon sa mga mag-asawa din na may parehong problema sa kanila.


Pero sigurado si Andy na hindi nandun ang mga grupo ng babaeng iyon para maglabas ng sama ng loob, may makaayos na kaibigan o kaya naman kailangan ng advise sa iba pang magsing irog, iniisip ni Andy kung ano marahil ang nagtulak sa mga babaeng iyon na umattend ng ganung mga pagpupulong nang biglang umalingawngaw ang isang napakagandang boses. Boses na tanging sa boses lang ni Dale niya maihahalintulad, yung tipong hindi siya magsasawang pakinggan.


Good morning everyone! Ang daming umattend ah.”


Nanlaki ang mga mata ni Andy nang makita niya ang may ari ng boses na iyon. Pakiwari niya ay may isang anghel na bumaba mula sa langit. Nasa isang mababang entablado ngayon ang pinakagwapong lalaki na kaniyang nakita, maliban sa gwapong itsura nito ay hindi rin maikakaila ang ganda ng katawan nito dahil sa suot na puting t-shirt.


Ngayon alam na niya kung bakit nagkukumahog ang mga babaeng sinundan niya papasok sa establishimento na iyon. Wala sa sarili siyang napailing at napangiti sabay umupo sa isang bakanteng upuan sa loob ng tila ba isang malaking classroom na iyon.


Our topic for today is about heartaches.” nakangiting saad ng napakagwapong nagto-talk. Hindi nito mapigilang ilabas ang pantay pantay at puting mga ngipin ng marinig niya ang mga taong umattend sa kaniyang talk na sabay sabay na nagsabi ng “AWWWWW!” pero para kay Andy ay balewala ang lahat ng ito dahil naging mas interesado siya sa kung ano man ang malalaman niya sa talk na iyon.


I need a volunteer first before I proceed with the talk. I need someone brave enough who would like to share their major heartache---” biglang tumahimik ang buong kwarto at tila ba nahiya ang grupo ng mga babae. “Anyone?” habol ulit ng gwapong nagto-talk.


Nagtaas ng kamay ang isa sa mga babaeng sinundan kanina ni Andy na siyang binigyan lang ng isang malungkot na ngiti ng lalaking nagpapasinaya ng talk na iyon.


Anyone else? I think all of us knows Audrey's life story already.” nakangiti paring saad ng lalaki kay Audrey na tila naman nahiya at namula ang mga pisngi saka tila ba kinilig at humagikgik kasabay ng kaniyang mga kaibigan.


Iginala ng lalaking iyon ang kaniyang mga mata at nagtama ang mga mata nila ni Andy na agad namang nagiwas ng tingin at biglang hindi mapakali sa kaniyang inuupuan.


Damn.” bulong ni Andy sa sarili ng sumulyap ulit siya sa lalaking nasa entablado at nang makita niyang nakatitig parin ito sa kaniya na miya mo isa siyang gamit sa isang museum na magandang pagaralan.


Dahil sa hindi parin mapakali ay nagpasya na lang si Andy na umalis na lang pero nang tumayo siya ay bigla ulit nagsalita ang lalaki sa entablado.


Good! A volunteer!” sigaw nito, agad na napatingin si Andy sa lalaki upang makita kung sino ang tinutukoy nito pero laking pagkakamali ang ginawa niyang ito dahil naabutan niyang sa kaniya ito nakatitig at matamang nakangiti, walang duda na siya pala ang tinutukoy nito.


Me?” tanong ni Andy na siyang lalong nakapagpangiti sa lalaking nasa entablado.


Yes you.”


Shit.” saad ni Andy sa sarili sabay wala sa sariling naglakad papalapit sa entablado, hindi lalo mapakali sa mga taong matamang nakatingin sa kaniya at nang makaakyat siya sa entablado ay hindi na nagaksaya ng panahon pa ang nagto-talk.


So what's your story?” kasabay ng tanong na ito ng lalaki ay siyang bukas muli ng pinto ng establishimento na siyang kumuwa sa pansin sa lahat ng taong nandun.


Double shit.” wala sa sarili ulit na saad ni Andy nang makita niya kung sino ang bagong dating.


000ooo000


Tila dininig ang dasal ni Dale dahil saktong pagbukas ng pinto ng taong kanina lang ay nakabangga sa kaniya ay nakita niya ang hindi maikakaila na si Andy na abala sa paglingon-lingon sa loob ng malaking kwarto na iyon. Nang muling sumara ang pinto na gawa sa salamin ay natigilan pa si Dale dahil sa nakita niyang sariling repleksyon. Dahil sa mabilis at pagmamadaling paglalakad ay nagulo na ang kaniyang usual na maayos na buhok, ang kaniyang necktie ay tila ba matatanggal na at ang kaniyang polo ay basa na sa pawis at ang coat ay hawak hawak na lang niya imbis na suot suot dahil sa sobrang init. Inayos na muna niya ang kaniyang sarili dahil alam niyang makakaharap na muli niya si Andy at matapos ayusin ang sarili ay hindi na siya nagaksaya na sundan ang babaeng nakabangga sa kaniya sa loob ng establishimento na iyon at pumasok nadin.


Ang hindi niya inaasahan ay ang malakas na pagbagsak ng pinto sa hamba nito nang sumara ito sa kaniyang likod na kumuwa sa pansin ng lahat ng tao sa loob ng mala classroom na kwartong iyon. Nakita niya ang nagpapasinaya sa session na iyon na nakatingin sa kaniya at may matamang ngiti sa mukha at si Andy na tila ba gulat na gulat sa pagitan niya at ng magto-talk.


Nagtama ang tingin ni Andy at Dale at saglit silang nawala sa pagtitigan na iyon na siyang nagtulak sa tagapasinaya ng session na iyon na kumuwa ng iba pang volunteer para sa talk nilang iyon.


Any other volunteers? It seems our volunteer is uhmmm preoccupied with something.” saad ng gwapong facilitator pero ang pansin ng karamihan ay nakila Andy at Dale parin, tila interesado kung ano ang mga susunod na mangyayari.


No, I'll do it.” saad ni Andy habang mataman paring nakatingin kay Dale na agad nangunot ang noo, hindi alintana ang mga nangyayari.


Great!” saad naman ng gwapong facilitator saka umupo sa isang tabi. Tila isang robot na hindi sigurado sa kaniyang gagawin si Andy. Nang nasa ibabaw ng entablado ay natigilan pa si Andy sa kaniyang gagawin dahil sa dami pala ng tao sa kaniyang harapan pero nang muling pumasok sa kaniyang isip ang imahe ng isang lalaki na hinahalikan si Dale sa malalambot nitong labi ay tila ba nagkaroon siya ng lakas ng loob.


Hi. My name is Andy---” simula ni Andy na ikinakuwa na ng pansin ni Dale na hindi na nagawa pang umupo at nagkasya na lamang sa kaniyang kinatatayuan.


““Hi Andy!”” sabay sabay na saad ng lahat ng tao na nandun.


Love life ko? Parang paulit-ulit na roller coaster ride. Like most of you, I've been in love at a very young age where my idiocy is at it's peak and stupidity is like a hobby. Like most of you I fell in love with the sweetest guy---” simula ni Andy pero nang aminin nito ang tungkol sa kaniyang preference ay may mga kababaihan pang nagulat at tila nanghinayang na ikinangiti saglit ni Andy pero lalo namang ikinapako ni Dale sa kaniyang kinatatayuan. Nagsimula ulit mamawis ang mga palad ni Dale sa kabila ng malamig na buga ng hangin ng aircon at kahit pa hindi siya pinapangalanan ni Andy ay alam niyang ang kwento nila ang ibinabahagi nito at ito ay lubos na kumurot sa kaniyang puso pero wala na lang siyang ibang nagawa kundi ang yumuko.


---oh yeah, I forgot to mention that I'm gay---” pagamin ni Andy na siyang lalong ikinahinayang ng mga kababaihan doon. “---anyway I fell in love with the sweetest guy. Laging tama ang mga sinasabi niya depende sa mood ko, laging sakto ang ginagawa niya sa mga gusto kong gawin at lagi akong masaya tuwing magkasama kami---” pambibitin ni Andy saka iginala ang kaniyang tingin sa buong kwarto, tinitignan ang bawat reaksyon sa mukha ng mga tao doon maliban kay Dale.


But that was all he is. A sweet talker. Pa-fall na tila ba nakakataas ng self esteem niya ang pagpapa in-love sa mga inosente at unsuspecting na tao---kaya pala tama lahat ng ginagawa at sinasabi niya dahil yun pala talaga ang gawain niya para mahulog ang mga biktima niya.” ang pagpapatuloy na ito ni Andy ay tila nakapagpaliit kay Dale at tila ba may tumarak na isang mahabang pako sa kaniyang puso. Walang duda na galit ngayon si Andy kay Dale at doon nito hinuhugot lahat ng sinasabi nito ngayon.


Gusto ni Dale na ipagtanggol ang kaniyang sarili pero naisip niya na hindi ito gagawin ni Andy para lamang saktan siya, sigurado siya na ginagawa ito ng nauna dahil gusto nitong ilabas ang sama ng loob na matagal na nitong kinimkim kaya hinayaan na lang niya ito kahit ibig sabihin pa nito ay masasaktan siya.


Para akong ginawang manok panabong. Ginawa pala akong pustahan---” naluluhang saad ni Andy na siyang nagtulak kay Dale upang lalong masaktan. Hindi man siya nasaktan sa mga sinabi ni Andy na pawang puno ng panlalait sa kaniya, mas nasaktan siya nang makita niyang nasasaktan si Andy habang kinukuwento nito ang mga nangyari.


He won the bet with his cousin. I fell for him. I heard about the bet from his own lips. It destroyed me---” natigilan saglit si Andy dahil nararamdaman niyang tutulo na ang luha na kanina niya pa pinipigilang tumulo. Tahimik ang buong kwarto, walang duda na nararamdaman ng lahat ang sakit na pinagdaanan ni Andy base sa kwento nito.


--I need to escape. I need to move on. I need to live through the heartache. Sakto namang nagpapasama sa states ang kapatid ko, during my escape, I swore that I will never fall for anyone again, I would never let anyone get close to me again and then get my heart broken again---”


My heart hardened. I built boundaries around me. I dated several guys but didn't let anyone of them crack me open, naniniwala kasi ako na kaya lang nila ako dine-date dahil may gusto silang mangyari at makuwa sakin, na nagsisinungaling lang sila sakin tulad nung lalaki na ginawa akong pustahan, so ang pinili ko sa lahat ng mga nakadate kong iyon ay yung taong hindi marunong magtago ng totoong pakay niya.” umiiling habang nagpapakawala ng isang malungkot na ngiting saad ni Andy.


Lalong tumigas ang puso ko. Nahuhuli ko siyang nagtataksil pero hinahayaan ko lang ito. This caused a lot of problems sa mga malapit sakin, sinasabi nila na “hindi daw ito healthy” pero wala na akong pakielam, para sakin at least harapan akong niloloko hindi yung puro pa-sweet yun pala ginagago na ko.” pabitin muli ni Andy habang nakikipagtitigan ng daretso kay Dale na halatang halata narin na nasasaktan.


Look! They're looking at each other, hey Andrei is he the guy you're referring to?” tanong ng isang lalaki sa may bandang gitna ng kwarto na agad namang hinampas ng kaniyang katabi.


Kiko, shut up! And he's Andy not Andrei.” saad ni Pol pero sa kabila ng pananaway niyang iyon ay hindi niya maikakaila na curious din siyang malaman kung ang lalaking nakamagandang bihis nga na nakatayo sa may likod ang binabanggit ni Andy.


Andy, Andrei. Sounds the same.” pasinghal na saad ni Kiko sa kaniyang katabi na nagsukli lang sa kaniya ng isang naniningkit na tingin.


Andy, please continue.” nakangiti paring saad ng facilitator sabay tingin sa kinatatayuan ni Dale, tulad ni Pol ay interesado rin itong malaman kung ito nga ang lalaki na nasa kwento ni Andy. Saglit na pinutol ni Andy ang kaniyang tingin kay Dale at ibinalik ang kaniyang pansin sa facilitator at pagkatapos ay sa mga tao na na siyang magiliw na nakikinig sa kaniyang kinukwento, pero hindi na niya madugtungan pa ang kaniyang kwento kaya saglit pa siyang nagisip.


And then I came back in his life.” simula ni Dale sa may likuran ng kwarto na siyang ikinakuwa ng pansin ng lahat lalong lalo na ni Andy at ng facilitator.


Uhmm---excuse me sir but Andy is not yet finished with what he is sharing---”


We have the same story. Ipagpapatuloy ko lang at i-she-share sainyo yung side ng story ko.” putol ni Dale sa sinasabi ng facilitator habang mariin paring nakatingin kay Andy na tila naman takang taka sa gagawin ni Dale, agad siyang nakaramdam ng tila pamimigat ng kaniyang dibdib na siyang umiisang tabi sa naramdaman niyang galit kanina.


Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, iniintay ng lahat ang mga sunod na mga sasabihin ng dalawa. Kinuwa na itong oportunidad ni Dale, huminga muna siya ng malalim at pilit na pinakalma ang kaniyang sariling puso sa mabilis na pagtibok nito.


Andy's brother wants me to fix their house and their brother. I agreed thinking na kung hindi man kami talaga ni Andy, at least makausap ko manlang siya at makapagsorry sa ginawa ko noon. The first few days was awkward and hard---” nangingiti at napapailing na saad ni Dale habang inaalala ang mga nangyari noong unang araw na nagkita muli sila ni Andy at ang pagngiting ito ni Dale ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa huli.


But eventually everything fell on it's place. It's as if hindi kami naghiwalay, bumalik yung dating Andy na kilala ko---” nakangiting saad ni Dale pero ang ngiting iyon aya agad ding nabura. “---pero sa kabila ng magandang nangyayari sa pagitan namin, hindi naman namin kaila na may isang tao na maaaring masaktan. He found out about me and Andy and it totally freaked Andy out. That day ended with all of us hurting. Andy pushed me away, saying na it was all my fault kaya nangyari yung mga nangyari. Naisumbat na lahat---” pagpapatuloy ni Dale na agad pinutol ni Andy dahil sa tingin niya ay napupunta na sa kaniya lahat ng sisi kaya sila nandun sa puntong iyon.


Hindi kita sinumbatan.” singit ni Andy na ikinagulat ng lahat lalong lalo na ni Dale na medyo ikinainis narin nito.


Oh really? Kasi naaalala ko pa hanggang ngayon yung sinabi mo sakin after Tom left the room.” balik ni Dale na ikinamula ng pisngi ni Andy.


What? You're blaming all of these on me?! Seriously?!” naiirita ng balik ni Andy kay Dale.


Natigilan ang lahat sa biglaang pagasim ng tagpo sa kanilang harapan. Ang nangungulila at puno ng pagtangis na reaksyon sa mukha ng dalawa kanina ay tuluyan ng napalitan ng inis.


Kung pinagexplain mo lang ako noon imbis na umalis ka at pumunta sa states---”


What the fuck?! I was hurting, Dale! Masisisi mo ba ako?!”


At least pinagpaliwanag mo sana muna ako!”


Para ano? Para bilugin ulit yung ulo ko?! Hindi na uy!” ang sagot na ito ni Andy ay saglit na naglatay na sakit sa mukha ni Dale na hindi naman nakaligtas sa nauna.


Sinundan kita sa states para bilugin lang ulit ang ulo mo?! Isipin mo nga ang mga sinasabi mo bago ka manumbat! Do you really think I would spend 40 thousand for a plane ticket para lang bilugin ulit ang ulo mo?” balik ni Dale na nakapagpatameme naman kay Andy.


Ooooohhhhh!” saad ulit ng lalaking nagngangalang Kiko sa hanay ng mga tagapakinig.


Shut up, Kiko!” singhal naman ni Pol na parang batang dinilaan lang ng nauna.


OK I think it's time for my---” simula ng facilitator pero muling nagsalita si Andy.


I was hurting, Dale. Can you blame me for thinking that way?” malungkot na tanong ni Andy na siyang tumunaw sa pagkairita ni Dale at nakapagpakalma saglit dito. Iniisip na muli nanaman niyang sinasaktan si Andy.


Pero sa kabila nito ay ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento.


He pushed me away.” malungkot na saad ni Dale na siyang nakapagpangilid sa luha ni Andy. Iniisip kung gaano niya nasaktan si Dale nung araw na iyon.


And then, ilang araw ang lumipas matapos niya akong ipagtulakan I found myself sa harapan ng bahay nila, ready to fix some door knobs but not ready to face him yet, but when I saw him para bang nakalimutan kong ipinagtulakan niya ako palayo, all I want to do is to hug him and kiss him---” nangingiting saad ni Dale na ikinakilig ng mga nakikinig lalo na ng mga kababaihan na nandun pero nang mabura ang ngiti sa mukha ni Dale ay agad ding sumeryoso ang lahat.


---that was until he asked my what I was doing there. Wala na lang akong nasabi sa sarili ko kung hindi “Wow. Ayaw niya talaga akong makita.” I remember the feeling na parang ipinatutulakan ulit ako papalayo.” malungkot na pagtatapos ni Dale na ikinagulat ni Andy dahil hindi naman iyon ang nais niyang iparating kay Dale noong araw na iyon, tinanong niya lang ito para may mapagusapan sila hindi para ipagtulakan niya ito palayo. Ngayon naaalala na niya kung bakit biglang nanlamig si Dale sa kaniya nung araw na iyon at kung bakit tila ba latang lata ito na may kaakibat pang galit at inis.


Dale---” simulang pagpapaliwanag sana ni Andy ngunit muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.


And then nung papalabas na ako ng bahay nalaman ko na aalis pala ulit siya. Tatakas ulit siya. Imbis na makipagusap kay Tom at magsorry sa mga nagawa namin at kausapin ako na huwag ko na siyang lapitan mas pinili niya yung pagiging makasarili niya at nagdesisyon nanamang tumakas.” malungkot na pagpapatuloy ni Dale sabay iling habang nakatingin ng mariin sa mukha ni Andy na binabalot nanaman ng inis sa mga sinabing ito ni Dale.


Selfish? You're calling me selfish?!” naiinis na simula ni Andy na ikinapaling ng pansin ng lahat ng nandun sa kaniyang kinatatayuan.


OOOOOHHHHHHH!!!” tila nae-excite sa nangyayari na saad muli ni Kiko na ikinagawad ng pagirap mula kay Pol at pagsaway mula dito pero hindi ito pinansin ni Dale at Andy.


Selfish ba yung kanina lang nasa office mo ako para kausapin ka--- magsorry and at makikipagbali---” pigil ni Andy sa kaniyang sasabihin pero hindi naman ito nakaligtas kay Dale na tila naman nabuhayan ng loob at pinigilan lamang ang sarili na mapangiti. Ngayon, hindi na kaila kay Dale kung bakit pumunta si Andy sa kaniyang opisina kanina.


--para kausapin ka only to find out na may bago ka na at nakikipaghalikan sa ibang lalaki! Sa hallway! Sa harapan ng lahat ng mga tauhan mo! Ako parin pala ang selfish?!” tuloy tuloy na saad ni Andy habang papalapit ng papalapit kay Dale na hindi inaasahan ang biglaan nanamang pagpapakita ni Andy ng galit.


AAAAWWWW! You messed up this time, dude!” saad ni Kiko kay Dale na ikinaeskandalo ni Pol.


““SHUT UP!”” sabay na saad ni Dale at Andy kay Kiko na agad naniklop sa kaniyang kinauupuan dahil sa sobrang hiya.


Mali ang iniisip mo, Andy!”


So what?! Hinahalikan mo lahat ng empleyado sa opisina mo?!” singhal ni Andy pabalik.


Oo!---” balik ni Dale na nakapagpataas ng kilay ni Andy.


--I mean HINDI---” habol ni Dale na ikinairap naman ni Andy.


Whatever---” simula ni Andy na ikinasagad nanaman ng pasensya ni Dale.


Geesh! Napaka kitid talaga ng utak mo! Ni hindi mo pa nga alam ang mga nangyari eh! Ni hindi mo nga alam kung sino ang naginitiate ng halik---” simulang saad ni Dale na nakapagpatameme kay Andy, pero hindi na natuloy pa ni Dale ang sasabihin dahil may sumabat na sa kanilang pagtatalo.


Hindi mo ba alam yung three month rule?! Ilang days palang nung naghiwalay kayo ni Andy nakikipaghalikan ka na agad sa iba.” sabi ng isang naiinis na tagapakinig na kumuwa ng pansin ng lahat at siya ring sinangayunan ng iba.


““Oo nga!”” sabay sabay na saad ng ibang tagapakinig.


Panong three month rule eh technically naman hindi naging si Andy at Dale ulit.” sagot ni Pol na ikinagulat ng lahat lalo na ni Kiko na siyang katabi nito.


Tignan mo, ikaw din pala sasabat.” naniningkit matang saad ni Kiko kay Pol na ikinapula ng pisngi ng huli.


Ang masasabi ko lang isa kang asshole, Dale! Three month rule or not hindi parin tama na nakikipaghalikan ka na sa iba lalo pa na alam mong pwedeng magbago ang isip ni Andy---!” balik ng isa pa sa mga tagapakinig na ikinasagad naman ng pasensya ni Dale lalo pa nang makita niya ang tila ba nangiinis na ngiti ni Andy na para bang nagsasabi “Tignan mo, kampi sila sakin. Mali ka.”


““Oo nga!”” saad ng karamihan ng taong andun, habang ang iba naman ay nagbibigay din ng kanilang mga kumento sa kanikanilang sarili at mga katabi dahil sa wala silang lakas ng loob na sabihin ito ng malakas sa buong kwarto.


Iniwas ni Dale ang kaniyang tingin sa mga nanghuhusgang mga tao na may kaniya kaniya ng pinaguusapan at ibinaling ito kay Andy na matamang nakatingin sa kaniya. May pangungusap sa mga mata nito, nangungusap na magbigay pa siya ng paliwanag tungkol sa nasaksihan nitong halikan, nangungusap na sabihin ni Dale na mali ang kaniyang iniisip patungkol sa halikan na iyon.


Yes. I was the asshole who made him fall in love just to win a bet---” malakas na simula ni Dale na kumuwa sa pansin ng lahat. Muling nilunod ng katahimikan ang buong kwarto na nagsasabing interesado parin ang lahat sa sasabihin ng dalawa.


---I was the asshole who broke his heart and turned it to stone, I was the asshole who was coward enough to admit his love for this person till it's too late--- but I was the asshole who broke all the boundaries he built and made his heart learn how to love again---” pagpapatuloy na pagamin ni Dale habang masuyo parin nakatingin sa mga mata ni Andy na habang binabalikan lahat ng alaala ng pananakit sa kaniya ni Dale noon ay tila ba binabalot muli ng galit pero kasama ng galit na iyon ay isang kakaibang pakiramdam na tila ba pinaghalong tuwa at takot sa mga sunod na sasabihin ni Dale.


---and I'm the asshole na hanggang ngayon ay in love na in love parin sa kaniya. Three month rule or not that kiss was nothing to me.” mahinang pagtatapos ni Dale na siyang bumura sa lahat ng nagsisimulang galit ni Andy.


I'm the asshole who keeps on praying every night since the day he left for the states na sana bumalik na siya sakin, na paniwalaan niya yung totoo kong nararamdaman sa kaniya noon---”


Nabalot muli ng katahimikan ang buong kwarto, hindi dahil iniintay nila ang mga susunod na mga mangyayari kundi dahil iniintay nila ang mga susunod na sasabihin ni Dale habang mariin itong nakatingin ng daretso sa mga mata ni Andy na tila nagulat sa mga nangyayari at hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso.


---and I'm the asshole ---” simula ni Dale habang dahan dahang lumalapit kay Andy hanggang sa dumikit na ang matipuno nitong dibdib kay Andy, hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ng huli at hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga labi. “--who's going to ask him to be mine again--- to be mine forever.” pabulong na pagtatapos ni Dale na nagdulot ng mga luha ni Andy upang mangilid.


Asshole---” bulong ni Andy sabay marahang itinulak ang matipunong dibdib ng nauna na nakapagpangiti kay Dale.


Pero agad ding nawala ang ngiting iyon ni Dale nang makita niya ang biglang pagseryoso ng mukha ni Andy at ang muling pagkonekta ng mga tingin nito sa tingin niya, tila nawala ang lahat ng tao sa malaking kwartong iyon, hindi na marinig nila Dale at Andy ang mga excited na bulungbulungan ng mga tao doon, ang mga impit na iritan ng mga kinikilig na babae at ang pilit na pagpapatahimik ng gwapong facilitator sa mga ito.


But you love this asshole, right?” tila batang hindi sigurado na tanong ni Dale kay Andy na ikinangisi ng huli.


Hmmm let's see.” balik ni Andy na ikinamutla ni Dale nang hindi niya makuwa agad na binibiro lang siya ni Andy.


This asshole loves you, though.” pagamin ni Dale na ikinamula ng pisngi ni Andy.


I know.” nakangisi paring sagot ni Andy.


Do you still want to be mine?” nagaalangan paring tanong ni Dale kay Andy pabulong lang ito pero tila ito sigaw kay Andy, kitang kita niya ang pagaalangan ni Dale pero sa kabila ng pagaalangan na iyon ay kitang kita niya rin ang pag-asa at ang sinseridad.


Kitang kita niya ang pagmamahal.


Agad na nakaramdam ng takot si Andy, tinatanong ang sarili kung handa na ba siyang harapin ulit ang mga bagay na hinarap na niya noon. Kung handa na ba siya kung sakali---


Oo handa na ako.” saad ni Andy sa sarili hindi na hinayaan na balutin muli siya ng pagaalangan, hindi na hinayaan na muli siyang magtayo ng pader na alam niyang sa huli ay makakasakit lamang sa kanilang lahat.


Tumango lang si Andy bilang sagot sa tanong ni Andy at ang walang pagaalinlangan na pagtangong iyon ang tanging kailangang sagot ni Dale. Unti-unting nangilid ang mga luha ni Dale at Andy, nagkakaintindihan sa tahimik na pagtititigan na iyon at masuyong pagngiti.


KISS!” sigaw ulit ni Kiko na gumising kila Andy at Dale sa kanilang paguusap ng masinsinan.


Epilogue

Matiyagang naghihintay si Andy sa unahan ng building ng opisina ni Dale, alam niyang ilang minuto na lang ay maglalabasan na ang mga ito upang magtanghalian at huminga saglit mula sa kanikanilang mga trabaho. Hindi nga nagtagal isa-isang lumabas ang mga empleyado mula sa opisina ni Dale, mga nakangiti na wari ba'y masaya sila na nakaalpas sila saglit sa trabaho. Ilang minuto pa ay lumabas na si Dale, tulad ng iba ay nakangiti rin ito at masayang nakikipagkwentuhan.


Hindi mapigilan ni Andy ang mapangiti din. Hinding hindi siya magsasawang tignan ang ngiting iyon ni Dale, ang pagkislap ng mga mata nito sa tuwing tatawa ito at ang maamo nitong mukha na tila ba lagi siyang inaanyayahan na halikan ito, pero ang ngiting ito ay agad nabura nang makita niya ang marahang paghawak ng kamay ng lalaking kausap nito sa matipunong dibdib ni Dale.


Son of a b---” simula ni Andy at mabilis na lumapit at sinalubong sila Dale.


Lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Dale nang masurpresa siya nang makita niya si Andy, hindi alintana ang pasugod nitong paglalakad pasalubong sa kanila o kaya ang magkadikit nitong kilay dahil abala siya sa pagtitig sa mga labi nito at pangangati na ilapat ang kaniyang mga labi sa labi nito.


Hey you!” masayang bati ni Dale kay Andy at niyakap ito ng mahigpit at inilapat ang kaniyang mga labi sa mga malalambot na labi ni Andy.


Ang ginawang ito ni Dale ay nakapagpatunaw sa galit ni Andy sa lalaking nagngangalang Alex sa panananching nito kay Dale. Agad na namula ang mga pisngi ni Andy at bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nang maghiwalay ang kanilang mga labi sa maikli pero puno ng emosyon na halik na iyon.


Hey.” mahinang balik ni Andy na muling nakapagpangiti ng matamis kay Dale.


What are you doing here? Aren't you supposed to be at home writing your article?” masayang tanong ni Dale kay Andy na agad nanamang namula ang pisngi na tila ba nahihiya ito sa kaniyang isasagot.


Namiss kasi kita eh.” mahinang sagot ni Andy na agad namang nagtulak kay Dale na halikan muli ito sa labi.


Namiss din kita---” masayang balik ni Dale matapos nitong halikan sa labi si Andy. “Naglunch ka na ba? Anong gusto mong kainin?” tuloy tuloy na tanong ni Dale na sinagot naman ni Andy sa pamamagitan ng pagkibit balikat.


I know this new pasta place that I want to try---” simula ni Dale na agad namang ikinangiti ni Andy.


Sure, let's try it.” balik naman ni Andy saka siya hinila ni Dale papunta sa bagong kainan.


Wait, let me say hi to Alex first.” saad ni Andy kay Dale na ikinataka ng huli pero pinili na lang na ikibit balikat. Pinanood niya kung pano lapitan ni Andy si Alex na ngayon ay nakikipagusap na sa iba pa nilang kaopisina matapos niyang iwan upang salubungin si Andy.


Stay away from my boyfriend or else---” singhal ni Andy kay Alex na nagulat sa biglaang pagsulpot ni Andy sa kaniyang tagiliran. Natigilan ang kaniyang mga kausap at tinignan ng mariin si Andy at Alex na tila ba hinahamon ang huli na sagutin ang pahayag na ito ni Andy.


ugghh---uhmmm---sure?” nagaalangang sagot ni Alex na ikinangiti ng nakakaloko ni Andy.


Toodles!” saad ni Andy sabay kaway na miya mo hindi niya binantaan si Alex.


Nakangiting tumalikod si Andy at naglakad papunta kay Dale na masuyo ding nakatingin sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero tila ba wala namang saysay ang pagbabanta niyang iyon kay Alex dahil alam niyang hindi na siya muli pang sasaktan ni Dale at alam niyang hindi na muli pa silang magkakahiwalay.


-wakas-


Breaking Boundaries 2

[chapter 20]

epilogue

by: Migs

Comments

  1. Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(

    So this is it guys! :-)


    MARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!


    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    Migil: Salamat din! Haha! Wala na sa picture si Tom pero may bagong mangaagaw. Haha!

    Migz: Salamat po for not getting tired sa paghihintay sa updates ko. :-)

    russ: Salamat po! Hugs!

    Anonymous May 29, 2014 at 9:06 AM: salamat po! Pakilala po kayo next time sa comment niyo para mapasalamatan ko po kayo ng maayos.

    Therese llama: Ayos sa pambobola ah! Salamat padin! :-*

    Dilos: this is it na talaga! :-)

    mhimhiko of Pangasinan: opo last na po ito for this series. :-)

    racs: salamat po! Ang bagong anyo ng aking blog ay isang malaking pasasalamat kay sir Ezekiel. :-)

    jemyro: naks! Ikaw na ang gala! About your feeling, hihi!

    Zidjian: magsulat ka na dyan! :-P

    WaydeeJanYokio: parang excited ka ng matapos ito ah? Haha!

    ANDY: ahahahaha! Magkakatulutan naman ata kayo.

    Charles: thanks! ;-)

    Hey Adams: Dady fans club talaga? Ahahahahaha!

    Chants: thanks din po!

    Marc: nabitin ka parin ba sa chapter na ito? :-)

    Ryge Stan: mukhang nakita naman na nila ang makapagpapaligaya sa kanila. :-)

    Ken: Thanks din po sa patuloy na pagbabasa! :-)

    carl: thank you din po!

    Chase: Thanks din po! :-)

    Tedy: Thanks po! :-)

    Lyron Batara: Ending na po! :-)

    Edz: thanks po! :-)

    Julio Antivo: Thanks! Sorry at nabitin kita sa huli chapter. :-)

    JP: sorry po no clue ako dyan.

    Karl: Thanks din po!

    Joshua D.C.: hmmm I don't know kung masusundan ko pa ang Chasing pavements. :-(

    Ned: thanks din po!

    Christian: Thanks din po!



    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. For More TRUE Stories Vist this Blog:LnLDiary

      Thanks !!!

      Delete
  2. Hihihi done reading hehehehe galing galing hehehehe kala ko babalik uli sila sa batangas hihihi :D next story......AAO feel ko mabigat bigat ang isang to

    ReplyDelete
  3. Hehe. hindi naman kuya. tnx pala sa pag grant ng wish ko na sana umabot to ng chap. 15 extended pa nga eh, hangang 20. hehe

    ~ASSHOLE!!! ang cute nyo!!! ang ganda ng story. eksena pa si pol at kiko. from LAIB ba oh BB din?

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  4. Nice way to end this Migs! At ang paborito kong si Kiko ay narito. Hahaha Tuwang-tuwa talaga ako sa timawang yan. Ang kulit lang talaga niya. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. For More TRUE Stories Vist this Blog:LnLDiary

      Thanks !!!

      Delete
  5. PL~

    "I was the asshole who broke all the boundaries
    he built and made his heart learn how to love
    again.. and I'm the asshole who's going to ask
    him to be mine again--- to be mine forever."
    ~BB2 # MSBSS # CHAP20 # ENDandEPI. # KKKL !
    Haha

    kuya pahiram netong line ah. pinost ko sa fb. hehe

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  6. Waaaa! Tapos na :( ahaha i read from the start ulit para mafeel ang kilig! Ngayon lang ulit nakapag comment. Nice idol! I will wait for your next story :)

    Ivan D.

    ReplyDelete
  7. super super super love the ending sir migs..and i smell new character here..hehehe..

    ReplyDelete
  8. Ang arte arte ni Andy hahahaha.
    But this kind of story happens in real life. Yung react muna bago iask yung side ng kabila.. hehe

    Before reading this chapter I was a bit emo but while reading it nagoodvibes talaga ako. Galing mo idol! :)

    ReplyDelete
  9. isa sa pinaka magandang endings!!!

    ang galing ng naisip mo na ending kuya migs. as in super Wow! lumampas sa expectation ko. biruin mo yun may twist pa na ganon.

    i love it!! yung tipong sana isang chapter pa na puro kilig at loving loving moments namen ni Dale!! haha. grabe abot tenga yung ngiti ko hanggang ngayon na tinatype ko tong comment na to.

    idol talaga kita kuya migs. napaka sulit talaga ng pinaghintay ko na matapos mo tong story na to.

    thank you ulit sa paggamit ng name na Andy. feeling feeling ako. hahahaha. love you kuya migs. ingat lagi po.

    excited na sa bago mong update.

    --ANDY

    hindi ko prin malog in yung account ko.

    --ANDY

    ReplyDelete
  10. About my feelings??? I was still right though... Tinapos mo lang agad ang agam agam... Haha...

    Great job mr. Author! Its really hard to find that perfect match! Roller coaster ride talaga! Haha....

    ReplyDelete
  11. I really love happy endings kahit make believe lang.. It still somehow gives hope that there is real and unconditional love.. Thanks for a nice ending, actually great ending to a great story.. You and Zeke never fail to give a smile in my face.. Looking forward to more stories coming from you..

    ReplyDelete
  12. Argh! Too adorbsss!! I really love how light and cute this whole series! Itong breaking boundaries talaga ang isa nagpapakilig sakin! Love you asshole Migs! HAHAHAHA. :)

    -dilos

    ReplyDelete
  13. wow! kung may book lahat ng stories mo, malamang sa malamang gagawin kong collection ko. So cool.

    ReplyDelete
  14. Galing talaga! Ganda ng ending! Kulit tlga ni kiko "Ohhhhhhh" hahahahaha...yung bangayan nila nag eenjoy ako dun sa part na un..ksi kahit nagsusumbatan sila parang sweet pa din nila hahahaha Thank You kuya migs sa super duper gandang story na ito! Lahat naman ng story mo super duper maganda hahahaha :D

    ReplyDelete
  15. Congrats Idol hehe..

    Story done and AAO3
    is coming

    i really love all of your stories..Starts from LAIB





    -mhimhiko of pangasinan

    ReplyDelete
  16. grabe migs super kilig ending..hehe..ang cute ng eksena nila pol at kiko..akala ko nga si charity yung nabangga ni dale eh..hehe..

    basa ko yung reply mo sa mga comments....well isa parin ako sa nagaabangan ng CP hanggang ngayon..ano ba kasi ginawa mo at nasa presinto ka??bat si jp yung tinawagan mo??ano bang ang kinahinatnan ng lhat sa inyo ni pao..at ngayon pano ba pumasok si mjre or nanjan na talaga siya at iba ang pagkakilala naming??

    excited na ako sa aao3..part ba nun si alex??or yung gwapong facilitator??hope to see miss charity..haha..nagkalovelife na ba siya??

    PS. paalam lang ako migs..baka di ako makadalaw regularly dahil sa work..minsan kasi walang internet eh..palipatlipat ako ng lugar...well always hoping for your next story at sa chasing pavements..ingat lagi migs

    -theresellama

    ReplyDelete
    Replies
    1. btw migs...di pambobola ko sa last comment ko..totoo yun walang halong biro...kasi ikaw kaya mo akong gawin bahagi ng kwento mo eh..yung damang dama ko yung sakit at kilig.. tapos yung tipong humahagulgul ka sa iyak kahit sweet scenes dahil alam mo yung ending eh sad (CP2-CP5 at aao1 talaga naiiyak ako migs lalo na dun sa CP2 CP3 at yung early ng CP4 na kilig scenes)...diba sa totoong buhay pagmasasayang alaala yung na aalala mo tapos parang di na parehas ng sa ngayon naiiyak ka din..parang ganun sakin yung kwento mo parang kasama ako ng characters sa lahat..yun lang..pramis walang halong bola..love you migs

      theresellama

      Delete
  17. Waaaa Epilogue na pala! haha kakakilig yung mga pangyayari hahaha sulit na sulit lagi ang paghihintay! ahay tapos na ang BB2 >_< basahin ko nlng ulit kung mamiss ko sila haha ung ginagawa ko kung namimiss ko mga characters sa story mo XD..anywaaay, GREAT STORY! thank you kuya migs! Excited na kming lahat sa new story weeeeeeeee!!! hahhaha

    ReplyDelete
  18. Ayie huuuuung ganda, the best ka talaga migs your stories are amazingly perfect. How I wish the next one would be much exciting.... Im sooo excited to read the next story kaya post mo na migs!!!

    Have agreat day and Keep up the good work...

    ReplyDelete
  19. Waaaaw! ganda ng ending..simula hanggang patapos maganda lahat! *two thumbs up* ...thank you migs for this story! :)

    ReplyDelete
  20. Galing ng ending!!! Hong saya2x ng mga reaction ni Kiko muhahahaha! Toroy ni andy dun sa last part hahahaha I laveeet kuya migs! many many thankies sa story na to! mwa!

    ReplyDelete
  21. Sayang naman po hindi niyo na masusundan chasing pavements. :( But still, kudos to your work! For me, you are the best writer amongst your contemporaries. :) Proven and tested since Love at its best pa lang. :)

    - Joshua D.C.

    ReplyDelete
  22. Very Nice ending! thank you migs! :)

    ReplyDelete
  23. Waaaa ending na pala..hehehehe another great story ends! ty migs :) aabangan ko nxt story mo c:

    ReplyDelete
  24. CONGRATS SIR MIGS!

    Natapos ko din! What a kilig-ending! Thank you sa story na ito.
    Pag binabalikan ko tong account na ito, di ko mapigilang mag-expect
    sa update ng story kasi nadadala talaga ako. haaaaaaaaayyyyyy!
    Tapos na sya so, AAO3 na ba susunod?
    I need to be ready for that, dahil babaha ang luha ko just like
    what happened to me in AAO1 & AAO2! congrats and thanks
    for the wonderful story Sir Migs! Ingat lagi. Hope to see you in person (lols)
    IKAW NA!

    xoxo,
    Julio

    ReplyDelete
  25. ang galing nung ending ah! sa dami daming stories na sinusundan ko ito lang ang binabasa ko dito sa barko... galing kasi author eh...

    ReplyDelete
  26. tamang tama ngayon lng ako naka internet ulit.. haba ng binasa ko hehehehe walang bitin moments haha..ganda ng ending buti na lang nawala si tom sa eksena..curious ako tuloy kung saan siya napadpad hmmm may story din kaya sya? XD thank you migs sa magandang story na ito.. God Bless! :D

    ReplyDelete
  27. I like this chapter/ending...parang...ending sya pero merong patikim sa mga next na story na gagawin mo hehehehe..thank you and congrats sa story na to :)

    ReplyDelete
  28. Waaa tapos na pala hahahaha..congrats kuya migs..great ending po..na enjoy ko tlga yung scenes :) thank you po!

    ReplyDelete
  29. Wow! GREAT ENDING! Congrats and thank you migs! :D

    ReplyDelete
  30. Great story po...galing mo po tlga hehehe :)

    ReplyDelete
  31. para akong tanga naiiyak natatawa na kinikilig andaming emosyon ang nailabas ko sa kwentong to haist...still the best :) - echo

    ReplyDelete
  32. nice migs.. hahaha... di na bitin.. excited na sa next na story
    ngayon ko lang nabasa, walang net sa probinsyang pinuntahan ko hehehe


    marc

    ReplyDelete
  33. Ngayon lng ako naka internet ulit! Very nice ending migs..i really enjoyed it :D ngyun magbabasa naman ako ng AOO3 prologue haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]