Sunday, October 28, 2012

CHASING PAVEMENTS 5[2]

DISCLAIMER: The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission. The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page. If you DON'T like the way the author presented or narrated this story then you can click/tap the back button and read other stories or you can visit other blogs. If you don't like the story, you don't have to read it and give the author some bullshit after.

Oh, and some stories in this blog also contains profanities.

Hindi ako mapakali sa ilalim ng nanunukat na mga mata ni Erwin at Tony.
I still can't read him.” sagot ni Erwin kay Tony sabay inom sa kaniyang tasa.

I can't smell him either.” sagot naman ni Tony habang nakatitig parin sakin.

Ewan ko sa inyong dalawa.” sagot ko naman sa mga ito sabay sabi ng pasasalamat sa baristang nag-abot sa aking ng aking kape.


Simula kasi noong sumulpot si Pao noong umagang iyon sa ospital ay hindi na ako tinigilan ng dalawa patungkol sa aking sekswalidad na mariin ko namang itinatanggi. Ipinipilit nilang meron silang nakitang kuneksyon sa aming dalawa ni Pao lalo na nung magtama ang mga tingin namin nito.


He ain't homophobic---” simula ni Tony na agad ko namang binara habang naglalakad kami papsok ng department store.


Di porket di ako homophobic eh bakla na ako.”


Hindi rin siya nandidiri kapag naghahalikan tayo---” simula ni Erwin na agad ko ring binara.


It's because I have an open mind.” balik ko na agad namang nagtulalak sa dalawa na magkatinginan.


What?” balik ko sa mga ito lalo pa't nakita ko ang sabay na pagngisi ng mga ito.


Isa lang ang paraan para mapatunayan ang pagkalalaki nito eh.” nakangising saad ni Tony na agad namang ikinatango ni Erwin sabay hila sa akin sa likod ng isang mahabang sabitan ng mga damit.


Inaamin ko, sa dalawang kasamahan kong ito ay kay Ton, Tony or Anthony ako na-a-attract dahil sa mala artistahin nitong appeal kaya naman nang isandal ako nito sa pader at halikan ng mariin ay hindi ko narin napigilan ang sarili ko na ibalik ang maalab na mga halik nito. Nang ihiwalay ni Tony ang kaniyang mga labi sa aking mga labi, hindi pa man ako nakakabawi ng hangin ay agad namang inilapat ni Erwin ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.


Walang emosyon pero mainit ang halikan na iyon na umabot pa sa punto na naramdaman ko na may matigas na bagay akong nararamdaman sa aking harapan mula sa katawan ni Erwin. Hindi pa doon natapos ang lahat sapagkat naramdaman ko pa na yumakap samin ni Erwin mula sa likod si Tony, hindi rin kaila na nagugustuhan na din nito ang kaniyang nakikita sa amin ni Erwin dahil may naramdaman din akong matigas na bagay na sumusundot sa aking likod.

Ahem.”


Sabay sabay na naghiwalay ang aming mga katawan nang marinig namin ang mahinang paglilinaw na iyon ng lalamunan ng isang babae na manager ata sa department store na iyon sa hindi kalayuaan. Naabutan namin ang humahagikgik at namumulang pisngi na miya mo kinikilig na manager na nakatingin sa aming direksyon.


S-sorry.” naibulalas ko na lang habang hindi alam kung saan magtatago dahil sa sobrang hiya.

Don't be. That was hot.” sabi na lang nito sabay lakad palayo. Agad akong tumalikod at tinignan ng masama ang dalawa.

““Confirmed!”” sabay na sabi ng dalawa na lalong ikinamula ng aking pisngi.


0000oo0000


Hey douchebag!” bati sa akin ni Kuya na matagal ko ng iniiwasan dahil sa takot na makita niya sa mga mata ko ang ginawa namin ni Pao mau ilang linggo na ang nakakaraan.

Hey.” walang gana kong bati pabalik sabay tayo mula sa sofa at nagmamadaling pumunta sa may kusina.

Hey, did I do something wrong? Napapansin ko na ilang linggo ka ng umiiwas sa akin.” saad ni kuya na halos ikatalon ko dahil sa gulat. Hindi pagaalala ang naririnig ko sa boses nito kundi tila ba panunubok.

What?!” depensa kong tanong dito. Tinignan ako nito ng mariin.


Binalot kami ng katahimikan.


What did you do, Miguel?” pabulong na tanong ni kuya na lalo kong ikinakaba.

I-I--” simula kong paghingingi ng tawad dito nang biglang mag-ring ang phone nito na naging dahilan upang mag-excuse ito at putulin ang aming paguusap.


0000oo0000


Matapos ang muntikan ko ng pag-amin sa aking kuya at ang alam kong napipintong pagsasalpukan nanaman ng aming mga ego at pride ay ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na muli pa akong gagawa ng bagay na magtutulak muli sakin na sirain ang umaayos ng relasyon naming mag-kuya.


Pero hindi ko inasahan na ang pangakong ito ang pag-iinitan ni tadhana.


0000oo0000


Choco Almond Frappe.” sabi ko sa barista na siyang kumuwa ng aking order. Nginitian na lang ako ng barista at tumango, binayaran ko na ang kape at aktong pupunta na ako sa claiming area ng cafe na iyon nang makita ko si Pao na may kasamang isang babae na dumaan sa may unahan ng cafe na tatambayan ko sana bago ang aking duty.


Kat?” tanong ko sa sarili ko ng ma-mukhaan ko kung sino ang babae na iyon, agad din akong yumuko at natago nang makita kong papasok ito sa cafe na akong kinaroroonan.


Jim, pwede bang pakidala na lang sa table ko yung kape ko?” pabulong kong tanong sa barista, hindi pa man ito sumasagot ay agad na akong nagtago at pumunta sa pinaka sulok na table sa loob ng cafe na iyon.


Kitang-kita ko kung paano pabalik na makipag-flirt si Pao kay Kat na kilalang kilala bilang isa sa pinakamalanding nurse sa buong ospital. Hindi ko mapigilan ang sariling ulo na mag-init lalo pa't patuloy sa pag-arte na para bang nangangating mag-syota ang dalawa.


Hi Migs! Wanna try our new drink?” malakas na pagkakasabi ng isa sa mga naging ka-close ko ng barista na ikinalingon nila Kat at Pao na nagdulot naman sakin para magtago sa likod ng libro na aking binabasa.

Shhh!” saway ko sa barista na agad na nagdikit ang mga kilay sa pagtataka.

Oh uhmmm-- I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Jim na agad nawala ang ngiti sa mukha na ikinakonsensya ko naman.

Hey. It's me. I was just in one of those rude mood is all. I'm sorry.” paghingi ko ng tawad kay Jim na muling ngumiti at ipinaliwanag ang bagong inumin nila sa cafe na iyon sabay upo sa upuan sa aking tabi. Muli akong sumulyap sa gawi ng lamesa nila Pao at Kat at mukha namang hindi nila ako napansin. Siguro ay napansin din ni Jim na hindi ako nakikiknig sa kaniya kaya't nilingon niya rin ang kinaroroonan nila Pao at Kat.


---Hey is this a bad time, I mean--- it's obvious that you're not listening like your mind is somewhere else.” simula ulit ni Jim na muling ikinabalik ng atensyon ko sa kaniya.

Shit. I'm sorry, Jim.” paghingi ko ulit ng tawad.

Hey it's no biggie. This stuff is boring anyways. You might want to try it though, it's really really good.” pangungumbinsi ulit sakin ni Jim, hindi ko narin napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa nang makita ko muli ang magandang ngiti nito.

Sure.” sabi ko dito sabay abot ng kamay ko bilang senyas na gusto kong tignan ang inaalok nito pero bago pa man niya i-abot sakin ang inumin ay sumulyap muna ako sa gawi ng table nila Pao.

Here you go.” saad ni Jim ngunit hindi ko inintindi ang pag-abot nito sakin ng inumin dahil nagtama na ang tingin namin ni Pao. Agad akong napabalikwas nang ma-realize ko na nakita na ako ni Pao kaya naman ang iniaabot na inumin sakin ni Jim ay nakabig ko.

Oh shit!” naibulalas ko nang maramdaman ko ang malamig na inumin sa aking braso.

Sorry!” agad na sabi ni Jim sabay abot sakin ng ilang tissue upang tuyuin ang natapong inumin.

Ako yung dapat mag-sorry kasi hindi ako tumitingin sa inaabot mo. Wait, medyo malagkit yung drink, I'll just wash it off sa C.R.” paalam ko kay Jim at nagmamadaling pumunta sa may CR.

Shit! Shit! Shit!” naiinis kong sabi sa sarili ko matapos mahuli ni Pao ang pagsulyap sulyap ko sa pwesto nila ni Kat, ipinapadyak ko rin sa inis ang aking paa habang inaanlawan sa lababo ang aking kamay.

I'm such an idiot sometimes!” singhal ko ulit sa sarili ko sabay tinuyo ang aking mga kamay tumalikod na ako mula sa salamin ng banyo at maglalakad na sana palabas ng biglang bumukas ang pinto at bigla akong napasandal sa pader ng banyo.

What the hell Pao?!” singhal ko dito sabay sapo ng batok ko.

Why are you spying on us?!” naniningkit mata at nakangising tanong sakin ni Pao, tinulak ko ito palayo pero dahil mas malaki ang katawan nito ay di ako nagtagumpay at nakita ko na lang ulit ang sarili ko na muling nakasandal sa pader ng CR habang dinadaganan ni Pao.

I was not spying! Nauna ako sa cafe na ito so hindi ko kayo sinundan ni Kat at lalong hindi ko kayo iniispiyahan!” singhal ko pabalik kay Pao na laong ngumisi at inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.

And why do you look like you're so pissed?” nakangisi paring tanong ni Pao na lalong ikinainit ng ulo ko.

I was pissed because I can't fucking believe that you would flirt with someone who doesn't know the real you. You're being fucking unfair to Kat!” singhal ko dito pabalik na lalo nitong ikinangisi.

You're acting like a jealous girlfriend. Admit it. You're jealous.” pambubuyo pa ni kumag, sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumulaga samin ni Pao ang gulat na gulat na si Jim.

Oh--- uhmmm I'm s-sorry.” nauutal na saad ni Jim sabay talikod. Agad akong humiwalay sa pagkakadagan ni Pao at tinignan ito ng masama.


Why would I be jealous? What happened that night was a one night thing only. Nothing more nothing less.” singhal ko kay Pao na tila naman ikinatunaw ng yabang nito base sa nakita ko sa mukha nito. Ngayon, ako naman ang ngumisi.

You and Kat deserves each other. Pareho kayong makati.” pahabol ko na ikinamula ng pisngi ni Pao.


0000oo0000


You said that?!” gulat na gulat na tanong ni Tony sa akin na ikinahagikgik naman ni Erwin.


That bitch got what she deserves. A hard core asshole like Pao. They really do deserve each other.” umiiling na pagsang ayon ni Erwin matapos humagikgik.


Ikinuwento ko na kasi sa kanila ang lahat lahat ng nangyari at ang iba naman ay nabasa na nila sa blog ko na hindi ko rin napigilang sabihin sa kanila.


You sounded a little jealous, though.” singit ni Tony na ikinagulat ko.


What?!”


Well you didn't have to look at their table all the time and ignore Jim if you don't at least care a little bit.” gatong naman ni Erwin na ikinainis ko.


I don't care about that asshole, OK?! Geesh! Some friends you are!” singhal ko sa mga 'to sabay walk out. Bago pa man ako makalayo sa dalawa ay narinig ko ang mga ito na humagikgik.


Pero bago ko pa man tuluyang hindi na marinig ang hagikgikan ng dalawa ay napaisip din ako.


Bakit nga ba ako ganun ka-apektado?


0000oo0000


Sakit sa utak nung duty na yun ah. Walang patid talaga ang pagiging toxic mo, Migs. Pabinyag ka nga ulit.” pangaasar sakin ni Tony habang naglalakad kami sa loob ng isang mall para maka-uwi.


Wala ka ngang ginawa dyan eh!” singhal ko naman pabalik. Sasagot na sana si Tony nang bigla itong nabangga ng kung sino at na out of balance.


Ton are you OK?” tanong ko kay Tony sabay alalay dito patayo.


Dude, I'm sorry.” paghingi ng patawad ng lalaking nakabangga kay Tony na ikinapako ko naman sa aking kinatatayuan.


Migs?” tawag pansin sakin ni Donna na nakatayo sa tabi ni JP na tila napako din sa kaniyang kinatatayuan nang makilala niya kung sino ang kaniyang mga nakabangga.


0000oo0000


You guys are co-workers?” tanong ni Donna sa aming dalawa ni Tony.


Matagal akong hindi nakasagot hindi dahil hindi ko narinig o naintindihan yung tanong ni Donna kundi dahil abala parin ako sa pag-iisip kung paano ko pinabayaan na makasalo sa iisang table sila JP at Donna. Nagising na lang ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang bahagyang paniniko ni Tony sa aking tagiliran.


Huh? Oh yeah, yeah magkatrabaho nga kami.” sagot ko naman.


Migs oh.” saad ni Tony sabay lagay ng isang piraso ng chicken roll sa aking plato. Alam kasi nito na paborito ko ang chicken roll at dahil allergic din siya sa manok at wala siyang magagawa kundi ang ibigay na lang ito sakin kesa masayang pa. Pero ang ginawang ito ni Tony ay hindi nakaligtas kay Donna na tila naman kinulayan ng malisya ang nakitang iyon dahil sa paniningkit ng mata nito at kay JP na agad na sumama ang mukha.


We are going to watch a movie, wanna join us? Tagal na nating hindi nakakapag-usap, Migs.” aya sakin ni Donna.


Ay. Sine, maguusap? Tanga ka ba o nangga-gago, Donna? Sinong tanga ang magkukuwentuhan sa sinehan kesa manuod ng sine na siyang ipinunta mo naman doon?” sabi ko sa sarili ko na siyang pinaplano kong sabihin pero walang ka latuy-latoy na “Sure.” lang ang sinagot ko na ikinasamid naman ni JP at ikinataka ni Tony.


0000oo0000


Naunang pumasok sa hilera ng mga upuan si Donna, kasunod ni JP pagkatapos ay ako atsaka si Ton. Huli na ng maisip ko ng magkakatabi pala kami ni JP kaya't di pa man sumasayad ang puwitan ko sa upuan ay muli akong tumayo. Nagulat ako nang maramdaman ko ang mahigpit na paghwak ni JP sa braso ko, tinapunan ko ito ng nagtatakang tingin na agad naman niyang sinalubong ng isang hindi ko maipaliwanag na tingin.


Ang ilang segundong pagtitigan namin ni JP na iyon ay tila naman ilang oras para sa akin. Hindi ko mawari kung nagmamakaawa ba ito o nagagalit dahil sinira namin ni Ton ang lakad nilang magnobyo.


JP?” tawag pansin ni Donna na marahil ay nagtataka narin sa inaasta ni JP.


Lilipat lang ako dito sa kabilang upuan, nakatapat kasi sakin yung aircon.” wala sa sarili kong sagot na tila naman lalong nagpagulo sa isip ni Donna.


Ha?” tanong ni Donna.


Yung popcorn, hawak ni Migs.” pagpapalusot naman ni JP, wala sa sarili ko na lang na inabot ang bucket ng popcorn kay JP. Tila kinagat ni Donna ang palusot na iyon ngunit hindi si Ton na sa kabila ng dilim sa loob ng sinehan ay kitang kita ko ang naniningkit na mga mata habang lumilipat ako ng upuan.


0000oo0000


That was a great movie! I want to watch it again!” masayang saad ni Donna sabay angkla kay JP.


That was an awkward movie.” bulong ni Ton na siyang ikinakuwa ng pansin namin ni JP, mabuti na lang at abala si Donna sa pagkukuwento sa mga gusto niyang tagpo sa pelikula at hindi niya ito narinig.


Alam ko ang ibig sabihin ni Ton sa sinabi niyang iyon. Kung ipapa-describe niyo sakin ang pelikulang iyon gamit ang isang salita, ang pipiliin ko ay ang salitang “awkward”. Wala kasing tigil si JP sa kaka lingon sa aming kinauupuan ni Ton at wala rin itong tigil sa pagpapatahimik saming dalawa sa tuwing magbubulungan kami.


Nakita kong magsasalita pa sana si JP nang bigla siyang hilahin ni Donna.


Hey guys una na kami! It was nice hanging out with you guys! It was nice meeting you, Ton. Ingatan mo yang kaibigan namin ah.” makahulugang pagtatapos ni Donna sabay kindat kay Ton na ikinamula ng pisngi naming dalawa.


Sumulyap ako kay JP, sasabihan ko sana ito na mag-ingat sila ni Donna pauwi pero hindi na nakuwa pang lumabas ng mga salitang yun sa bibig ko nang makita ko ang pulang pula nitong mukha at nanggagalaiting mga mata.


0000oo0000


That was weird. Super weird.” bulalas ni Ton nang makasakay kami sa bus. Marami pang sinabi si Ton ngunit hindi ko na naintindi pa ang mga iyon dahil abala ako sa pagtitig sa kotse na lumiliko papasok ng isang motel. Bigla akong nahirapang huminga. Bigla akong nasaktan.


They're a couple, Migs. Couples have sex.” pagpapaintindi ko sa sarili ko habang pinapanood na mawala ang kotse na sinasakyan nila JP at Donna sa driveway ng motel.


I forgot something.” wala sa sarili kong sabi na ikinagulat ni Ton.


Wha---?!” ngunit hindi ko na narinig ang sunod pang sinabi nito dahil nagmadali akong bumaba ng bus, nilakad ang kahabaan ng mall at tumawid papunta sa ospital.


0000oo0000


Kitang-kita ko ang naguguluhang mukha ni Pao nang pagbuksan ako nito ng pinto ng docotor's quarters. Nilagpasan ko ito at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto, lumingon-lingon at nang masigurong walang ibang tao doon ay itinulak ko ka-agad si Pao pasandal sa isang pader at hinalikan ito sa labi.


Sinimulan ng subukan ni tadhana ang aking pangako sa sarili.


Itutuloy...


CHASING PAVEMENTS 5[2]
BY: MIGS

31 comments:

  1. Hey Migs! Pa-shut down na dapat ako when I saw a new blog post. Kala ko pa-birthday gift mo sa kin yung bagong chapter ng AAO, pero thanks pa rin lalo na't you're finding a bit more time in your busy sked to share your stories with us. =)

    It's actually my first time to comment in this series, so here it goes.

    Haba ng hair ni Migs! May JP na, may Pao pa. At may Erwin and Tony pa on the side. Andami pang katanungan lalo na kung paano mai-ko-connect 'to sa first scene sa Chapter 1, pero chill muna ko. Hehehe.

    Looks like I have to reread the first 4 books para ma-refresh ako, hahaha!

    - Edmond

    ReplyDelete
  2. bago 2 binasa,binasa ko pa uli ung 4 na naunang part.......nrefresh ko utak ko d2 hahahahaha.......liberated ung part dito mo kuya migs.....hehehheheeeheehee

    ReplyDelete
  3. gwapo mo, migs! daming nahuhumaling sayo! hahahahahahahaha

    ReplyDelete
  4. sarap mong saktan kuya migs! ahaha bat ganon ang buhay! ikaw na ang may kissing scene sa mall! ahaha at sa doctor's quarter..

    ReplyDelete
  5. yes akala ko medyo matatagalan ang update pa nito.hehehe.maganda tong chasing pavement talaga.thumbs up.take care always...



    ReplyDelete
  6. hot and confusing chapter

    wla q ibng msbi, kumakapa pa dn aq sa icp q peo paulit-ulit sa icp q ung last scene xD

    ReplyDelete
  7. That was good!

    Migs mas bet ko itong chasing pavements!

    Please please please more!

    ReplyDelete
  8. Yun na! Displacement ata ang tawag dun. Haha. Ibinaling sa ibang paraan at ibang tao ang selos na nararamdaman.

    ReplyDelete
  9. w0w kuya migs .gust0 k0 t0ng chasing pavements.sana magkar0n k ng time na p0st ng p0st neto. Kahit every weekemd lng.

    ReplyDelete
  10. nasan po yung chasing pavement 5 part 1 po... salamat po.

    ReplyDelete
  11. Author Migs!

    NAMAN! haha..bitin, ikaw ha bad!Don't promise to anything to your self till your decided, preference is different from a decision. AT Talagang si Pao pinuntahan mo?(assuming nakilala XD) tsk tsk..

    AGAIN!! Biglaan kanaman mag post nitong Chasing Pavements! walang pasabi, check lang natin,august 26 to be exact haha.. tulad ng iba binalikan ko din yung CP2-1 di ko naintindihan erwin at tony palangXD anyways co-worker mo pala and pao's your kuyas' ancient ex -_-

    back to the story, haha, nahuli ka na pala na your in the same group, kung makadeny sagad taob naman nung hinalikan, buti na lang everytime na sasabihin ko na im open minded and anytime na tatanungin ako with that question talang with conviction! I'm straight! hahaha!! tapos ang hot seat na usapan ^_^

    ..and with this Pao, let us know! haha

    ..to JP, kaasar, selfish much may donna na gusto niya pati ikaw *(lesson learned hindi lahat ng matyaga siguradong gusto ka, hindi porket anjan pagkailangan mo ng masasandalan commited na sayo,minsan kasi too much closeness is mistaken as love rather than brotherly love or kung ano mang tawag sa term na yun!)

    ..to donna, amnesia ang peg, don't she remember anything between you and jp..haist to her

    PS
    Author Migs hangwapo mo talaga :D gusto tuloy kita makita XD

    *Author Migs, di ako galit ha, nabigla lng ako nabasa ko kasi Chasing Pavements-2, so napaisip ako then click ko ,basa unti,di ko gets then hanap last epsiode, ayun haha..

    *Walgn AOO, inantay ko panaman yun :(
    kaya ba ng pagsabayin?
    uber busy parin ba?

    -aR

    ReplyDelete
  12. Nawala ang utak ko sa part na ito,buti may mga refresher kaya nakuha ko agad kung sino-sino yung mga characters.,hahaha :))


    nice one kuya migs! ^__^

    ReplyDelete
  13. Wew migz you are really an amzing writer ang galeng, I was caught in the storm kz di ko maintindihan who's who, good thing I read your previous stories, I admit for I while medyo nalito ko but when JP and Donna came in the scene naalala ko na hehehehe,


    have a great day and happy halloween!!!!

    ReplyDelete
  14. di ko siya binasa. sinubukan ko lang pumunta. nag search ako sa Google. then eto ang naclick ko. HAHAHA! di ba pede ia EBOOK to?

    ReplyDelete
  15. ayy hala bat walang ganyan eksena sa ospital namin.. hahaha

    ReplyDelete
  16. Ayan na re-read ko na ang CP. Grabe pala pinagdaanan mo Migs. To endure those pains, grabe. Such a strong person.

    Btw, curious ako kung anong movie yang pinanood mo. Tsaka I'm curious dun sa first chapter kung bakit ka na-detain. Heheh

    I'm for JP parin for you, 'cuz Pao can really be an asshole sometimes. :)

    ReplyDelete
  17. ~haha .. Yes! Buti nga kay jp! Selos mode sya .. Haha ng galaiti kya ako sa knya nung nandun kayo ni al sa luob ng aparador .. Tas sila ni dona my ginagawang karumaldumal .. Haha

    ~~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  18. ~haha .. Yes! Buti nga kay jp! Selos mode sya .. Haha ng galaiti kya ako sa knya nung nandun kayo ni al sa luob ng aparador .. Tas sila ni dona my ginagawang karumaldumal .. Haha

    ~~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  19. hi kuya migs..last month ko lng po latuklasan itong blog nyo ar first time ko lng po mg comment nabasa ko na po halos lahat ng stories nyo..ung short stories na lng tsaka AAO ang d ko po nababasa..sobrang ganda ng mga gawa nyo

    sobrang ganda ng LAIB1 sobra ang tuwa ko po ky cha..haha..pati po ung love story ni pol gnda dn po..

    ung wish ko po sna si edison tsaka si martin lg po ngkatuluyan..hahaa..pero okay narin po ung mga nakatuluyan nila..haha

    so far po maliban sa CP book two po DS ung pinaka gusto ko..ang cute po ni liam at patwick...

    tapos akala ko po sa TTTDAMO na irereveal ang love charityana po ma kwento nyo na po..super excited sa saint of all bekis...hahaaha..sobrang ganda rin po ng story ni igi at josh..kaht dream lng ung sper ganda..sana mgkatuluyan nga po sila sa future..

    sa CP1 da best pp ubg technique nung pagkasulat feeling ko po nanonood ako ng hollywood movie..sobrang dami nyo na pong pinagdaanan..pakatatag po kau at ingat palagi....di po ba pwedeng si "pat" n lng po ang mahalin nyo?sure nmn po ako na mahal pa po kau nun...oh another thing pp di akalain na bi si dave kala ko panam sila ni faye ang mgkakatuluyan..

    -M

    ReplyDelete
  20. boss migs. bakit ganito.. awa ako ki migs.. pwede hapi ending na... napapagod na kz c migs dito..

    ReplyDelete
  21. boss migs.. gawaan mo nmn ng magandang story c migs dito ung hapi na sya .. na aawa na ako ki migs dami nyang nadaan ala pa rin ng tagumpay.. gusto ko hapi ending na..

    ReplyDelete
  22. san na po yung karugtong??? hehe

    ReplyDelete
  23. Migs!!! kailan durugtungan ito? nawili ako sa chasing pavement... super ako avid fan mo....


    franc ng pamp

    ReplyDelete
  24. Hi Migs,

    I've been wanting to ask you a lot of things about yourself and the people around you. Mejo hesitant nga lang ako and I'm a bit shy. It seems kasi na you don't want to share that part of you sa mga katulad kong strangers which I completely understand. Anyway, sorry sa pagiging intrusive. Mejo nagiging attached na kasi ako sayo kaya lumalabas ang pagiging sensistive and paranoid ko about things. Sorry.

    - MJRE

    ReplyDelete
  25. Update na po Sir migs :D Excited na ako sa susunod


    -Ryan

    ReplyDelete
  26. wala pa?? hmmmm... update naman ja mr. author oh. thanks :(

    ReplyDelete
  27. My coder is trying to persuade me to move to .net from PHP.

    I have always disliked the idea because of the expenses.
    But he's tryiong none the less. I've been using Movable-type on numerous websites for about a year and am worried about switching to another platform.
    I have heard good things about blogengine.net. Is there a way
    I can transfer all my wordpress posts into it? Any help would be really appreciated!


    Also visit my site; watchout for complaints about smart circle imposters

    ReplyDelete
  28. migs? saan na po? hehehe

    ReplyDelete
  29. next chapter please

    ReplyDelete
  30. Mr. Author Sir Migs, i wish you're doing well.. will wait for next chapters. God bless :)

    ReplyDelete
  31. Mr. Author Sir Migs, i wish you're doing well.. will wait for next chapters. God bless :)

    ReplyDelete