Sunday, August 26, 2012

CHASING PAVEMENTS 5[1]

DISCLAIMER: The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission. The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page. If you DON'T like the way the author presented or narrated this story then you can click/tap the back button and read other stories or you can visit other blogs. If you don't like the story, you don't have to read it and give the author some bullshit after.

Oh, and some stories in this blog also contains profanities.

Yung pakiramdam na parang umiikot ang paligid mo, yung tipong ang kisame at pader ay unti-unting lumalapit sa kinatatayuan mo na para bang iipitin ka habang yung sahig naman ay naging kasing lambot na ng bagong buhos na simento. Isama pa ang hindi mapigilang panginginig ng iyong mga kamay, panlalamig, paninikip ng dibdib, panlalabo at paghapdi ng iyong mga mata dahil sa pagpigil mo sa mga luha mo na bumagsak. Yung sa sobrang pagiisip at sa sobrang takot ay wala ng maproseso ng maayos ang utak mo at ang tangi mo na lang maitatanong sa sarili mo ay: “Ano na bang gagawin ko?”

---unless na mapatunayan mo---” simula ulit ng pulis na asa aking kanan.


Sir, kanina ko pa po sinasabi sa inyo na may marangal po akong trabaho, opo nagigipit kami minsan pero hindi naman po umaabot sa punto na---” simula ko uling pagtatanggol sa sarili nang putulin naman ako sa pagsasalita ng pulis na nasa aking kaliwa.


Hindi naman lahat ng may marangal na trabaho ay marangal din ang ginagawa. Oo nga nurse ka pero malay ba namin na ito pala ang side line mo?” malisyosong singit nito.


Eh bakit niyo pa po tinatanong sakin at pinipilit na patunayan na mali ang akala niyo kung sa bawat idadahilan ko po eh hindi niyo naman ako paniniwalaan? Why not just turn me in, since mukhang paniwalang paniwala na kayo na guilty ako.” maanghang na tanong ko sa dalawa na agad namang nagpalitan ng tingin.


Binalot kaming tatlo ng katahimikan ang pulis na asa aking kanan ay walang patumanggang nakikipagtitigan sa akin. Tila naman hindi ito nakaligtas sa pulis na asa aking kaliwa dahil ito ang bumasag sa aming pagtititigan at katahimikan sa pagitan naming tatlo.


You can call someone first before we turn you in.” saad ng pulis na asa aking kaliwa atsaka tumayo at tumango sa kaniyang kasamahan para narin siguro mabigyan ako ng privacy.


Nang makalayo na ang dalawa ay agad kong dinukot ang aking telepono sa bulsa ng aking pantalon. Hindi na nagisip pa kung sino ang aking unang tatawagan. Nang makita ko ang panagalan nito sa aking phonebook ay agad ko itong tinap, lalong kumabog ang aking dibdib nang marinig kong magring ang kabilang linya, mas malakas pa ang pagkabog nito ngayon kesa kanina habang ginigisa ako ng mga pulis, mas malakas pa sa pagkabog nung sabihan ako na maaari akong iditena sa prisinto na iyon.


Hello?”


Sa simpleng salitang iyon, ang sakit, galit at pagkasabik na kinimkim ko sa taong asa kabilang linya ay hindi na napigilang maglabasan ulit.


Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagdaloy na lalong ikinahapdi ng mga ito.


Hello JP---”


3 months earlier...
November 30, 2012



“Marcus Salvador Calling” sabi sa screen ng telepono ko, dinecline ko ang tawag, inilapag ang telepono sa side table at bumalik na lang sa pagtulog, malapit na akong kainin ng aking mga panaginip nang makaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi, agad nagising ang diwa ko atsaka tumingin sa aking kanan.


Oh shit!”


Oh fucking shit!” sabi ko ulit sa sarili ko at dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap ni Pao. Nagpa-panic kong hinanap ang mga damit ko, pero mag sasampung minuto na ata akong nagiiikot sa buong unit ni Pao ay wala parin akong makita ni anino ng medyas ko.


How can I be so fucking stupid?!” galit kong sabi sa sarili ko.


Hey, good morning.” bati ni Pao sa gawi ng kama, kinukusot nito ang kaniyang mga mata. Napatigil ako, lalo akong nag-panic pero naisip ko rin na walang mangyayari kung magpapanic ako. Sabi nga ng teacher ko nung college: “There's no room for PANIC in a nurse's life.” Nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi ang magbuntong hininga at ipikit saglit ang aking mga mata, nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong pinapasadahan ng tingin ni Pao ang aking katawan. Hindi ako maskulado, wala nang ipapangit pa ang katawan ko kaya di ko magets kung bakit tila ba wiling wili si kumag sa pag-tingin sakin. Na-conscious ako bigla at hinila ko ang isang kumot sa di kalayuan at binalot ko yun sa katawan ko.


Relax, Migs. Just go with the fucking flow.” alo ko ulit sa sarili ko. natigil ang pag-papanic ko pero napalitan iyon ng galit na hindi ko na-realize na mas malala pala sa pagpapanic.


What the fuck did you do with my clothes?” naiinis kong tanong kay Pao.


Di ka nga pala morning person.” humahagikgik na sabi ni Pao sabay tayo sa kama at stretch, napanganga ako, alam kong nag-g-gym si Pao pero hindi ko alam na ganun pala kaganda ang katawan nito.


Just give me my fucking--- just give me my clothes, please.” alam kong hindi ko siya makukuwa sa pag-galit galitan kaya't sinubukan ko ang isa pang paraan, ang pagmamakaawa. Pero si Pao naman ang nagalit sa ginawa kong iyon.



Nakita kong binalot ng galit ang mga mata nito, kulang na lang ay may lumabas na usok mula sa ilong at tenga nito.



I know you will fucking panic and jet on me after you wake up this morning so I hid them!” naiiritang sagot ni Pao. Pinipigilan ko ulit ang sarili ko na magalit.


Why?” tanong ko dito.


You wanna fucking know why? Because I don't want you to treat me like the way your fucking brother treats me! What's with you and your brother? Why do you always fucking panic after sleeping with me? Am I that fucking disgusting that you cannot fucking stand waking up with me in bed?!” sumisigaw nang sabi ni Pao, saglit akong natatameme. As in saglit na saglit lang, parang mga 10 miliseconds lang bago ako balutin ng panibagong galit.


There's so many fucking things you still don't know about me! And one of them is --” pabulong pero puno ng galit kong sabi kay Pao na ikinagulat nito. “--- I don't fucking like it when I am compared to anyone especially to my brother!”



Saglit kaming nagtitigan, parehong nababalot ng galit ng aming mga pagkatao, pero ako rin ang unang pumutol ng pagtititigan na iyon. Naglakad ako papunta sa side table ni Pao at kinuwa ko ang susi ng sasakyan.



You don't want to fucking give me my clothes back, then fine, I'll go home wearing my fucking boxers!” sigaw ko dito.


Fine!” sigaw nito sabay talikod sakin, nagtungo ng banyo, naghimalos at nagmumog saka tumuloy sa kusina at nagluto ng agahan na akala mo normal na araw lang.


Fine!” sigaw ko ulit nang mapagtanto kong hindi na talaga ako pipigilan pa nito na umalis ng naka boxers lang.


Inis na inis parin akong naglakad papunta sa front door at bago lumabas dito ay siniguro kong wala na akong nakalimutan, non ko lang napagtantong naiwan ko nga pala sa side table ang aking telepono kaya naman binalikan ko ito. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sakin ni Pao kaya naman nilingon ko ito. Agad itong nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagpipirito ng itlog.


Ibinalik ko ang aking pansin sa paghahanap ng aking mga posibleng gamit pero wala akong makita kundi ang isang puting t-shirt na hindi pa sa akin. Dinampot ko ito, nang malapitan ko itong nakita ay saka ko nasiguro na kay Pao nga iyon dahil iyon ang kaniyang suot noong nakaraang gabi habang asa aking birthday party. Wala sa sarili ko itong sinuot, deadma na lang kung lukot-lukot ito basta naisip ko na at least may magagamit na ako.


That's my shirt, you know---” simula ni Pao habang naglalakad ako muli papalapit sa front door.


Fuck you!” singhal ko pabalik dito.


We already did---” pahabol pa ni Pao pero hindi ko na narinig pa ang sumunod na mga sinabi nito dahil isinara ko na ang pinto sa aking likuran.


0000ooo0000


Excited kong tinahak ang apartment ni kuya at ng best friend nito. Yun ang pangalawang beses kong makakapunta doon, yung una ay nung naghakot kami ng mga gamit at ngayon ay para bisitahin ito para makita narin ang posible kong tuluyan kapag tumuntong na ako ng kolehiyo sa susunod na school year.


Katatapos ko lang kumuwa noon ng entrance exam at excited akong ikuwento ito kay kuya. Si kuya sa pinakapaborito sa aking mga kapatid, Oo, strikto ito pero ito rin ang pinakamalambing, maaalalahanin at mabait sa lahat ng aking mga kapatid, ito rin ang bukod tanging nakikinig sa mga halos walang katuturan kong mga kwento, ngunit nitong mga nakaraan ay medyo na nahimik na at nanlamig na si kuya. Hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin, inisip ko na lang na madami ito masyadong iniisip at inaatupag lalo pa't nagme-medicine ito.


Nangingiti-ngiti kong nilakad ang natitira pang ilang hakbang papunta sa pinto ng apartment nila kuya. Iniisip na tiyak ay masusurpresa ito sa biglaan kong pagsulpot.


Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Ako ang nagulat nang buksan ko ang front door.


I hate him. I should hate him.” sabi ko sa sarili ko habang sumasakay sa isang dyip nang maalala ko ang tagpong iyon may ilang taon na ang nakakaraan.


Simula kasi noong araw na iyon ay wala sa sarili ko ng sinisi si Pao sa pagbabago ng ugali ni kuya at ngayon, siya ulit ang sinisisi ko dahil alam kong ikasisira nanaman ito ni kuya.


Do you think that's the reason why kuya changed?” malungkot kong tanong kay kuya Ron nung naghahakot kami ng aking gamit papunta sa kaniyang unit.


Pwedeng Oo, pwedeng hindi.” makahulugang sagot ni kuya Ron.


Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito sabay baba ng ilang sapatos na aking dinala mula sa bahay.


Pwedeng nagbago nga siya dahil doon, siguro kasi nahihiya siya sa inyo. I mean, being gay or bisexual or whatever label do you want to call it is still not that widely accepted and being rejected by the people you've known all your life really hurts like a bitch. Pwede rin namang hindi dahil baka naisip niya lang magbago dahil iyon ang akala niyang makakabuti at walang kunkesyon ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Pao sa pagbabago na iyon.” kibit balikat ulit na sabi ni kuya Ron.


Ngunit sa kabila ng sagot na ito ni kuya Ron ay ipinograma ko parin ang sarili ko na magalit kay Pao.


At iyon ulit ang ginagawa ko ngayon. Ang iprograma sa isip ko na masamang tao si Pao, na magalit ako dito dapat at layuan ko ito, alang-alang kay kuya.


0000ooo0000


Where have you been?” tanong ni kuya sa aking likuran na halos ikatalon ko. Buti na lang at nakapagpalit na ako ng damit nang bigla itong bumulaga.


Oh, t-tumambay lang ako kila Fhey.” pagpapalusot ko na mukhang kinagat naman ni kuya.


Kagabi ka pa hinahanap ni Rick. Wag ka ng matulog at kung may pasok ka mamya, magtiis ka. Magdamag kang na-miss nung bata.” pairap na sabi sakin ni kuya, tumitig ito saglit sa akin, malamang nagiintay ng aking naiiritang pagsupalpal sa kaniyang sinabi katulad ng nakasanayan namin kaya nang hindi ito nakatanggap ng pabalang na sagot mula sa akin ay agad itong nagtanong.


Are you OK? Did something happened last night that I need to know?” kunot noong tanong ni kuya sakin. Agad akong pinagpawisan ng malamig, hindi alam ang isasagot.


Marcus!” sigaw ni ate Carmi kay kuya.


Coming!” sagot naman ni kuya sabay talikod sa akin at tinungo ang kusina kung saan andun si ate.


Tinungo ko ang tinutulugang kwarto ni Rick. Hindi ako makapaniwala na nakalusot ako sa napipintong pagtatanong ni kuya.


0000ooo0000


Ilang linggo ang lumipas at wala na sa aking isip ang nangyari sa pagitan namin ni Pao. Hindi ko na ito nakikita na bumibisita sa apartment namin ni kuya, tila ba nabura ito sa mundo dahil maski ang kinakasama ni kuya ay hinahanap na rin ito. Ang hindi pagpapakita na ito ni Pao ay ayos lang sakin.


Toxic ba?” tanong ni Anthony sakin nang maabutan ako nitong bagsak balikat at halos mas malaki na ang eye bags ko kesa sa aking mukha.


Kailangan pa bang tanungin yan?” tanong naman ni Erwin sa kaniyang nobyo na ikinairap lang ng huli.


Bakit asa akin nanaman ang sumpa ng ka-toxic-an?!” pagod na pagod kong sabi na ikinahagikgik ng dalawa.


Di mo pa daw kasi itini-turn over eh.” humahagikgik na sabi ni Erwin.


Oo nga pala pinapatawag ka ni direk.” saad ni Anthony sabay turo sa opisina ng ER medical director.


Bakit nanaman?” pagod na pagod ko paring sabi sabay sapo sa aking noo bilangs abi na ayaw ko na ng stress pa.


Meron atang bagong residente. Ikaw ata ang gustong mag orient dun sa baguhan.” kibit balikat na saad ni Erwin na kala mo walang ka dating-dating sa kaniyang sinabi na iyon.


Bakit ako?! Anong ginagawa ni Divo?! Anong ginagawa nung cheap nurse na yun?!” galit kong tanong sa dalawa.


Oh, wag mo kaming pandilatan.” “Edi lumalandi.” sabay na sagot ni Anthony at Erwin.


Si Divo kasi ang napili na maging chief nurse habang si Anthony ang inilagay na head nurse ng ER at si Erwin sa infection control. Hindi namin alam kung paanong nakumbinsi ni Divo ang board ng ospital ang tangi naming alam ay hindi ito makatarungan para kay Erwin o maski sa lahat ng nurses sa ospital na iyon lalo pa't mas concern ito sa ikabubuti at ikababango ng kanyang pangalan kesa kapakanan ng nakararami, kaya naman nang mapili siya bilang chief nurse ay lubos na ikinabahala ng lahat.


It's just that I'm so tirrreeeeddd.” halos umiyak ko ng sabihin na ikinailing ng dalawa.


I'll do it.” prisinta ni Anthony.


Hindi na, ano ka ba. Kaya pa saka baka magalit si direk, sabihin sakin ini-atas tapos ipapasa ko sa iba.” sabi ko dito nang bigla akong makaramdam ng hiya dahil sa aking inaasta.


Kami ng bahala dun.” salo naman ni Erwin sa nobyo.


OK lang. Saglit lang naman yun, orientation lang---teka, kilala niyo ba kung sino 'tong bagong duktor na'to?” tanong ko sa dalawa.


Nope.” sagot ni Anthony.


Bagong graduate siguro.” sagot naman ni Erwin.


Ah ok--- sige ako ng bahala.” sabi ko sa dalawa na agad namang tumango at niyaya akong kumain.


0000ooo0000


Sir kanina pa po kayo hinahanap ni direk.” saad sakin ni Kat, isa sa aking mga katrabaho nang makabalik ako matapos naming kumain nila Anthony at Erwin.


Ah ganun ba, sige, thanks.” nakangiti kong sagot dito saka tumuloy sa opisina ng direktor.


Sir, bagong duktor po ba yung kasama ni direk na i-o-orient niyo daw?” nangi-ngiting tanong sakin ni Kat na ikinataka ko.


Oo ata. Bakit?” tanong ko dito.


Pwede bang ako na lang ang mag-orient?” namumulang pisngi na tanong sakin ni Kat na ikinangiti ko narin pero lubasan ko paring ikinataka.


Sure kung---” simula ko na agad namang naputol nang marinig ko ang boses ng direktor namin sa aking likuran.


Of course not, Kat. Naka duty ka ngayon kaya iyon ang dapat mong asikasuhin ngayon. Besides ni-request mismo ni Doc na si Migs ang mag-orient sa kaniya.” agad akong napaharap sa sinabing ito ng aming direktor.


Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig. Lahat ng pagod na lumunod sa katawan ko sa loob ng aking shift ay tila nakalimutan na ng aking buong katawan dahil sa pagkamanhid, ang paa ko ay tila naging gelatin dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatagal sa pagtayo.


Migs, OK ka lang? Namumutla ka ata. Wag mong kalimutan na i-o-orient mo pa ako.” nakangising saad ni Pao sa tabi ng aming direktor na nakangiti din habang si Kat ay ipnababalik-balik ang kaniyang tingin sa akin at kay Pao.


Oh shit.” sabi ko sa sarili ko.


Oh shit indeed.


Itutuloy...


CHASING PAVEMENTS 5[1]
BY: MIGS

31 comments:

  1. Hi guys! Kamusta kayo lahat? Hinid ko po dito sasagutin ang inyong mga comments sa TTTDAMO kasi po may mga readers po na hindi nagbabasa ng Chasing Pavements kaya bale wala rin po na reply-an ko sila dito. :-)

    Para naman po sa iba na hindi pa nababasa ang series ng Chasing Pavements, mas maganda po na simulan niyo muna sa umpisa kung hindi ay hindi po kayo makakasunod sa kwentong ito. (Maaari niyo pong i-click ang title o ay ang mga story na asa archives.)

    Nais ko din pong batiin ang aking blog. Yes, ang aking blog. DALAWANG TAON NA PO TAYO! :-) sakto namang may 200 followers na ako. hihi. SANA LANG PO, SA IKATLONG ANIBERSARYO NG AKING BLOG AY UMABOT NA AKO SA 3 thousand followers! :-) WISH LAMANG naman po. hehe, di naman po masama ang mangarap di po ba? :-D

    Inaanyayahan ko din po kayo na bisitahin ang mga blogs na ito... Sinisiguro ko pong hindi kayo magsisisi.

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Muli, maraming salamat po. Hindi po aabot ng ikalawang taon ang aking blog kung wala kayong aking ga tagasubaybay! ILOVEYOUALL! :-)

    ReplyDelete
  2. KUYA MIGGGGSSSS!!!! wahhhh. after a lifeeeeetime.

    napulis ka? well sasagutin mo naman pala in the coming chapters kung bakit.
    any way nice chapter to. ahaha.

    sana naman by this time me "STABLE?" lovelife kana. ahahaha. ang kulit lang ni kuya pao.

    Bilib na talaga ako sayo, ang tatagmo! Always remember na I'm praying for you! ingat ka lagi and wag papa"toxic" GOD BLESS!! WEEHH

    p.s. di parin ako makagetover na me chasing pavements na ulit :))))))


    -ichigo XD

    ReplyDelete
  3. Author Migs!

    Congrats! haha,stress ako ngayon, so siya pala kumidnapped sayo nung birthday mo, tama ba? o christmas? basta may event nun e..haha..

    ok lang kung di ka magreply dito..gusto ko lang magcomment XD

    ReplyDelete
  4. well... I LOVE YOU KUYA MIGS FOR THIS!!!!!! ahaha... the loooooooooooooooooooooooong wait is over!!!!

    ReplyDelete
  5. huwow I miss this story...:) sorry sa ibang gawa mo Kuya Migs, but I still Love Chasing Pavements..:)

    ReplyDelete
  6. YEY! bumalik pa ko sa book 4 para masariwa ito. haha. galing! next chapter na! hihi.
    --JayAr

    ReplyDelete
  7. haha nice. ako pala ung pang 200 na follower mo. :))
    --JayAr

    ReplyDelete
  8. hahahaha..ang ganda ng story mo kuya migs.

    ReplyDelete
  9. Ang pagbabalik ng chasing pavements,excited nq s mangyayari,hahaha = )

    ReplyDelete
  10. after a thousand years (joke lang :) ) eh nagkaroon na rin ng kasunod ito. wag magpatoxic andito lang kami na maatiyagang nag-aantay kung kelan ang mga post mo. we understand na meron ka pa ring sariling buhay na dapat iprioritize.

    ---januard

    ReplyDelete
  11. i need to refresh my BRAIN LOL thnx sa update migz!

    ReplyDelete
  12. ay walangya!!!!! si pao pa!!!! omigash.. whatta coincidence....

    anyway thanks sa updates ng book 5....

    new reader here... :)

    ReplyDelete
  13. Pao pao pao paooooooo!

    Hihihihi! Ayan nanaman! Di na natuto!

    Migs ayan ka nanaman! :p bago na modem ko. Bwahahaha! Tuloy ang ligaya!

    ReplyDelete
  14. --Waahh!! After eternity years, nag post ka na rin ng CP book 5! :D
    Hi Migs, isa ako sa mga silent reader mo and masasabi ko na napakagaling mong magsulat, lahat ng kwento mo dito sa blog nabasa ko na. Na-inspired ako at ngyon ay gumagawa nrin ako ng aking kwento galing sa aking mpaglarong isipan..:)
    pro hndi ko pa mtapos-tapos ang kwento dhil sa mga demanding kong profs sa school.-.-
    anyway, aabangan ko ung next mong mga posts mo pti ung kay kuya zildjian. Pkikumusta mo nlng ako kay kuya zildjian. :D

    -LYNX.

    ReplyDelete
  15. O.O haha! Ok now I get it kung bakit ganun nalang flow dati ng usapan natin. haha! OOOhhh.. Kuya and pao are doctors pala. Hala! XD Anyway, sorry for not giving time commenting on your works lately kuya. Preoccupied ang sched at utak. Alam mo na dahilan.hahaha! Anyway,ganda ng chap na to at mukhang gets ko kung saan patungo tong CP5. haha! Anyway, send my regards to rick! :D :D :D Next na update mo sa storyng isa ako magcomment ng bongga kuya ha. Promise yun. Baka me pabasahin rin ako sa kwentong un. Although I'm sure matatawa un kasi kilala niya kami lahat, kaw lang hindi. hehe! Kung ok lang sayo, pakilala kita??? Sa next siguro na whole-day-tambay-at-kulitan siguro namin ko ipapabasa un. Mahilig pa nman un magbasa. :D


    And again, thanks ho sa mga kwento niyo na sobrang aliw. :D Senxa kung medyo walang gana tong comment ko ngayon, medyo na-off lang sa langyang 6 items na namali pagshade sa exam. T.T Anyway, matapos lang tong midterms, hahanap ako ng tiyempo na magkwento2 rin sayo kuya bahala di ka maxado magreply. ahaha! Really want to know you more. Serious. :D


    -->iGi

    ReplyDelete
  16. MIGZ, one of the greatest writer I've ever known ( in bromance genre ). This is my first time to make a comment because of my schedules. By the way, I already read all your series.. ( no kidding aside ).. Your stories make my insights alive. You have great stories that touches my heart. I hope someday we can meet so that I can greet you personnaly. I LOVE YOU!

    you little princess fan,
    Leyner

    ReplyDelete
  17. migs.... pansin ko lang... bakit wala na si EDISON at JAKE dun sa iba mo pang story na sequel... miss ko sila heheheheheh..... breakeven 4!!!!! hehehe

    mystify

    ReplyDelete
  18. sa wakas my update na rin. Supah like !i miss this st0ry.witw3w. :-)

    ReplyDelete
  19. wow! at last may update na ule. he he he. tnx MIGS.

    ReplyDelete
  20. Ang kwento ng buhay ni Migs! Bow!
    Halaaaaa! Migs!!! Napulis ka?! Ano nangyareeee?! Bwahahaha!


    -iyanchan

    ReplyDelete
  21. Migz. Happy 2nd year anniversary sa blog mo. Di na ako magpa tumpik tumpik pa. I Love You Migz. Sobra.

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. after a long silence.....i'm back <3....

    medyo di ko kasi gusto ung TTTDAMO though binabasa ko din sya pero di na ko nag cocoment..enwei...kmusta k na? may wordpress na ko hehehe tnx sa pointers it helps me a lot..:) saka na kita iinvite dun ahh pag medyo madami n kong na ipost kasi ngayon konti plang at most of them is Opinion column pa....kya next time n lang ahh..:)

    excited ako dito sa Chasing..:)
    kip it up...u'r one of the best !!

    miss u migui boy..:)

    ReplyDelete
  24. akala ko tapos na ang chasing pavements.. :p

    ReplyDelete
  25. HAPPY BIRTHDAY BLOG NI MIGS

    aun ngaun q lng nbsa to,kala q kc nbsa q na,d pa pla, lame memory, sorry x.x
    i like d name of migs’ kuya..wla lng lol
    wut will happen next? hhntayn q nlang :D

    ReplyDelete
  26. Chasing Pavements 5. Chasing Pavements 5. Bakit ang hirap mong intindihin? Nakalimutan ko na ang story ng Chasing Pavements 1-4. So no choice, I have to re-read it.refresh refresh muna. :/ Migs yurr d best talaga. :)

    ReplyDelete
  27. Infer, ang tagal ko pong hinintay etong book na to. :)) sa wakas!!! sana, maging part ako ng isa sa mga books/stories mo. =P hehe <3


    -Gavi :)

    ReplyDelete
  28. Nice may bagong update na ang Chasng Pavements Saga. I need to reread the previous saga. Tsk, tsk. This will gonna an epic 'book'. Looking forward to it.
    Thank you kuya Migs.

    .-Stringx

    ReplyDelete
  29. Nice may bagong update na ang Chasng Pavements Saga. I need to reread the previous saga. Tsk, tsk. This will gonna an epic 'book'. Looking forward to it.
    Thank you kuya Migs.

    .-Stringx

    ReplyDelete
  30. hi kuya migs love na love ko itong chasing pavement grabe.kaadik talaga.lagi kong iniintay tlaga to.thnx kuya migs.


    --AAPN

    ReplyDelete
  31. kuya migsss... san na po yung kasunod :(

    ReplyDelete